•His Stare 04•🖤
"Ayaw ko nga! I won't do that!"
Hinihilot ko ang ulo ko habang nandito kami sa cafe na paborito namin. Teachers have their meeting again. Napansin namin na marami silang inaasikaso kasi may bibisita raw sa school and they're preparing para sa mga kakailangang folders na ipapakita kapag hinanap.
Yesterday was full of drama. Umuwi ako at umuwi na rin si Johayra. I've got to say goodbye to my other friends kahit napakalakas ng ulan. Akala nga namin hindi na uulan kasi may araw na kanina pero heto ngayon alas-nuwebe pa lang, napakalakas na ng ulan sa labas.
"Come on, Eliz. Just do it. Napakasimple lang naman no'n!"
"I said I don't want to Jhea. Iba na lang. Grabe naman 'yan. I prefer being on a quiz bee at the national level kaysa diyan sa pinapagawa niyo. That seems so hard."
"Ano naman kasing mahirap sa paglapit lang kay Dremende, Villamor? Ito pa lang, ayaw mo na. Ano na lang kaya sa susunod?" naiinis na rin na sabi ni Marycar.
I don't know if I should be happy that they support me, finally. Pero heto sila at ang daming mga plano. They want me to do things na halos ikamatay ko.
At ang una, they want me to approach Lorenzo. Just, what the heck? I feel like I was about to commit my own suicide. Nanginginig na nga 'tong binti ko kapag titingin lang siya, what more pa kaya kapag pupuntahan ko na talaga?
"I may seem so desperate na ako pa talaga ang unang lalapit! Just imagine what he'll going to think of me! Ang landi ko na nga sa tingin niya na wala pa akong ginagawa, what more na lalapitan ko na talaga siya? I wont do the first move."
"So, you will wait until Dremende do the first move? Elizabeth aabutin tayo ng siyam-siyam niyan. For years, not even once, hindi ko siya nakitang lumapit saiyo. Lapit lang ha?" puna pa ni Epriel.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kasi talaga kaya. Hindi ko kayang lumapit sa kaniya. Nakakakaba kaya. Gusto ba nila akong mamatay? Hindi pa naman ako makahinga kapag nandiyan siya.
Pagtingin ko sa gilid, nakita ko si Genevieve na unan ang braso niya at tinulugan ang binabasa. Hays. Mabuti pa 'tong isang 'to, tulog lang ang inaalala.
"Baka naman kasi may magawa kayong paraan para hindi parang intentional ang paglapit ni Eliz. Try to make excuses para naman may rason kung bakit lalapit si Eliz. Para hindi maghinala si Dremende," suggest ni Johayra.
Bigla namang pumalakpak si Jhea at Epriel dahil do'n. Hinila pa ni Jhea ang buhok ni Johayra.
"Ang galing mong malandi ka."
"Aray Jhea, bakit ba kailangan pang hilahin ang buhok ko?"
Napatawa ako nang hinampas ni Johayra sa braso si Jhea nang makawala sa paghila ni Jhea sa buhok niya.
"Aray!" daing ni Jhea at lalaban pa sana pero nakita niya ang kamay ni Johayra na handa na namang paluin siya ulit, hindi na niya tinuloy pa.
"Intentional naman talaga ang paglapit ni Eliz," sabi ni Marycar.
"Kaya nga gumawa ng paraan!" sabay na sigaw ni Epriel at Jhea.
BINABASA MO ANG
WHEN HE STARE
General FictionElizabeth is in love. Customary right? She hoped. She expected. She assumed... And she's hurt. Just because she's in love with a man who despise her and don't absolutely love her existence. She's in love with a man who don't love her back. Desiring...