KABANATA 12

546 5 1
                                    

Ilang araw na simula ng may mangyaring hindi maganda sa akin. Patuloy parin ang imbestigasyon nila Tito pero wala parin silang mahanap na lead.

Nagpasya narin ang mga magulang ko na magmigrate na sa ibang bansa para narin sa safety ko.

Bukas ang flight namin kaya naman abala na kaming lahat na mag ayos ng mga dadaling gamit.

This is it. I want to accept the fact na kailangan ko nang talikuran ang lahat ng nagyari sa akin.

Masaya parin ako na sa kabila ng lahat andito ang pamilya ko buo at patuloy akong sinusuportahan.

Tungkol naman sa asawa ko' noong makalawa ay may natanggap akong tawag mula sa kanya. Gusto niyang magkita at mag-usap kaming dalawa. Isa din ito sa dahilan kung bakit gusto naming umalis na.

Alam niya kung nasaan ako at kung hindi pa kami aalis ay baka may mangyari nanaman sa akin ng masama.

Minamadali na nila Mommy ang lahat para sa pag-alis naming buong pamilya.

Gusto ko nang magpakalayo layo at kalimutan lahat ng masakit na nangyari sa akin.


PABLO's POV

"Sh*t". Mura ko ng makita ang lahat ng picture na binigay sa akin ng secretary ko.

"Bakit po Sir? Is there a problem po?" Natatakot na tanong nito dahil sa bigla kong pagsabog sa galit.

Pinasok ko ulit lahat ng picture sa envelope at mabilis na tinapon ito sa basurahan.

"Cancel all my appointment. I have important things to do". Diretso akong umalis at pabalibag na sinara ang pintuan ng opisina.

Pinaabot raw kanina ng isang lalaki sa guard ang envelope na yun.

Bukas sana ay handa na akong makipag-usap sa asawa ko at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.

After all what I did. Mahal ko siya. At hindi ko na hahayaang saklawan pa ako ulit ng Nanay ko sa desisyon ko sa buhay.


Kung kuhanin man lahat ni Mommy kaya kong magsimula ulit sa wala.

Pero ano to? Galit na galit ako sa nakitang larawan ng asawa ko. F*ck!


Dumiretso ako sa bar na pinakamalapit at pinabukas ito para magpakalunod sa alak.

Kaibigan ko naman ang may-ari at regular customer ako kaya naman kilala na ako ng mga waiter na naglilinis ng datnan ko.

Umorder ako ng maraming alak para kalimutan lahat ng nakita ko. Pero mukhang kulang pa. Dahil paulit ulit kong nakikita ang mukha ng asawa ko na sarap na sarap sa ginagawa nila ng lalaking yun.


Damn. Papatayin ko ang lalaking yun! Walanghiya sila!


Tuloy lang ako sa pag-iinom hanggang sa magbukas na sila!

Inaawat narin ako ng mga waiter dahil sa dami na ng nainom ko.


"Sir lasing na ho kayo". Nag-aalalang lapit sa akin ng isang babaeng waitress.

"F-f*ck. Leaveeee me alone". Sigaw ko sa kanya na mukhang nagulat na man at nagmadaling umalis.

Umiikot na ang paningin ko sa sobrang kalasingan ng makitang may babaeng papalapit sa akin.

Sa namumungay na mata nakita ko ang nag-aalalang mukha ng asawa ko.

Mabilis ko itong siniil ng marahas na halik. Pero nagpupumiglas ito at dahil sa kalasingan nagawa niya akong itulak.


Force LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon