Chapter 38

3 0 0
                                    

Chapter 38
Surprise!!!!!

Chineck ko yung laptop ko,ang daming email,mula sa company na pinagtatrabahuhan ko,by the wai it's THE CARLY MAGAZINE COMPANY,pagkatapos kong mag-aral nag-apply na ko dito. Isa kasi to sa famous magazine companies sa New York.

Emails from Mr. Anderson CEO ng company,Mr. Johnson ang Chief Operating Officer,Mr. Duggar ang Executive Board,Mr. Newlands ang Executive Vice-President, and Phil. Tinatanong kung nage-enjoy daw ba ako sa vacation na binigay nila sakin,ano pa bang masasabi ko edi oo na lang ang lola mo.

Wala ako sa mood magluto kaya lalabas na muna ako para pumunta sa karinderya para dun na lang bumili ng ulam,I'm sure masarap naman ang pagkain dun.

Lumabas na ko at nagpunta sa karinderya.

"Ate ano-ano po ang ulam?"tanong ko

"Eh Ineng bopis,pusit,paksiw,tsaka sinigang"sabi nung tindera.

Ano ba yan puro ayoko ng ulam,pihikan kasi ako eh

"Ate isang order nga po ng sinigang pakibalot na lang po"

"Sandali lang ineng"

"Heto na ineng"

"Magkano po?"

"30"

"Eto po"tapos inabot ko yung 500 pesos

"Ineng wala ka bang mas mababa kaysa dito?"

"Pasensya na po wala po eh"

"Ahh sige sandali lang ha,Alex!!!!!"sigaw nung tindera

"Bakit ho inay?"tanong nung bata

"Papalit po tong pera dyan kala Aleng Tin tin,sabihin mo sabi ko ha"bilin nya sa anak

"Sige po inay"tapos umalis na yung bata

"Ineng sandali lang ha"

"Sige po"

Nag-intay lang ako ng konti tapos dumating na rin yung bata.

"Ineng eto na oh,salamat"tapos inabot na sakin yung sukli

"Salamat po"tapos umalis na ko.

Naglakad na ko papunta sa bahay nang mapansin ko si Mike na papalabas ng bahay niya. Tumakbo ako para abutan sya.

Pero bigla akong nadapa.......

"Aray!"

Mike's P.O.V

Paalis na ko para pumunta sa bahay ni Patricia.

Oo girlfriend ko pa rin si Pat kahit may may kasama ako sa bahay kahapon,at aaminin ko babaero ako at basagulero,anong magagawa ko,ganito na ko ngayon eh.

Lumabas na ko sa gate ng biglang may narinig akong sumigaw.

"Aray!"lumingon naman ako at nakita ko si Jack na nakaupo sa sidewalk,mukhang nadapa ata sya.

Lumapit ako para tingnan sya.

"Aray ko"sabi nya

Umupo naman ako sa harap nya.

"Okay ka lang ba?"sabi ko na nag-aalala,oo aaminin ko mahal ko pa rin sya kaya di ko maoiwasang mag-alala

"Okay lang ako"sabi nya habang tinatakpan yung braso nya.

Kinuha ko yung kamay nya na nakatakip sa braso nya.

"May sugat ka"sabi ko

"Gasgas lang yan,wag mong intindihan"tapos inalalayan ko syang tumayo.

The Black man and The Pink Lady(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon