** Chapter 8 **

69 4 1
                                    

(o_o)  A-K-A-T-S-U-K-I??

Miki's POV:

My golly! Akala ko katapusan ko na! May nagligtas sakin! Akatsuki, eh? Panu kasi, etong nagligtas sakin ay naka pang akatsuking damit kaso sa halip na itim at may red clouds ay blue with ****.

*search sa google = Akatsuki naruto shipuuden* Otaku po kasi si author!

Third Person POV:

Matapos suntukin nung akatsuki yung lalaki at agad na kinuha nya yung balisong na isasaksak dapat kay Miki. Pagkatapos nun, nainis yung lalaking may balisong at akto na susugod para suntukin yung akatsuki. Pero nailagan ito nung akatsuki at sinuntok ulit, pero sa tiyan na, kanina kasi sa mukha.

Tumalsik yung lalaki at napahiga sa sahig. Nakabangon ulit at sumigaw "T*ngna ka! Bat ka ba nangangailam!? Hindi mo ba ako kilala!? Kilala akong gangster dito!"

Nakatungo yung lalaki noon. Nung unti-unting inaangat na nya yung kanyang mukha. Bigla syang naging parang bato at di na ulit nakapagsalita. Para bang nakakita ng multo.

"P-phantom..." nangangatal na sabi nung lalaki. Pagkatapos nun ay bigla nalang tumakbo palayo yung lalaki

Miki's POV:

Binaling ko ang aking atensyon dun sa naka akatsuking uniform na tinawag na phantom. Nakatulala parin sya dun sa direksyon kung saan tumakbo yung lalaki. Nagulat ako bigla kasi nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Ang mga mata nya...

malungkot... Bat ganun? Ngayon lang ako nakakita ng ganung mga mata.

Yung mga taong nasa paligid ko, hindi man lang ako tinulungan. Oo nga nuh... bat di ko napansin yun? Lahat sila nakatunganga at pinapanood akong ninanakawan, ganun ba talaga ang ugali dito sa subdivision na ito? Except lang kina Liam at dito kay phantom ito... Pero taga dito ba sya?

Nung binaling ko naman sa mga tao kaninang tinitingnan ako, bigla nalang silang nagsipagtakbuhan. Hindi kaya si phantom ay isang gangster? Pwede rin. Magpapasalamat sana ako dun sa tinawag kong akatsuki, pero bigla syang nawala ng parang bula. At nakita ko nalang sa pwesto nya ay isang panyong may nakaukit na B at P.

***

"WHAAAAAAAAAAAT!?"

"Aray! Sakit sa tenga Brielle."

"Are you sure that a gangster saved your life!? Unbelibabel!" ang sabi ni Brielle.

"Yes! Ng matapos ka na, here's the proof." tapos kinuha ko yung panyo na bigay ni Blue Phantom. Yung ang tawag ko sa kanya kasi all blue outfit nya eh tapos tinawag pa sya nung mukhang zombieng lalaki na phantom! xD

*Q* "WOW! Wait a sec, yung bang nagligtas sayong gangster lalaki?" tanong ni Brielle.

"Ahh..." ano nga ba? Eh hindi ko nakita yung mukha, mata lang eh. "Hindi ko alam. Ahehe..." sagot ko kay Brielle.

Narito pala kami sa bleachers ng aming gym. Nakaupo kami pareho ni Brielle, kasama yung mga ka year at di namin kayear. At nga pala hindi ko kaklase si Brielle. Di ko nakwento toh sa inyo noh?

Bigla nalang napatayo ng upuan si Brielle nung sinagot ko yun at sinabing "HUWAAAAT!? Hindi mo alam kung babae o LALAKI!? May ghawd, sayang yun." Adik talaga ng babaeng toh. May pagnanasa dun sa gangster, eh di pa nga alam kung babae o lalaki. Eh panu nalang kung babae pala yun tapos nagkagusto si Brielle equals ano kaya yun? ( *^*)7

Monday na ulet ngayon. Bilis noh? Anong ginawa ko nung gabi ng sabado at maghapon nung Linggo? Ahm, nakauwi naman ako ng maayos nung sabado. Ikwinento ko kay lola yung nangyare sakin. Nag alala sya, pero sabi ko di naman ako nasaktan. Sabi nya maghihire daw sya ng driver ko para maghahatid-sundo sakin sa school at sa pupuntahan ko, sabi ko wag na, pumayag naman basta mag iingat daw ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Can't I Love You? (WCILU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon