Chapter Five: Jaymes?

85 7 2
                                    

Ella's POV

Maaga akong gumising dahil first class ko ang Calculus. 7:30 ata yun sa schedule ko.

Naligo na ako at kumain ng Cookies at uminom ng Milo.

Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa Reid university.

Pagkapasok ko pa lang ay maramI ng nakatingin. Yung mga matang parang hinihusgahan na ako kahit wala pa akong ginagawa. Pake ko ba sa kanila. Di hamak na mas maganda naman ako sa kanila. Tsk.

Pumunta na ako sa first class ko. Pagkapasok ko ng room ay marami ng estudyante. 7 am pa lang kaya. Masyado silang maaga.

Nakahanap ako ng upuan dun sa pinakadulo yung malapit sa bintana. Gusto ko din namang makalanghap ng sariwang hangin.

Makalipas ang ilang sandali ay na-ingay na ang mga classmates. Yung tili bang parang may parating na mga artista. Tsk. As if I care.

" Oh my gosh! You will not believed this guys but classmate natin si Jaymes at Kenji pati na rin sina Seth, Luke at Stephen. ! Kyaaaaah! "

"Kyaaaaaaah! " tili ng mga babae

Ano ba yan? Parang Jaymes lng-- wait. Natigilan ako. Iisa lang naman diba ang sikat na Jaymes dito? So, it means na kaklase ko siya? Sheeeeet.

Nakalimutan kong sabihin na iisang year lang kami ni Jaymes at same course pa.

Bakit ba ako kinakabahan? Ito diba ang plano ko? Ang mapalapit sa kanya?

Bumalik na ako sa realidad ng pumasok sang prof namin. Si Prof. Iven.

"Goodmorning Everybody! " masigla niyang bati.

"Goodmorning sir! " bati din ng mga kaklase ko.

"Take your seats. " at umupo nq kaming lahat.

Asan na ba sila? Akala ko ba magkaklase kami?

Nagsimula ng maglecture si sir about sa basics ng Calculus ng may biglang pumasok at kasabay nun ang pagtigil ng mundo ko. Sheeet. Andyan si Jaymes sa pinto. Hingal na hingal pero gwapo parin. After 2 years, ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo at pumuti. Lalong lumaki ang katawan niya at---

" Goodmorning to you Ami! " biglang sumulpot si Kenji. Sino pa ba ang ibang epal dito? At sino kaya yung tinawag niyang Ami? Ah, ewan. Makikinig na lang ako kay sir.

Hanggang sa matapos ang klase ay di ako tinigilan ni Kenji sa pangungulit. Kesyo siya ang pinakgwapo dito at dapat magkagusto sakanya. Kesyo nagkandarapa lahat ng babae sa kanya eh dapat gustuhin ko na rin siya. At alam niyo ang sagot ko sa kanya? 'Wala akong pake'. Wala naman talaga kasi eh, sinabi kong nakikinig ako kay sir pero di ko nagawa ng mabuti dahil nararamdaman kong tinitignan ako na Jaymes. Wala naman akong dumi sa mukha aa.

Nung matapos kung ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako at lumakad papunta sa library. Nakita ko namang nakasunod si Kenji kaya tumakbo na ako. Baka kulitin naman niya ako.

" Ahh. *boogsh*" dahil sa dakila akong tanga ay di ko napansin na may nabangga na pala ako. At nung tumayo ako. Nag'freeze ako sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw. Kung saan ay nakatakas ako kay Kenji ay nakaharap ko naman si JAYMES. 

Ito ang una naming encounter after 2 years.

Tinulungan niya akong pulutin ang mga nahulog kong libro. At nung isa na lang ang natira, nagkasabay ang mga kamay namin. I can still feel the spark when I'm touching his hands. Its always there. And will always be.

Nagkatinginan pa rin kami nang----

" Ami! " may tumawag at umakbay sakin

At sino pa ba ang dakilang bwisit dito? Edi si Kenji.  Tsk. 

Tinaggal ko ang pagka-akbay niya sakin.

"Ano ba! Hindi mo ba ako titigilan? " inis na sabi ko.

"Hindi! Hangga't hindi mo maamin na gwapo ako"

"Ewan ko sayo. Lokohin mo lolo mo"

"Please na Ami. Wag mo nang ideny" whatdaeff?? So ako pala yung Ami na tinatawag niya. At kelan pa naging Ami ang pangalan ko?

"Ehem" kung hindi tumikhim si Jaymes ay siguradong hindi ko na siya mapapansin

" Sige una na ako Ella " sabi niya at saka siya umalis.

Pagkatapos niyang umalis ay umalis nadin ako sa harap ng ugok na yun. Nakakaimbyerna ang mukha niya eh.

Habang lumalakad ako ay tinawag niya ako.

" Ami! " no response lang ako

" Ami! Ami! " lumalakad pa rin ako.

" Ella Amethyst Cortez! "

" ANO?? " sigaw ko. Ayaw na ayaw ko na tinatawag ako sa buong pangalan ko. Only my father can call me in my full name.

" Wala naman. May naiwan ka lang kasi. " sabi niya

" Ano? " singhal ko,

" Yung puso ko. " sabi niya sabay kindat.

"Tse! " at umalis na ako papunta sa library. Bwist yun. Naisahan ako ah.

Pagkadating ko sa library ay konti lang ang totoo.

Malamang siguro yung mga estudyante walang balak pumunta dito kasi nagpapaganda. Baka nga kulang pa ang lunch break sa kanila eh. Tsk.

Meron pa akong 1 hour and 45 minutes left na lunch break. 2 hours sana kung hindi sinayang ng yabang yun ang oras ko sa pagmamayabang ng kagwapuhan niya. Mas gwapo naman si Jaymes-- wala akong sinabi.

Kumuha na ako ng libro ni Shakespeare. Romeo and Juliet. Ilang ulit ko na tong nabasa pero hindi pa rin ako nagsasawa. Ang ganda kasi ng story kahit tragic yung ending.  Tanong ko nga, paano kung nalaman ni Romeo na buhay si Juliet, magpapakamatay din ba siya? Sasaya ba ang ending?

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng nag beep ang phone ko.

Tinignan ko.

From: James

Punta ka sa dating lugar natin. Mag-uusap tayo. Hihintayin kita bukas ng 6pm.

****end of message***

Nakalimutan kong sabihin sa inyo na nasave ko na ang no. niya,

At bakit niya ba ako pinapapunta DUN? At ano ang pag-uusapan namin?

*********************************************************************************

Hello Readers! Next Chapter will be two parts. Medyo mahaba kasi at iniisip ko pa ang ilalagay ko eh. Haha Basta paganda ng paganda ang mga next chapters! ^•^

How was chapter 5?

Magulo ba?

Twist yan.

Leeave your comments and don't forget to vote. ^•^

- Luhelle_04

SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon