Chapter 9

4.8K 76 1
                                    

"TEKA lang, Romeo," pigil ni Jolli rito nang akma na itong aalis. Nasa loob sila ng dressing room sa venue ng event ng TMA.

Humarap ito sa kanya na may ngiti sa mga labi. Sa tuwing nakikita niya ang ngiti nito na umaabot sa mga mata ay kakaibang pagsuyo ang kanyang nararamdaman. Gumanti siya ng kanyang pinakamatamis na ngiti.

"Bakit?" nakangiti pa ring tanong nito.

Lumapit siya rito at dahan-dahang inayos an gang kurbata nitong bahagyang nagulo.

"Hayan!" masayang sabi niya. "Pogi ka na ulit," kinindatan pa niya ito. "Sigurado ako na maraming titili sayo sa pagrampa mo mamaya."

Ito ang unang beses na makikita niya itong rarampa sa isang event sa labas ng TMA. Parang hinaplos ang kanyang puso kaninang umagang sabihin nitong isasama siya sa event. Lihim siyang natuwa sa sinabi nito.

Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ngumiti ng may pagsuyo. Nalaglag yata ang puso niya sa ngiti nitong iyon. Kinapa niya ang damdamin. Hanggang kailan kaya niya itatago ang nararamdaman niya para rito? Sa mga ipinapakita nito sa kanya hindi maiwasang umasa ng puso niya na may katugon ang nararamdaman niyang yon. Mahal niya si Romeo. Hindi niya inakalang mararamdaman niya ang ganoon katinding pakiramdam para lamang rito.

"I don't mind other girls cheering for me. As long as you are here, so close with me I am contented. I know in your heart, you are shouting my name."

Totoo ang tinuran nito. Ito lang ang nag-iisang isisigaw ng puso niya.

Tumawa siya, "Siyempre naman! Isisigaw ko mamaya ang pangalan ng ang-iisang gwapong modelong kilala ko."

"Sus! Dakilang bolera ka talaga, Jolli."

"Naniwala ka naman," pang-aasar niya.

"Of course! Ikaw ang nagsabi eh," pinisil pa nito ang tungki ng kanyang ilong.

"Hala! Tama na ang bolahan. Lumabas ka na doon at puntahan mo na ang mga kasama mo. Ikaw nalang ang naiwan dito."

"Ikaw kasi, tinawag mo pa ako. Kung hindi ko lang alam, gusto mo akong masolo kaya mo ako tinawag," tumaas pa ang mga kilay nito.

Sabay silang natawa sa sinabi nito. "Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo," umiiling-iling siya. "Lumabas ka na nga," kunwa'y pagtataboy niya.

"Halika na." Nagulat siya ng hulihin nito ang isang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon.

Takang nilingon niya ito, "Ikaw lang ang rarampa at hindi ako kasama."

"Nah!" nagkibit-balikat ito. "Gusto kong ihatid ka sa upuan mo kaya ikaw," ginulo pa nito ang kanyang buhok. "Huwag ka nang makulit diyan."

Naguumpaw sa katuwaan ang puso niya sa sinabi nitong iyon. Sa mga ipinapakita nito ay lalo lamang tumitindi ang pagtibok ng kanyang puso para kay Romeo.

"Pero baka makita ka ng ibang mga tao. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita ka nilang kasama ko?" Sa isiping iyon ay parang tinusok ng karayom ang puso niya.

Kumunot ang noo nito, "I don't care about other people. Wala akong pakielam sa iisipin at sasabihin nila. I just want to do this," iminwestra pa nito ang magkahugpong nilang kamay.

Puno ng sayang ngumiti siya rito. "Thank you, Romeo."

Gumanti ito ng ngiti, "No, thank you Jolli because you made me feel this way." Naging malamlam ang mga mata nito. Na para bang may gusto itong sabihin sa kanyang nakikita sa mga mata nito.

Say You'll Stay (COMPLETED)Where stories live. Discover now