Chapter 10 (ENDING)

7.5K 178 7
                                    

"HELLO, dad," umiiyak na kausap ni Jolli sa kanyang daddy sa kabilang linya. "It's me dad, Jolli."

Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi nito marinig ang kanyang hikbi habang nakaupo siya sa sahig sa sala.

"My princess, I missed you so much." Anito sa kabilang linya.

Hindi niya napigilan ang sarili at napahikbi siya sa tinig ng ama. Ramdam niya ang nahihirapang tinig nito. Kaninang umaga ay nagulat siya ng ibigay ni Romeo sa kanya ang telepono nito at sinabing gusto siyang kausapin ng daddy niya. Buong gabing hindi niya kinausap ito. Kahit ano ang pilit nitong kausapin siya ay hindi niya inalintana ito. He said that her father now knew that she discovered what happened to him.

Sumigok siya, "Miss na miss na rin kita dad at si mommy. Gusto ko na kayong makita."

"Daddy and mommy will be glad to see you too, sweetie. I'm sorry if you have to suffer like this. Patawarin mo kami kung naglihim kami sayo." Nahimigan niya ang nasasaktang tinig nito.

"Maiinitindihan ko naman po. Pero bakit kailangan niyo pang maglihim sa akin? Pwede naman akong mag-stay diyan at alagaan kayo hindi ba?" Hindi na niya napigilan ang pagtatampo sa tinig. "Ako ang nag-iisa niyong anak at ako ang dapat nag-aalalaga sa inyo."

Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. Bigla siyang nag-alala. Hindi dapat niya sinasabi ang mga iyon dahil kagagaling lang nito sa operasyon.

"Dad..."

"Alam ko na magdaramdam ka anak pero desisyon namin ng mommy mo na huwag ipaalam sayo ang lahat dahil kami ang higit na nakakaalam kung gaano ka kahina. Yes you are strong outside but we do know how weak you are inside. Ginawa namin iyon dahil mahal ka namin at gusto naming matuto ka sa sarili mong mga paa nang malayo sa amin. Kapag nalaman mo na may sakit ako natitiyak kong manghihina ka. Ayokong makita mo na nahihirapan ako at kung paano ako unti-unting nanghihina. I know how much you adore me and I don't want you to get weak. Kailangan naming gawin iyon dahil walang mag-aalaga sayo dito. Pero salamat dahil may nagmagandang loob na tulungan ang pamilya natin. I want you to learn to be tough that's why, kahit mahirap mas pinili namin na malayo ka sa amin. Can you see our purpose? We want you to be responsible and be tough. At alam naming nagtagumpay kami, hindi ba? Please, don't get mad at us, Jolli."

Umiling siya, "Huwag mong sabihin 'yan dad baka makasama sa kalusugan mo. It's okay, I'm okay, I am doing fine here. Do you know dad," nakangiting sabi niya. "Marunong na akong magluto," she proudly says. "Alam ko na rin kung paano maglinis ng bahay, maglaba, mamlantsa, maghugas ng pinggan at meron na rin akong trabaho," umiiyak na sinabi niya ang lahat ng nalaman niya sa bahay na iyon.

She heard him laugh, "I am proud of you, sweetie. You are now a grown up lady. Thank Romeo for doing a great job," masayang sabi pa nito. "Hindi ako nagsising sa kanya ka ipaubaya dahil mas maalagaan ka niya ng mabuti habang inaasikaso ako ng mommy mo."

Lumipat ang tingin niya kay Romeo na nakatayo di kalayuan sa kanya habang nakamasid sa kanya. Kita niya ang pagsamo sa mga mata nito. Iniwas niya ang tingin. Ayaw niyang makita ang mga mata nito, nagkakamali lamang siya sa mga nakikita doon.

"Yeah, thanks to him," mahinang sabi niya. "Ahm... dad?"

"Yes sweetie?"

Huminga siya ng malalim. "Kunin mo na ako dito, please? Ayoko na dito. Gusto ko na kayong mayakap." Aniya sa nahihirapang tinig. Pakiramdam niya ay dinudurog ng paunti-unti ang puso niya habang sinasabi ang mga iyon. Alam niyang iyon ang makakabuti para sa kanya.

Say You'll Stay (COMPLETED)Where stories live. Discover now