Chapter 6
This is the Moment
Tapos bumalik na ko kay Mike
"Mike bakit ka naman ganyan,napadaan lang naman si Aki at-at saka may sinabi lang sya"pasigaw kong sabi,kasi di nya alam kung gano kadakit sakin na may kasama ma syang iba.
"Kasi Jack mahal kita!ha alam mo ba yun mahal kita,di ko kayang mawala ka sa kin kasi mahal kita"malakas nyang sabi na halos mabingi na ko.
Napatulala ako sa sinabi nya at alam kong tumutulo na yung luha ko.
"Ma-Mike a-ano bang pinagsasabi mo?"sabi ko na may pagtataka.
Di talaga ako makapaniwala dun kasi sa time na to,sa time na nagagalit ako sa kanya pa nya sinasabi ang mga bagay na to.
"Jack,gusto kita"malungkot nyang sabi tapos niyakap nya ako ng mahigpit at nararamdaman kong tumutulo na yung luha nya,pero di ako makayakap pabalik.
Umatras ako sa pagkakayakap nya.Di ko alam kung ano ang magiging reaction ko at kung ano ang sasabihin ko.Matutuwa ba ko kasi matagal ko ng gusto mangyari to o magagalit ako kasi nahihirapan ako ngayon dahil sa kanya kasi lumalapit na ang loob ko kay Aki at parang I-I think I like him.Kahit sabihin nating mysterious sya,parang may kakaiba sa kanya,yung ugaling wala kay Mike,yung iba sa lahat.Oo sabihin na nating ilang araw pa lang kami nagkakilala pero parang alam ko na lahat sa kanya,prang matagal ko na syang kilala
"Ma-Mike"tapos tumakbo na ko sa loob ng bahay namin.Kasi di na ko makahinga kasi ngayon na ko lang na-experience to Ang hirap pala kapag 2 silang gusto mo,parang flavor ng ice cream,chocolate or vanilla?
Pumunta ako sa kwarto ko at dun ako nag-iiniyak.
Knock!knock!
"Jack?pwede ba akong pumasok"narinig kong sbi ni Ate"
"Si-sige po a-ate"
"Narinig ko yung sinabi sayo ni Mike"
Bigla naman akong napayakap kay Ate.
"Jack,gusto mo rin ba sya?"
"Ate dati oo gusto ko sya,pero simula nung nakilala ko si Aki nagbago na lahat eh"
Open ako kay Ate,kaya alam nya lahat pati yung tungkol kay Arvin.
"Jack,a-alam ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon,ka-kasi naranasan ko na rin yan.Nung 20 ako nung dun sa Call Center pa ako nagtatrabaho may isang lalaki akong nakilala si-si James,security guard sa trabaho namin,nagkagusto rin ako sa kanya nun kasi sobrang bait nya sakin,lagi kaming sabay nakain at hinahatid nya kondun sa condo ko,pero simula nunhmay bagong hire na lalaki si Martin katabing office ko sya,simula nung makilala ko sya parang may kakaiba sa kanya,iba kay James.Lagi nya akong sinusundo sa condo at dinadalahan nang pagkain.Pero isang araw nagkasabay silang magsundo sakin.Magkasunod silang dumating sa condo nauna si James then si Martin.Hindi ko alam kung ano yung buong nangyari basta pagkabukas ko ng pinto nakita ko na lang si James na puro pasa at may dugo sa mukha,humingi ako ng tulong at dinala namin sa ospital.Nawalan ng malay si James ng 3 araw at nung nagising sya kinuwento nya sakin lahat,na si Martin daw ang may kasalanan nang lahat.Hindi ako naniwala sa kanya nun sabi ko Hindi pwedwng gawin ni Martin sa kanya yun.Inisip ko na gusto lang siraan ni James si Martin,kasi mahal ko si Martin.Pero nung bumalik ako sa office nag-quit na si Martin.Di na sya nagpakita,kaya umalis na rin ako sa trabaho kong yun para wala nang masaktan para maging ligtas na si James"
Nakita kong tumulo yung luha ni Ate,kaya niyakap ko sya
"Jack,wag mong hayaang magkasakitan silang dalawa,sundin mo,sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo,huwag kang magpadala lang sa isip mo isama mo pati puso mo"
Tapos umalis na si Ate at sinara ang pinto.
Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko?
Hindi ko alam............
********************
(Monday already)
Late na kong nakapasok,di naman late na late yung marami na kong classmate sa room.Naunahan pa nga ako ni Airdna,pagdating ba pagdating ko sa pinto nakita ko agad si Anard na nakangiti sakin,palangiti yang si Anard,ngumiti din ako sa kanya,bakit naman ako di ngingiti kung makikita mo kung pano sya ngumiti sayo.Parang yung ngiti may kasama eh........
"Bhest!!!"nagulat na lang ako ng tinawag ako ni Airdna,pumunta naman ako agad sa upuan ko.
"Bhest bakit late ka na?
"Tinamad lang ako gumising"
"Wait lang parang may napapansin akong nangyayari na di ko alam?"
"Wait lang din sabi ni Aki di ka daw papasok ngayon"
"Oo pinasabi ko sa kanya,pero dinala na ko ni Mommy sa doctor at binigyan ako ng gamot,kaya ngayon I'm felling better na,wait don't change the topic"
Napatungo na lang ako bigla.
"Huy,bhest umayos ka nga sabihin mo na sakin bilis di ba bestfriend tayo"
"Airdna ang daming nangyari sa buhay ko kahapon lang"
"Ano yun ano yun bilis"
"Sinabi ni Mike na............"
"Na ano?"
"Gu-gusto nya daw ako na-na ma-mahal daw nya ako"
tinakpan ko yung mukha ko
"So kilig bakit ka naman malulungkot eh matagal mo na ngang gustong mangyari yan di ba?"
"Oo matagal na matagal na pero may iba akong nararamdaman sa kanya at may iba rin akong nararamdaman kay Aki"
"Ha??si-si Aki Oh My Gosh,gusto mo silang dalawa?"
"Oo kaya nga nahihirapan na ko eh"
"Bhest kaya mo yan kayanin mo"
************************
After class hinatid ako ni Airdna papauwi,siguro gusto nyang maging komportable muna ako.Nung pag-alis ni Airdna dahan-dahan lang akong pumasok kasi nga nanlalambot ako.
"Jalyca,Jalyca"
May narinig akong tumawag sakin kaya lumingon ako pero unti unti ko nang nqipipikit yung mata ko.
"Jalyca!"
si Aki yung tumawag sakin.
"Jalyca!"
"A-Aki ikaw pala"sabi ko na nanlalambot.
"Jalyca,may gusto lang sana akong sabihin"
"A-ano yun"
"Jalyca,ma........... ki............"
Nandilim na yung paningin ko at di ko na alam ang nangyari.
*********End of Chapter*********
Y A P V A M L H D R
Wawa naman si Jack nahihirapan ang kaawa-awang puso ng Pink Lady,sayang di nya masyadong narinig yung sabi ni Aki.Next Chapter di ko inaakalang maiisip ko to.hahahhahaha.
#Heartbreak
BINABASA MO ANG
The Black man and The Pink Lady(Book 1)
Teen FictionAnong gagawin mo kung ang pinaniniwalan mo ay mali pala? Anong gagawin mo kung mawala sayo ang mahal mo? Anong gagawin mo kung ang mahal mo ay may mahal palang iba? Handa ka bang magmahal ulit? Kung isang ordinaryo kang tao ka lang kaya mo kaya tang...