Chapter 1

18.5K 173 3
                                    

NOTE: This is the raw and unedited version.

"NO! You can't do this to me mom. I will not go. I'll stay here." Buong tapang na sinalubong ni Jolli ang seryosong mga mata ng kanyang mommy.

"I'm so sorry sweetie. It's your dad's decision. You have to go to the Philippines and live with him," pinal na sagot ng kanyang ina.

Umiling siya at nanlulumong umupo sa gilid ng kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang mommy ng umagang iyon. Pagkagising niya ay iyon ang bumungad sa kanya. Pinuntahan siya nito sa kwarto at sinabi ang kataku-takot na balitang iyon.

Lumapit ang mommy niya at hinaplos ang kanyang mahabang buhok. Nagsusumamo ang mga mata niyang tinignan ito. Alam niyang sa tingin niyang iyon ay madalas na nakukumbinsi niya ang mga magulang. She hoped it works this time.

"Nasaan si daddy? Kakausapin ko siya mom. Sasabihin ko sa kanyang ayokong umalis."

"May importanteng bagay na inaayos ang daddy mo kaya hindi mo siya makakausap ngayon. Para sa ikabubuti mo ito anak," nakangiting sabi nito. "Kailangan mong matuto at tumayo sa sarili mong mga paa."

Mataas silang magtagalog. Kapag nasa bahay sila ay Tagalog dapat ang sinasalita nila. She loves the language kaya hindi niya kakalimutan ang bansang pinanggalingan. Purong Pilipino ang kanyang mga magulang. Sa Pilipinas siya ipinanganak pero noong pumasok siya sa high school ay nagdesisyon ang kanyang daddy na sa America na sila manirahan dahil nandoon ang mga negosyo ng kanyang pamilya. At para na rin makasama nila palagi ang kanyang daddy dahil palagi itong nasa America at madalang kung makauwi ng Pilipinas dahil sa mga business nito.

"Bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito?" nagtatampo ang tinig niya. "Ang dahilan ba ay iyong paglalabas ko sa gabi at pag-uwi ng disoras?"

"Isa iyon sa mga maraming dahilan. Hindi ka na teenager," pagalit na sabi nito. "Na kailangan kong pagsababihan pa. Halos araw-araw na lang ay lumalabas ka kasama ang mga kaibigan mo, you are wasting all your time going on those parties."

Totoo ang sinabi nito. Hilig niya ang night life. Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag hindi siya nakakalabas ng bahay kapag gabi. She likes going out with her friends especially shopping, going to famous restaurants and talking about sophisticated things.

"I promise mom," hinawakan niya ang mga kamay nito. "Hindi na ako magpa-party kasama ang mga kaibigan ko. Hindi na ako magiging pasaway. Magtatrabaho na rin ako dito sa bahay. Kung gusto niyo ako ang maghuhugas ng pinggan. I will do all the household chores. Just don't send me away from here."

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla ay gusto ng magulang niya na umuwi siya ng Pilipinas. Hindi niya kayang malayo sa mga ito. Mula pagkabata ay kasama niya ang pamilya kaya may pangamba sa kanyang puso.

Alam niyang isa siyang dakilang brat. Kahit anong gusto niya ay nakukuha niya dahil sa mayaman ang kanyang pamilya. Her father owns an auto group business here in America. Hindi niya kailangang maghirap para makuha ang gusto. That's why she never worked for herself.

They said that you will learn to be independent in this country. Pero bakit hindi niya nagawa iyon? Sa kanyang edad ay ang mga magulang niya ang bumubuhay sa kanya. Siguro dahil na-adapt nila ang kultura sa Pilipinas. Na hangga't hindi siya nag-aasawa ay nakatira pa rin siya sa mga magulang niya. Or maybe because she's only child at ayaw ng mga magulang niyang malayo siya sa mga ito.

Umiling ito. "Look at yourself my sweetie," malungkot na sabi ng mommy niya. "You are twenty seven and still don't know what is the real world. Tumatanda ka na anak at kailangan mong malaman kung ano ang makakabuti para sayo. At your age, you should settle down things. Hindi kami palaging nandiyan ng daddy mo para sayo. Balang araw ay iiwan ka namin at gusto namin na maging responsable ka sa buhay. You are our only child and we want nothing but the best for you. Siguro kasalanan din namin ng daddy mo ito. Pinalaki ka namin na spoiled. Nakukuha mo lahat ng gusto mo ng hindi pinaghihirapan iyon. Ni hindi ka nagtrabaho sa kumpanya niya kahit tapos ka ng college. 'Ni hindi ka marunong ng gawaing bahay dahil marami ang gagawa niyon para sayo. Remember this Jolli," hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Those luxury cars, diamonds, expensive clothes, bags, shoes and the rich life you are living will be easily gone. Do you know why?" Umiling siya. "Because you didn't work hard for them. But if you learn to work hard to get those things, they will not slip in your hand that easily and they were mean a lot to you. You can be proud of yourself when you get all those. Mas masarap ang makuha mo ang isang bagay dahil pinaghirapan mo siya," nakangiting sabi pa nito.

Say You'll Stay (COMPLETED)Where stories live. Discover now