Chapter 37
ParkNgayong araw na to kakausapin ko na sya,nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para sa araw na ito,alam ko na rin yung mga sasabihin ko sa kanya,nagpa-practice nga ako minsan sa salamin.
Lumabas na ko ng bahay,naka-plain white t-shirt at jeans lang ako,flat shoes,at walang make-up.
Naglakad na ko papunta sa gate nila Mike.
"Bukas?"
Dati naman di naman to iniiwang bukas ni Mike ah. Di na ko nag-dalawang isip at pumasok na ko.
Napatingala ako para tingnan yung treehouse.
Naalala ko yung memories namin ni Mike dito,simula sa pag-amin nya hanggang sa pag-alis ko.
Nang makarating na ko dun sa pinto,hinga muna ng malamin tapos katok.
***Tok***Tok***Pero walang nasagot,tahimik lang ang paligid.
***Tok***Tok***Pero wala talaga eh.
"Baka umalis sya,babalik na lang ako sa susunod na araw baka sakaling maabutan ko sya" kaya umalis na ko.
-------
Kinabukasan2 o'clock,try ko ulit syang puntahan sa bahay nila.
Ganun ulit ang ginawa ko.
***Tok***Tok***
Wala
***Tok***Tok***
Wala pa rin.
"Hindi na kaya sya dito nauwi,pero imposible may babaeng lumabas dito nung nakaraang linggo lang hindi pwede wala sya dito?"
Umalis na ulit ako at naisip kong sa ibang araw ko na lang sya ulit puntahan.
--------
Kinabukasan ulit"Sana naman maabutan ko na sya ngayon"
naglakad ako papunta sa pinto nila.
***Tok***Tok***
***Tok------Biglang bumusak ang pinto,natuwa ako dahil sa wakas naabutan ko na sya pero.........
"Yes,sinong kailangan mo?"isang babaeng naka-balot lang ang katawan gamit ang kumot ang nagbukas ng pinto,bigla kong ikinagulat dahil pataray nya kong tinanong.
"Na-nandyan ba si Mike?"tanong ko
"Nandito bakit?"pataray nyang sagot,pasalamat sya wala ako sa mood nakipag-tarayan ngayon.
"Gusto ko lang sana sya maka-usap"mahinhin kong sagot
"Sino ka ba?"sabi nya habaang nakataas ang kaliwang kilay
"Ahh kaibigan nya"sagot ko.
"Ahhhhhh,Honey may naghahanap sayo!"sigaw nya pero may pagkamalandi ang boses,tapos tiningnan nya ko mula uli hanggang paa.
Kapal din ng babaeng to,hindi man lang nagdamit muna bagi buksan ang pinto,eh kung naniningil pala ng kuryente yung kumakatok or lasengero edi na-rape pa sya ng di oras. Grabe ang bastos,parang gusto nyang ipalandakan na may ginagawa silang kababalaghan sa loob. At grabe rin naman si Mike na hindi muna sinabi sa babaeng yun na magdamit muna bago buksan ang pinto.
Wait a minut cappuccino-ng mainit,akala ko ba si Patricia ang girlfriend nya,bakit iba tong kasama nya ngayon?
Nakita ko namang lumapit si Mike sa pinto at bigla nyang ikinagulat ng makita nya ko.
BINABASA MO ANG
The Black man and The Pink Lady(Book 1)
Подростковая литератураAnong gagawin mo kung ang pinaniniwalan mo ay mali pala? Anong gagawin mo kung mawala sayo ang mahal mo? Anong gagawin mo kung ang mahal mo ay may mahal palang iba? Handa ka bang magmahal ulit? Kung isang ordinaryo kang tao ka lang kaya mo kaya tang...