Chapter 8: I Care

123 8 4
                                    

Faye's POV

Naglalakad ako pauwi dahil nag-iinit na Yung mukha ko dahil sa pinakain Ng mokong na yun. Pakainin ba naman ako ng napakaanghang na pizza. Allergic nga kase ako sa spicy foods. Kahit anong kainin ko na may sili o maanghang, magkakasakit ako.

Nasa kalagitnaan ako Ng daan nang biglang bumuhos Ang napakalakas na ulan. Pinagpatuloy ko Lang Ang paglalakad ko dahil mag gagabi na at baka hinahanap na ako ni mama. Nilalamig nako, pero patuloy parin akong naglalakad kase wala Naman akong masisilungang kahit tindahan man lang.

Sobrang sakit na ng ulo ko. Nanghihina na ang katawan ko pero hindi parin ako huminto sa paglalakad hanggang sa Makita ko na ang daan papunta sa subdivision na tinitirahan namin. Hindi ko na Kaya pero sinasabi ko sa sarili ko na konti nalang, malapit na.

Pagpasok ko sa subdivision hinang hina nako nang biglang may tumigil na kotse sa tapat ko.

Nakita ko si mama na inalalayan ako papunta sa loob Ng kotse. At dun, dun na ako nawalan ng malay.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Jacob's POV

Dali dali akong pumunta sa kotse ko para puntahan siya. Dahil kasalanan ko Naman kung bakit siya nagkasakit.

Una, pinakain ko siya Ng bawal sa kanya. Pangalawa, hinayaan ko siyang maglakad sa gitna ng malakas na ulan.

Pero, baka ipagtabuyan niya lang ako dahil sa ginawa ko.

Hmm bahala na.

~~~~~~~~~~~~~

Nasa tapat na ako Ng bahay nila. Nagtanong tanong narin Kasi ako sa mga guardiya sa subdivision nila.

May hawak akong basket Ng prutas, at mga tsokolate.

Dingdong...

Pagbukas ng pintuan nila, Mama niya ang sumalubong saakin. Mukha namang mabait yung mama niya.

"Yes iho?" Tanong Niya

"T-tita dadalawin ko Lang Po sana si F-faye" tangina nahihiya ako. "Ahh ka-kaibigan Niya po ako" dugtong ko pa

"Ahh, nasa kwarto siya iho. Pasok ka" mabait nga siya at maganda parang si Faye.

"T-thank you Po"

"Dun lang sa taas, may pangalan yung pintuan niya" Sabi niya sabay turo sa taas

"Sige Po" medyo nabawasan na Yung hiya ko at nginitian ko siya.

Umakyat nako. Nakita ko agad yung pintuan niya na may FAYE'S ROOM.

Dumiretso ako don at kumatok.

Toktoktok...

"Pasok" rinig ko namang Sabi niya

Binuksan ko yun at nakita ko siyang nakahiga sa Kama niya na nakatalikod.

"F-Faye" lumapit ako sa kanya

"Anong ginagawa mo dito!!?" Gulat niyang tanong. Tumayo siya at humarap saakin

"F-faye, diko Naman sinasadya" pagpapaliwanag ko. "Eto oh piece offering" sabay abot sa kanya ng mga dala ko

"Walang hiya ka" hinabol Niya ako. Hanggang sa makalabas kami Ng kwarto niya. "Gusto mo talaga akong patayin noh!?" Sigaw niya

I'm the Casanova's Slave (ON GOING) ❤Where stories live. Discover now