** Chapter 7 **

57 2 0
                                    

(part 1)

Miki's POV:

"Achoo-!" shemay, pag nga naman minamalas oh. Malay ko ba na sisipunin ako ngayon. Naka 5 box na ako ng tissue paper. Ang mas malupet pa dito, pulang-pula na ang ilong ko. Kamukha ko na si Rudolph the red nose reindeer. Papunta ako ngayon sa music room dahil iaannounce na daw yung highest sa exam. Hay salamat naman pumasok na si ma'am!

"Goodmorning fellow students! Alam ko na excited na kayong malaman ang nakakuha ng highest score sa exam. Sorry kung absent ako kahapon, may nilakad lang kasi akong important business."

Habang nagsasalita si ma'am, hindi ko mapigilang kabahan. Kahit alam ko na naimpress sila sakin. Aba naniniwala din ako sa kasabihang 'expect the unexpected'. Yung akala mo walang ibubuga, pero mas talbog ka pa. Mga ganun. Teka-teka, where art thou, Perry the Platypus? (<,< ) ( >,>) ( >,< ) WEIRD, wala sya? nanaman?

"So the one who got the highest score is Ms. Ysabel Miki Fuentabella." anu daw? Totoo ba toh? Ibig sabihin...walang magaganap na date! YEHEY!!! Woooohooo! Makakahinga rin ng maluwag!

"Hindi pa dito natatapos ang announcement ko. 2 buwan nalang bago mag Music Fest. At sa mismong araw na yun ay may pupuntang director ng isang art school na kukuha sa ating school ng 2 estudyante na may potential na maging artista. Mahigit anim na buwan silang mawawala sa ating eskwelahan..."dagdag ni Mrs. Reyes. Anu daw? Art School?

Di ko alam kung baket ako napatingin sa direksyon ni Liam, nakita kong bumuka ang bibig nya na parang may iniimik ngunit di ko maintindihan... "Psssh... inannounce pa, eh may napili na naman."

Pagkatapos nun ay nagpunta na kaming lahat sa kanya kanyang classroom, pero bigla nalang ulet may humila ng braso ko. Akala ko nung una si Liam pero sa halip na si Liam ay si Perry ang nanghila sakin.

"Mwo(What)?" pambungad ko.

"Aga-aga init agad ng ulo? Chill naman oh." sabay pout. Er, di ko talaga take kapag nag popout sya. Parang bading, yuck!

"Yuck! Wag ka ngang mangganyan. Di bagay sayo. Oh, ano ba kailangan mo? May pahila-hila ka pang nalalaman." Sabi ko.

"Pag si Liam naman..." he muttered.

"Mwo?!" kakaiba yata aura neto.

"Huwag mo syang lalapitan!"

"A-ano!? Anong pinagsasabi mo?"

"Si Liam, wag mo syang lalapitan."

"Ano bang pakialam mo kung lapitan ko sya, ha? Di naman kita kaanu-ano-"

Nagulat ako nung isinandal nya ako sa pader.

"Teka P-perry...nasasaktan ako!"

"Ano bang meron sya ha? Bakit ka makikipagdate sa kanya? Kung ako lang yung highest dapat kadate na kita bukas." ano? -____-" may sayad talaga toh.

"Anong sabi mo? Date?" hindi ko alam, pero medyo natatawa ako sa pinaggagawa nya. Isip bata ata toh. Teka... bat di na ako nagagalit sa kanya?

Onga.

Ay may baka ata dito.

Tangek si author toh. Gusto lang mag hi sa mga nagbabasang friends ko!

Ah... di ko lang naisip na sabado na pala bukas. Saturday...hmmm..

O_______O Ay naku po! Bukas pala ako magtuturo sa kapatid ni Liam! Hala! Ano nga oras pupunta ako sa kanila?

9:00am sa **** street Apple Subdivision. Ay lechugas Miki, may amnesia ka ba?

Sorreh naman. ( "__ _) Kinakabahan na ako bukas.

Why Can't I Love You? (WCILU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon