Chapter 21

4 1 0
                                    

Chapter 21
Sumbong much

Mike's P.O.V
Message from my Bebe

         Bebe ko uwian na kami ngayon,ikaw asan ka?

Buti pa ang bebe ko uwian na habang ako eto nagpa-practice pa rin,nagpahinga muna ako sandali kasi naman buong araw na kami nagpa-practice,tong si Coach di nakakaaramdam na napapagod din kami,kainis.

"Hi Mike" biglang sulpot ng isang babae.

"Excuse me,kilala ba kita?"

"Oh I'm sorry by the way I'm Patricia" sabay abot nya ng kamay sakin,yung tupong gustong halikan ko yung kamaay nya.

"I'm sorry Patricia pero tinatawag na ata ako ni Coach eh" sabi ko kahit hindi naman ako tinatawag ni Coach alam nyo na...

"Uy pare jackpot ka ngayon ah"sabi ni Shaine

"Anong jackpot? May naapakan ba ko" sabay tingin ko sa ilalum ng sapatos ko.

"Sira ulo,jackpot ka dun oh" sabay turo dun kay Patricia"

"Anong jackpot eh ngayon ko lang nga nakilala yan,di ko nga alam kung saan yan galing"

"Alam mo ba pare model yan,maganda,sexy,mayaman, ano pang hahanapin mo? patulan mo na sayang oh grasya na lumalapit sayo"

"Pare nasisiraan ka na ba,alam mo naman na may girlfriend na ko,tapos sasabihin mo sakin na patulan ko yang babaeng yan"

"Eh wala naman si Jack kaya libre ka ngayon"

"Kahit na pare hinding hindi ko lolokohin si Jack"

"Kunwari ka pa pero gusto mo rin yang si Patricia,malay mo yang si Jack eh may iba palang gusto dun sa Hong Kong"

"Loko ka ah!" sabay tulak ko kay Shaine,abah pinag-iinit ang ulo.

"Pare tama" awat sakin ni Marco,ka-team ko.

"Bwisit" tapos kinuha ko na yung gamit ko at unalis na ko.

"Mike!Mike!" dun ko nalaman na may sumusunod pala sakin.

"Mike! sandali lang"

"Ms.,please wag mo muna akong guluhin ngayon" naramdaman ko naman na hindi na nya ko sinusundan.

Pagdating ko sa bahay hinagis ko yung bag ko sa sofa at umakyat na ko sa kwarto ko.

Kinuha ko yung laptop ko at chinat ko si Jack

Beh Skype tayo

online naman sya eh.

Ayun nag-skype na nga kami.

"Oh beh bakit nakakunot yang noo mo" sabi nya

"Wala,nagkabwisitan lang sa practice"

"Hay pareho pala tayo,first day ko dito nakakainis,ikaw naman sa practice mo,meant to be talaga tayo"

Napangiti naman ako.

"Ayan nakangiti na si pogi"

"Ano bang nangyari sa first day mo?"

"Sige sige simulan natin nung pagpasok ko palang sa entrance gate lahat ng madaanan namin..."

"Namin?sinong kasama mo?"

"Si Troy,sya na yung maghahatid sundo sakin,wait lang beh,lahat ng madaanan namin nagbubulungan yun pala isa si Troy sa mga heart rob ng school namin"

The Black man and The Pink Lady(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon