096

807 56 82
                                    

— Yua —

hyolyn - our tears




Kagaya nang una kong desisyon nakipagkita nalang ako kay Soobin sa café BIN para hindi na maging hassle sa kanya. Nakabraid yung buhok ko wearing a grey croptop pullover paired with a ripped high-waist shorts saka black sneakers na binili pa nila mommy sa Paris noong nagbakasyon sila, iyon lang ang suot-suot ko at hindi na nag-abala pang magdala ng bag. Agad ko namang nasilayan si Soobin na gusto pang mag-order sana nang para sa akin na mabilis ko rin namang tinaggihan.




Uuwi na nga lang kami sakanila gusto niya pang gumastos...





"Yua, mauna ka na sa loob." tanging sambit ni Soobin nang makarating kami sa bahay nila na ikinatango ko lang at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay nila pero malinaw ko nang naririnig yung mga sigawan mula sa loob. They are probably playing some games kaya nagkakagulo na sa loob.






Dahan-dahan ako naglakad papasok at nasa pintuan palang ako bumungad na agad sa akin yung video game na nilalaro nila sa tv, I roamed my eyes and saw everyone na ikinalaglag ng puso ko sa loob. I stopped right there at nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba.





Bakit ba ako nagpunta dito? I really felt how my heart dropped inside my chest as soon as I had my eyes on them. Napatingin pa sa akin si Yeonjun nang dahil sa pagdating ko pero mabilis rin itong nagbalik ng tingin sa game.






Nakasuot ito ng grey na hoodie at black shorts habang nakaupo sa sofa hawak iyong controller but he's not alone. Nakaupo sa space sa harapan niya si Chelsea while he has his arms wrapped around her dahil doon sa controller. Kung titingnan para siyang nakayakap kay Chelsea habang nakakandong ito. Dang it. I can't help but to bite my lower lip habang nakahawak na ako nang mahigpit doon sa dulo ng sleeves nung pullover ko.





I gulped as I heard Sean's bark na mabilis kumuha ng atensyon nung tatlo. "Oy kanina pa ba kayo nandyan? Insan dali pasok ka" tawag sakin na ikinangiti ko lang ng tipid. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko yung pag-angat sakin ng tingin ni Chelsea.





I was about to turn my back and look for Soobin nang bigla nalang itong bumulaga sa gilid ko at hinila nalang yung kamay ko papunta sa sofa. He smiled at me nang makaupo ako doon. Tinanong pa nito kung may gusto ba ako at handa na naman sanang umalis kaya hinawakan ko lang ang kanang kamay nito at pinaupo sa tabi ko. "Just stay please" sambit ko at siya naman itong bigla-biglang nagpipindot ng ilong ng may ilong na medyo kinatili ko. "Ano ba" natatawang sabi ko.







"Ay ano ba yan landian nang landian" sita sa amin ni Beomgyu na hinagisan lang ni Soobin ng unan. Ang loko nakuha pang makailag! Eh kung ihampas ko kaya sakanya 'yang controller na hawak-hawak niya!! Isusumbong ko talaga ito kay tita na puro gala at tambay ang inaatupag.






"Ate Yua first time mo ba dito?" simpleng tanong ni Kai pero iyong pinsan ko ay wala yata kaming balak tantanan! "Huwag mong istorbohin yung labeng labeng hours nila Hyuka konting respeto naman" na ikinatawa lang ni Taehyun. Ang pure talaga nitong batang to! Gusto ko siyang ampunin huhu.





"First time rin ni Yua?" sabat naman ni Chelsea na ikinanguso ko lang at hinihintay sumagot si Soobin sa tanong nung dalawa. Malay, baka kasi gusto niya secret lang namin 'yon. Nasalubong ko naman yung mga mata niyang bigla itong bumaling sa akin.





"No, actually second time na niya 'to" sagot nito na halatang ikinabigla nila maliban nalang kay Yeonjun na hindi maawat sa paglalaro. Please, tell me you still care right?





"Naks dinaig mo pala bespren ano pinsan? First time niya kasi" natatawang sabi ni Beomgyu na ikinatuwa ko sa loob-loob. I shouldn't be celebrating pero ang simpleng bagay na yon ay nagbigay na ng matinding kasiyahan sa loob ko. Dang it ganoon na ba ako kababaw?






Imbis sumagot nginisian lang ako ni Chelsea na mas ikinabahala ko. Hindi ako takot sa kanya pero yung mga nangyayari sa akin sa tuwing may hindi siya nagugustuhan ay puro hindi magaganda! Paano nalang kung— "Say Ah" rinig kong sabi ni Chelsea para maputol ang kung ano mang naiisip ko.




And there, Yeonjun and her being all sweet in front of me. Sinusubuan niya si Yeonjun nung chocolate cake habang nakahilig ito sa sofa. Pinapanood ko lang sila habang naglalandian sa harapan ko. Ngiting-ngiti si Chelsea habang ganoon rin naman si gago! Nakakapanggigil! Paano siya nakakapanglandi nang ganyan kung alam niyang nasa palagid lang yung taong hindi niya pinapansin!





Hindi manlang ba siya na-aawkwardan o ano? Napakamanhid! Kala mo naman sinong gwapo! Ang kapal talaga ng mukhang makipaghagikgikan kay Chelsea habang ako itong gulong-gulo sa inaasta niya. I thought we were friends. Sabi niya friends kami pero bakit ganito... bakit niya ako sinasaktan nang ganito? Sana manlang nagsabi siya para alam ko kung anong gagawin ko.






Sa panonood ko sakanila habang punong-puno ng kung anu-ano yung isip ko hindi na nakaligtas sa paningin ko kung paano siya bilang hinalikan ni Chelsea. At si gago, nakuha pang tumawa at bumulong kay Chelsea! Sa kabila noon hindi ko narin namalayan na nakakuyom na pala yung dalawang kamao ko sa ibabaw ng throw pillow na nakapatong sa hita ko. Kung hindi lang iyon hinawakan ni Soobin ay wala yatang balak kumalma.





Nagpunta lang naman ako dito para makipagbonding sana, makapagchill at maging masaya at pati narin sa kagustuhang makausap si Yeonjun kung bakit niya ako iniiwasan. Inaamin ko, isa rin iyon sa dahilan ko. Iyang mga 'yan lang naman sana ang pinunta ko pero labis-labis pa ang napala ko.

lost | choi yeonjun (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon