His Stare 07

6 2 0
                                    


•His Stare 07• 


🖤

I am blankly staring at my phone. Mabilis akong lumingon sa kung nasaan siya at halos malagutan ako ng hininga nang makita siya.

Mabilis kong nilagay ang phone ko at napagdesisyonan na ituon na lang ang aking mga mata sa aking libro.

Malalakas na kabog at hindi maipaliwanag na damdamin ang aking nararamdaman.

What I am supposed to do? Hahayaan siyang pumunta rito o sasalubungin siya?

I bit my lip while listening to my heart. I saw him made his way to my direction and swear, hindi ko na alam ang tamang gagawin.

I was staring at him as he was looking at my direction. Ang guwapo talaga ng Dremendeng 'to.

Mabilis akong tumayo at hinarangan siya. Kumunot ang noo niya at tinitigan ako sa mata. Muntik na akong mapatumba sa panghihina ng tuhod ko sa kaba. Ano ba 'to?

I smiled at him. For the second time, I smiled at him. Nakita ko ang mas pagtitig niya sa akin nang dahil do'n.

Napakurap-kurap ako at tumikhim.

"Hi," nakangiting bati ko at gaya nang inaasahan ay wala akong nakuhang bati pabalik.

He was just there, intently staring at me. We're few inches to each other pero parang ang layo niya pa rin sa akin.

Nakakunot ang noo niya at tila hinihintay ang sasabihin ko pa. Napatitig lang din ako sa kaniya at tila naguguluhan na rin.

Hindi ba hinahanap niya ako? Kasi ibibigay niya ang libro ko?

Speaking of the book, I lowered down my eyes to his hand at nakita ko nga ang libro ko roon.

May kasiyahang dumaan sa dibdib ko. Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata at may nakita akong pagkainip at pagkairita roon.

I even saw him glanced at his watch as if I was wasting his precious time. Bakit ba kasi hindi pa niya binibigay?

"Hinahanap mo raw ako?" maliit na boses na tanong ko.

Mas kumunot ang noo niya at tila naguguluhan. I was confused by his reaction too. Naglolokohan ba kami rito? Ano? Ang lakas ng loob niya kanina tapos ngayong magkaharap na kami.... nahihiya na siya? Napangiti ako sa aking mga naiisip.

"Akin na," nakangiting sabi ko at nilahad ang aking kamay.

"What?" naiinis na tanong niya.

Mas napangiti ako. Nahihiya pa 'to.

"The book."

"What the heck are you talking about?" nagagalit na tanong niya.

"Ang libro ko."

"What?" mas nagagalit na wika niya. "You're wasting my time lady. Puwede tumabi ka?"

Napanganga ako sa sinabi niya at ramdam ko ang sakit na gumapang sa puso ko. Nangingilid ang luha ko pero nilabanan ko iyon.

 WHEN HE STARE     Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon