Chapter Two: Am I Ready?

123 8 3
                                    

Ella's POV

Matapos ang  nakakabagot na pag'uusap at pag'iinarte ni Louisee ay pumasok na kami sa loob ng mansyon. Specifically, sa loob ng theatre room namin.

Dito kami naglilibang kapag walang pasok o feel lang naming manood.

Siya na ang pinapili ko ng pelikulang papanoorin namin. Sa kasamaang palad at dala na rin ng masamang hanging dulot ni Louisee ay " The Gifted". -__-

Nagsimula na ang movie

Nasa kalagitnaan na ng pagsasabunutan si Anne at Christine nang tinawag niya ako. " Ella pakuha nga ng popcorn dun sa table. Thank you. " pakiusap niya.

" Okay, wait. " sagot ko habang papunta sa lalagyan ng popcorn.

Balat kalabaw talaga! Hindi pa nga ako umu-o nag-thank you na!

Pagkatapos kung makuha ang popcorn at matapos ko siyang murahin sa isip ko ay bumalik na ako sa upuan at binigay sa kanya ang popcorn.

" Oh, Ella kain ka din. " alok niya.

" Thanks, but no thanks. I'm full. " 'baka kasi kulang pa sa'yo eh', siyempre sa isip ko lang 'yun.

" Okay, ikaw bahala. " Ako talaga ang bahala, kainis ka!

Tapos na naming panoorin ang The Gifted at siyempre inayos namin ang mga kalat at lumabas na.

" Salamat talaga Ella, hindi ko lubos maisip na kaya mo akong -- I mean kaming patawarin despite of the fact na sinaktan ka namin at pinagmukhang tanga. Thanks for the second chance. I promise 'di ka magsisisi na binigyan mo kami ng pangalawang pagkakataon. " paliwanag niya.

Hindi ko din naman lubos maisip na sa lahat ng ginawa niyo ay may mukha ka pang ihaharap sakin. And its not a second chance. Ano ako, tanga? This is my chance to hurt you.

" Oo naman. Wala na 'yun. Masaya na ako na OKAY NA OKAY tayo. " inemphasize ko talaga ang OKAY NA OKAY.

Masyadong marami na ata ang kasalanan ko sa Diyos. Una pagsisinungaling at pangalawa ay pakikipagkaibigan sa mga traidor. Tsk.

" Salamat talaga. ~Ring~Ring~, wait sasagutin ko lang Ella ha. " paalam niya.

" Oh, sure. "

" Oh, hubby .... I miss you too ... Oo andito ako kina Ella ... Yes we're okay na ... Okay, sunduin mo nalang ako dito ... Bye, I Love you .. "

After 987654321 years ay natapos din ang pag-uusap nila.

I Love You.. sakin niya NOON yan sinasabi.

Oo nga NOON 'yun, sa kanya naman NGAYON.

"Ah, Ella pupunta pala dito si Lyndon. Susunduin niya ako. I hope its ok. "

" Oo naman. Mabuti nga"t susunduin ka ng driver mo nang 'di ka mapahamak sa daan. Marami pa naman diyang siraulo. " asarin ko nga.

"Ah, Ella, boyfriend ko si Lyndon. You know-- sI Jaymes. " alam ko! How could I forgot his name, Jaymes Lyndon Reid. Psh.

"Ah, ganun ba. Mahirap kasing alalahanin ang mga taong hindi naman importante. Diba, Louisee? " I told her smiling.

"Ah -- o--oo. Ella. " sagot niyang nauutal. Guilty nga.

"Samahan na kita sa labas. 'Dun na natin siya antayin. " alok ko.

"Okay. "

Habang palabas kami ng bahay ay di ko mapigilang isipin na, Kaya ko na ba siyang harapin, AM I READY?

**********************************************************

How was chapter 3? Medyo bad trip ako kaya hindi rin maganda ang chapter na 'to. Babawi ho ako next time, okay? Okay. ^•^

Don't forget to leave your message and vote. ^•^

-Luhelle_04

SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon