KABANATA 8

636 4 0
                                    

Kahit pagod sa mahabang byahe hindi ako makatulog. Ngayon alam ko na kung bakit unang beses palang namin magkita ng Mommy niya noon ay matalim na siya kung tumingin sa akin.

Akala ko noon ay sadyang strikta lang siya. Pero ngayon naiintindihan ko na siya even Pablo sa kagustuhan nilang gumanti kay Papa ako ang pinahirapan nila.

He didn't love me. He never loved me. He chosed to marry me and now his true love Darling came back. Itinapon nalang akong paramg basura.

And Darling she's my sister. Gosh. Alam kaya niya ito? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. Malamang ay alam na sa mansion ang paglalayas ko. At nakakapagtaka na wala pang sumusunod sa akin dito.

Gosh. Priscila. Nangangarap kapang susundan ka niya? Ngayon na nalaman mong purong paghihiganti lang ang pakay niya sayo. Mabuti nalang din at napigilan mong magbuntis. Hindi ka nabuntis sa limang taong impyernong kinalalagyan mo. Kung hindi ay kawawa ang bata sa paglaki niya mamumulat na siyang bunga lang siya nang paghihiganti ng ama niya sa pamilya ko.

Sinilip ko ang mahimbing na pagtulog ng mga magulang ko sa lapag. Naglatag lamang sila ng manipis na banig at sabay nang namaluktot doon. Naaawa ako sa kalagayan nila. Tumayo ako at ipinatong ang kumot na ibinigay nila sa akin, hindi naman ako giniginaw alam kong mas kailangan nila ito. Mahirap iaccept na kung kailan sila tumanda ay doon nila naranasan ang kahirapan.

I understand that my father is at fault. Pero hindi sapat na dahilan ang ipinaranas sa kanila ni Pablo. Bakit hindi nalang niyang hinayaang ang batas ang magbigay ng hustisya kay Papa.

Nilagay nya ang hustisya sa kanyang kamay. Nalaman ko rin kanina na pagkatapos maiturnover ni Papa ang pamamahala kay Pablo ay agad niya itong pinaalis sa mansion at pinatira sa kwadra ng mga kabayo. Ang negosyo naman ng pamilya ni Mommy ay nasa kanyang kuya at binilinan ang mga ito na kapag nabalitaang tumutulong ay sila naman din ang pagbabalingan ng galit ni Pablo.

Nagtrabaho si Papa sa hacienda bilang tagalinis ng kabayo, taga ani at kung anu ano pa habang si Mommy naman ay naging labandera sa mansion.
Nang hindi na makatiis, umalis sila Papa at hindi na pinaglaban ang karapat. I doubt it is about my Father's guilt kaya siya nagpaubaya na ng tuluyan. Pero nakita sila at itinapon sa lugar na ito na kung saan ay isang bakanteng lote lang na may sira sirang barung barong at abandonado ang binigay sa kanila.

Naranasan nilang mangamba kapag umuulan dahil magiging basang sisiw sila sa loob. Sumasama si Papa sa isang bangka ng naging kaibigan niya dito sa barrio para mangisda sa madaling araw at ibenta pagsapit ng liwanag, naging kargador rin siya sa palengke, at magsasaka. Si Mommy naman ay namasukan na katulong sa isang may kayang pamilya sa lugar na ito. Hindi ko akalain ang hirap na dinadanas nila sa nakalipas na limang taon.

Naiiyak akong isipin na may mga taong sa labis na galit kayang gawin ang ganitong pagpapahirap sa kanila. Tumatanda na sila at labis na ang ibinagsak ng mga katawan nila.

Malayong malayo sa matikas at magandang tindig ng papa niya ang itsura nya ngayon. Pumayat, nasunog sa araw ang balat, at nangangalyo na ang kamay at talampakan. Ang Simple but elegant beauty ng Mommy niya ay natakpan na ng maraming wrinkles ang mukha, nangulubot narin ang balat, at kahit sadyang mestisa ay makikita parin ang pagkakalayo ng kulay nito sa dati, katulad din ng sa Papa niya puro kalyo narin ang mga kamay nito marahil ay sa paglalabandera.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak sa sinapit ng mga magulang ko ng marinig kong tumilaok na may tumilaok na manok.

"Oh anak' baka pagod kapa matulog ka muna ulit". Nakangiting bati ni Mommy sa akin ng makitang kinukusot ko pa ang mga mata ko habang patungo sa kusina.

"Okay na My. Para makasabay ko rin kayo mag almusal". Nakangiti akong humalik sa pisngi niya bago hilahin ang upuan at maupo sa harap ng mesa.

"Protacio. Kain na tayo". Pagtawag ni Mommy bago ako lingunin ulit ng nakangiti

Force LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon