(part 1)
Miki’s POV:
“Sige iintayin ko ang sagot mo hanggang bukas. Sana pumayag ka..
*Q* Hanggang ngayon ba ikaw parin nasa isip ko? Lesheng lalaking yan. Bat ba ang daming gwapo sa mundo? Na te-tempt ako eh. Haaay! Erase Erase! May eyebags na nga sa kakaisip dun sa alok. totoo ba toh? O nananaginip lang ako? Tinanong nya talaga ako kung may free time sa Saturday, para lang maturuan ang kanyang kapatid. Papayag ba ako o hindi? Ang hirap eh… diba nga “Man-hater” ako. Ayaw ko na matulad sa ina ko, tapos ganito pa. At tsaka ngayon na malalaman yung highest sa practical exam. Kinakabahan talaga ako. Sana hindi si PERRY, kundi ang bagsak ay Friendly DATE! Yuck. Sa inyo nalang sya. Pero paano nga kung si Perry ang nakakuha ng highest. Waaaaaa…
Naglalakad ako ngayon sa hallway. As always, nakatingin nanaman lahat ng estudyante sakin. Yung tinging diring-diri.
“Tingnan mo yun girl, wag ka dun lalapit. Alam mo bang sine-seduce ng babaeng yan si papa Eron. Kahapon nga mukhang yung kinanta ni papa Eron inalay nya ata dun sa Miki na yun.”Student 1.
“Ewww..yuck. Yung tabatchoy na yun?! Nakooow kailangan na tayong gumawa ng action para mailayo si papa Eron dun sa babaeng yun. Aba kapal ng mukha! Ang taba taba na nga, ganun pa!” Student 2
Ganun ba talaga kasikat yung Perry na yun? Pati yung ibang year nakiki ‘eww! Yuck!’ parang ganda nila ah! Pero mukhang sila ang magiging daan para makaalis na ako kay Perry. Bwahahaha! Gusto ko silang tulungan! xD
“Pero papaano ko naman sila—“
*dughs*
Natumba ako dahil sa malakas na impak ng pagkakabundol ko. Tae naman oh, hirap kayang tumayo. Lam mo na, mataba. Sino ba kasi ang—
“Ay sori miss— Miki? Tama, ikaw nga Miki! So napag isipan mo na ba?” what the eff— artista! Nah, si Liam.
“Ahahaha… di ba halata sa eyebags ko?” sabi ko.
“Woah. Masyado mo atang dinibdib. Pero kung ayaw mo, okay lang. Ayaw ko namang makaabala sayo. By the way kung may desisyon ka na, pumunta ka sa room namin. Magkaiba nga pala tayo ng section. Section C ako.” Sabi nya.
So mas magaling papala ako sa kanya. Section A ako sya C. Wahahaha! Matabang matalino! Hanep!
Pagkatapos kong makabundol si Liam ay agad naman akong nagpaalam sa kanya dahil baka malate ako. Nung nasa tapat na ako ng pinto ng aming classroom, biglang—
*bogsh* effect ng nabuhusan ng tubig
Ang bastos nila grabe! Grrrr…
“WAHAHAHA! WAHAHAHA! BUTI NGA SAYO! abafeugfswaklaadgo!” anong nangyayare? B-baket humihina ang sigawan nila?
“Wag ka ng mag alala. Nandito na ako. Di kita iiwan,” isang pamilyar na boses ang bumulong sakin.
“B-baket ba sila ganito sakin? *sniff* hindi ko alam kung baket nila ayaw sakin. *sniff*” bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't I Love You? (WCILU)
Teen FictionIsang babaeng nagngangalang Miki ang takot mainlove dahil ayaw nyang matulad sa kanyang ina, na pinagpustahan lang. Ngunit isang lalaking nagngangalang Eron ang magpapalambot ng kanyang puso. Ngunit totoo ba ang nararamdaman nito sa dalaga?