Balang araw lahat ng sakit na binigay nyo sa akin ay nakakalimutan ko rin.Balang araw makakalimutan ko rin ang mga pangako niyong hindi natupad.
Balang araw yung sakit na ibinigay niyo sa akin, ipaparanas din iyan ng taong mamahalin mo.
Balang araw yung konting sayang ibinigay sakin mawawalan ng kwenta.
Balang araw hindi na ikaw yung lalaking lagi kong hahanap-hanapin.
Balang araw hindi na ikaw yung lalaking magpapasaya sa akin.
Balang araw hindi na ikaw yung mahal ko.
Balang araw sasaya rin ako pero hindi na dahil sayo.
at
Balang araw hindi na ulit kayo makakapasok sa buhay ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko, ang daming balang araw pero alam ko naman sa sarili ko na hindi na mangyayari ang mga ito pero nagbabaka sakali pa rin ako na balang araw mangyari ito.