HWPB 6

12 10 0
                                    

"Haeli!!"

Bigla akong napaderetso ng tayo at lumingon sa side nila.

Akala ko si Aiden yung tumawag sakin. Si Christian pala.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

"Oy Yvonne bat ganyan itsura mo? Selos eh. Aminin mo na kasi kay Trev" - Prince

"Why would I. Kaibigan nya si Haeli, and kaibigan din ako ni Trev. So wag issue guys" - Yvonne

"Uh oh. Defensive" - Joseph

"Guys stop na baka umiyak pa si Yvonne haha" - Aiden

"Isa ka pa" - Yvonne

Uhm pwede na siguro kong um-exit noh.

Tumingin sakin si Aiden.

"May klase na ko. Una na kami ah"

"Sige. Bye"

Ngumiti siya at kumaway.

Iba talaga pag friendly eh. Tas pag yung guy may kaibigang babae nagiging issue pa, ganon din pag ang babae may kaibigang lalaki. Hays.

"Tara guys"

"Gwapo din yung kaibigan mo ah" - Tine

"Iba talaga pag stem noh Tine?" - Angennelle

"Nemen haha nandon bf at crush ko haha" - Tine

"Gwapo din yung mga kaibigan nya lalo na yung maputi" - Athaliah

"Hala ka pati si Athaliah nahawa na sayo Tine haha" - Angennelle

"Ayiiieee si Christian yon Athaliah haha"

"Sabi ko lang gwapo, grabe kayo. Isa lang crush ko at kilala nyo na yon haha" - Athaliah

"Loyal" - Tine

"Di gaya mo haha" - Angennelle

"Tama na haha baka mag away pa kayo. 2 minutes na lang late na tayo"

**

"Haeli"

Nagulat ako nung biglang bumulong si Athaliah.

Lumingon ako sa kanya pero nilipat din nya agad yung tingin nya sa teacher namin sa harap na nagdi-discuss.

"Oh?"

Tumingin din ako agad sa board. Baka mahuli pa kaming nag uusap.

"Tingin ka sa labas"

Gaya ng sabi nya, lumingon ako sa labas.

Andon si Aiden sa may corridor, nakapwesto siya lagpas ng pinto ng room namin para di siya makita ng teacher namin na nasa harap.

"Lagi kang iniintay ah. May gusto siguro yan sayo"

Lumingon ako sa kanya. Ganon din siya.

Ang serious ng tingin nya.

"Grabe siya. Iniintay ako nyan dahil boring daw pag walang kasabay.  Baliw yan eh akala ata sakin clown. Yung mga kaibigan nya kasi ibang way"

"Sssshhh" - Mam math

Uh oh.

Napatingin kami ni Athaliah kay Mam.

Pero nagsusulat siya sa board. Hays buti naman akala ko samin titingin.

Napangiti na lang kami ni Athaliah at napa sshh sign.

Lumingon ako kay Aiden.

Napatingin siya sakin.

"Una ka na" I mouthed.

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon