Ella's POV
~ring~ring~ring~
Nagising ako sa tunog ng alarm ko.
Geez. Inaantok pa rin ako. Bwisit na Louisee kasi yun. Ang tagal umuwi kagabi. Haist.
Maliligo na lang ako. Baka maubos pa ang oras ko sa kakaisip sa babae na yun.
Matapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa kusina at kumuha ng Cookies sa ref at nagtimpla ng milo.
Yes, tama kayo, favorite ko ang milo at nasanay na rin ako kasing inumin to noon lalo na nung kami pa ni Jaymes. Ayyy! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun! Makaalis na nga.
Andito na ako ngayon sa sasakyan papuntang school. Nakalimutan ko palang sabihin na pupunta ako sa university para ayusin ang papers ko at nang makapasok na ako.
Dumating na ako sa Reid university. Yeah, pagmamay-ari nina Jaymes. Well, pinlano ko naman talaga na dito pumasok para mapadali ang pag-ganti ko.
"Oh, pare ang ganda ng babae o, transferee siguro yan. " sabi ng lalaki sa tabi. Well gwapo siya. Hindi lang siya, apat kaya sila. Yung nagsabi sakin ng maganda ay yung kulay blonde ang buhok at medyo katangkaran at maputi din. Koreano siguro. Yung isa naman ay kumakain ng ice cream at nakatingin sa malayo, yung parang may tinatanaw na ewan. Gwapo din siya, maputi, matangkad at sobrang pinkish ng cheeks kulay pink din ang lips. At yung dalawa parang kambal. Magkamukha kasi. Yung pinagkaiba lang ay yung ayos ng buhok at kulay. Yung isa sobrang messy at kulay pula at yung isa naman ay napaka neat and clean ng buhok, kulay brown.
"Miss, picturan mo na lang kami. Especially ako. Titig na titig ka kasi eh. Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kagwapo. *wink* " sabi niya. Yung blonde ang buhok. Parang masusuka ako sa mga sinasabi niya. Yuck talaga. Napaka'feeling.
"Thanks but no thanks. Tinitigan ko lang yung mukha niyo, ESPECIALLY SAYO, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka pangit na mukha. " sabi ko sabay irap. Inemphasize ko tlaga yung ESPECIALLY SAYO, para mainis ang bwisit. Ang yabang eh.
" miss, nagsasalamin ka ba? Kasi baka malabo na ang mata mo. Etong mukhang to? Pangit? Ang gwapo kaya. Magpatingin ka na sa eye specialist. Tsk. "
" hindi ko kailangan magpatingin dahil pangit ka namn talaga. " maka alis na nga. Nabibwisit ako.
Habang paalis ako sa kinatatayuan ko, ngayon ko lang napansin na marami pa png nakatingin sa akin-- sa amin. May nagbubulong-bulungan pa nga.
Ewan ko nga kung bulong yun eh, rinig na rinig ko naman.
" aba! Akala niya kung sino siyang maganda. Pangit naman. " sabi ng babaeng parang payaso sa kapal ng make up.
" oo nga! Hindi niya ba kilala si Kenji? Gosh! " aba ang arte ng palaka. Palaka kasi ang palaka niya. Haha
" sabagay, transferee yan eh. Hindi niya kilala si Kenji. " sabi ng isa pang palaka.
Umalis na lang ako at pumunta sa registrar. Kahit na gaano pa kagwapo at kakilala ang lalaking yun, pangit pa rin niya. Palibhasa conceited kasi.
Pagkatapos kung ayusin ang qking mga requirements ay umuwi na ako.
Pagkadating ko ay may narecieved akong message.
From: 0925*******
Hoy babae! Subukan mong magpakita sakin bukas! Malalagot ka talaga.
By the way, Goodnight. :*
****end of message****
Yuckkkkkk! May emoticons pa siyang kiss na nalalaman pero pinagbabantaan niya ako. Tsk . Bipolar talaga.
Kahit hindi ko tanungin alam ko naman kung sino to eh.
Siyempre ang ubod ng yabang, si KENJI.
Replyan ko kaya.
To: 0925*******
Goodnight. :*
Send...
Parang masusuka talaga ako ng ma send ko yun. Siyempre joke ko lang yun para asarin siya. Haha
Makatulog na nga.
Pero bago ako matulog ay sinave ko muna ang no. niya
Kenji Yabang. Hahaaha. Ganda ng apelyido.
*********************************************************************************.
Hello po! After how many days ay naka-update din ako. Hahahaha
Eto na ang sinasabi ko sa inyo. May apat akong characters na dinagdag. Sinisigurado ko naman na hindi kayo madi-disappoint sa mga bago Kong characters.
Pero, pinag-iisipan ko pa kung ano yung mga name nila. Ilagay ko kaya name ng mga crush ko? Wahahaha Joke lang. ^•^
Yung ibang characters ay sa susunod na chapters pa.
^•^
Yung encounter ni Jaymes at ni ella ay malapit na din.
Busy kasi eh. ^•^
But wait, how was chapter 4?
Leave your comments and don't forget to vote. ^•^
-Luhelle_04
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE
De TodoThis story is about a girl who is in the middle of choosing between LOVE or REVENGE. She was so hurt many years ago but she's back with her new transformation. Is she strong enough to face them? Are they ready for her unexpected comeback?
