Chapter 7

12.9K 205 67
                                    

"HUWAG ka ngang magulo," saway ni Jolli kay Romeo habang kapwa sila magkatabing nakaupo sa sofa sa sala.

"Pansinin mo naman ako, please?" yumuko pa ito sa harap niya para malaya niyang makita ang buong mukha nito.

Huminga siya ng malalim at ipinatong sa lamesa ang hawak niyang laptop. Kanina pa ito nagpapapansin sa kanya habang abala siya sa kanyang ginagawang proposal para sa marketing plan na pinapagawa sa kanya ni Kael. Hindi dapat siya magsayang ng oras sa pagbuo niyon. Gusto niya na kaagad niyang matapos ang plano para matuwa sa kanya si Kael. Kaya naman kahit day off niya ay nagtatrabaho siya sa bahay.

"Pambihira naman!" kunwa'y reklamo niya. "Kahit kailan talaga istorbo ka, oo."

Ikinatutuwa ng kanyang puso na magkasundo na sila ni Romeo. Araw-araw ay nagiging masaya siya sa mga ipinapakita nito sa kanya. First time in her life that a man treated her that way. As if they were best of friends. Nagkukulitan, nag-aasaran at nagkakapikunan pero sa bandang huli ay magkakasundo rin.

"Kanina ka pa kasi nakatutok diyan sa laptop mo. Umalis ako kaninang umaga na iyan na ang hawak ko. Pati ba namang ngayong pagdating ko ay hawak mo pa rin iyan? Kulang na nga lang pati sa pagtulog ay katabi mo iyang laptop mo," masama pa ang tingin na tinuro nito ang laptop niya.

Natawa naman siya sa sinabi nito. He's acting like he cared for her. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay hindi niya maiwasang mangiti sa mga sinabi nito. Ang puso niya ay hindi niya kayang awatin sa mga nararamdamang iyon. Dahil aaminin niya sa sariling nagugustuhan niya ang hatid na iyon ni Romeo sa buhay niya.

"Anong nakakatawa?" angil nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili at kinurot niya ang pisngi nito at pinanggigilan. Ang sarap hawakan ng pisngi nito, napakalambot.

"Ang cute-cute mo talaga. Ikaw ang pinaka-cute na supermodel na kilala ko," nangingiting sabi niya rito.

Tinabig lang nito ang kamay niya at sumimangot. "Huwag mo nga akong bolahin. Alam ko na 'yan noon pa," mayabang pang sabi nito.

Ngumisi siya, "Ang yabang-yabang mo talaga."

Humarap ito sa kanya at ngumiti. "Ang mabuti pa mamasyal na lang tayo o kaya kumain sa labas," suhestiyon nito.

Kunwa'y nag-isip siya, "Hindi pwede. Kailangan kong tapusin ito para maibigay ko kaagad kay Kael."

"Kael! Kael! Puro ka na lang Kael," naiinis na sabi nito. Gusto niyang isiping nagseselos ito sa pinsan pero sinaway niya ang sarili. Nagiging assuming na siya kapag ganoon. "Kapag nakita ko 'yang pinsan kong iyan, makakatikim siya sa akin dahil siya ang dahilan kung bakit palagi ka na lang busy. Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil diyan sa traabho mo sa TMA."

"Romeo," tawag niya rito at hinarap ito, "Hindi ba ito ang gusto mo at ng mga magulang ko? Gusto niyo na maging responsable ako hindi ba? That's why I am doing all these because of you. Gusto kong malaman nina daddy na may natutuhan ako at para rin sayo," hinawakan niya ang mga kamay nito. "I want you to be proud of me," masayang sabi niya.

Gumanti ito at buong higpit at hinawakan ang kanyang mga kamay. Kakaibang pagsuyo ang naramdaman niya sa ginawa nitong iyon. Everytime he's touching her hands, she felt secured.

"Tama ka. Ngayon pa lang ay natitiyak kong matutuwa ang mga magulang mo kapag nalaman nila kung gaano ka nag-improve. Hindi nasayang lahat ng sakripisyong ginawa nila para matuto ka. Always remember this Jolli," lalong hinigpitan nito ang hawak sa kanyang mga kamay. "Everything they did is for your own sake."

Say You'll Stay (COMPLETED)Where stories live. Discover now