025

982 58 9
                                    

— Yua —

Napapairap nalang ako sa tuwing naglalanding yung tingin ko kay Beomgyu. Bakit ba nandito 'tong epal na 'to?


"Wazzahhhh! Yeonjun ka pala eh" sabi niya na siyang mas lalong kinainis ko para irapan ulit ito.



"Ano ba 'yan Yua gusto mo pala 'yan si Yeonjun e diba magkakaibigan na kaming lima simula bata pa tayo bakit hindi mo manlang sinabi sakin? Nakakapagtampo insan" at ang tukmol nagawa pang magcross arms sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa Coffee BIN para tapusin yung activity sheets. Kasama rin namin si Yeonjun pero umalis muna saglit para umorder ng panibagong kakainin at inumin.



"So what? Saka ano bang pake mo?" sabi ko at nagfocus na sa paghahalungkat ng mga papers ko. Nagpunta lang yata 'to dito para asarin ako.




"Wala naman. Concerned lang naman ako baka nadidistract ka ni Yeonjun di ka pa makasama sa pa-Paris ng family mo" sabi ni Beomgyu at nagawa pang itaas-baba yung kilay niya. Alam niya rin kasi yung tungkol sa Paris. Well, I didn't lie to Yeonjun about the Paris thing plano talaga iyon ng pamilya ko at kapag bumaba yung grades ko hindi nila ako isasama. Yun nga lang hindi talaga iyon ang main purpose ko kung bakit ako lumapit sakanya.




Hindi ko naman na iyon sinagot dahil sa pagdating ni Yeonjun. Magpinsan kami ni Beomgyu pero hindi kami ganoon kaclose, ewan ko nga bakit ako kinakausap neto ngayon dahil sa pagkakatanda ko mga bata pa kami nung huli niya akong iapproach nang ganito. Feeling close.




"Cellphone ka naman nang cellphone dyan paano ka matatapos" saway sa kanya ni Yeonjun na focus sa pagsusulat doon sa sheets niya. Umiling lang naman si Beomgyu.




Yeonjun was being patient with me the whole time especially whenever I ask him about the things na hindi ko magets ninawala narin sa isipan kong kasama nga pala namin si Beomgyu. Kung hindi lang epal 'yon baka tuluyan na naming nakalimutan yung presensya niya.





"Una na ko lovebirds. May kaibigan pa akong naghihintay banda doon" nginuso ni Beomgyu yung bungad nitong shop kung saan nandon nga iyong kaibigan niyang hindi naman namin matanaw nang mabuti.




"Kitakits nalang sa school" sabi nito bago tuluyang umalis.



"Patingin nga ako" biglang sabi ni Yeonjun kaya kaagad ko namang inabot sakanya yung sheets. Tahimik niya lang na dinaanan ng paningin yung bawat activities. "Mukhang wala ka namang mali." nakangiting sabi nito.



"Hindi kagaya nung activity sheets mo last academic year" dagdag niya na siyang ikinanguso ko. "Huwag mo na nga ipaalala. Yun kasi yung time na nagpplano sila mommy mag-Singapore. Sobra akong naexcite kaya ayon" pagpapaliwanag ko na ikinailing lang niya.



"Onga pala sa monday na yung start ng hell week. Wala ba tayong deal or something?" tanong ko.


"Like kapag napunta ako sa class A!" dagdag ko na siyang ikinangisi niya. "Kapag napunta ka ng class A ibig sabihin effective akong tutor. Kailangan mo akong bayaran ng malaking halaga" sagot nito saka ito tumawa. Inisa-isa ko naman yung mga gamit kong ilagay sa bag habang nakatingin lang sakanya.




"Alam ko naman 'yan pero yung deal para naman mamotivate ako ganon. Pustahan tayo ganern" sabi ko pero bigo akong makakuha ng sagot sakanya. Sa halip dahan-dahan niyang inilapit sa mukha ko yung mukha niya habang nakatinging deretso sa mga mata ko yung mga mata niya.


Wala niisa sa amin ang nagtangkang kumurap hanggang sa bigla nalang niyang itinulak yung noo ko gamit yung hintuturo niya. "Yan. Dyan ka magaling eh" napanguso naman ako doon.



"Ang sama mo. Kala ko pa naman mabait ka" tanging sabi ko nalang saka ako tumayo para sana iwanan na siya doon pero hindi pa ako nakakalakad papalayo bigla na itong nagsalita na siyang nagdala ng matinding excitement sa buo kong sistema.



"Kapag nakapasok ka sa class A next academic school year ilalabas kita. My treat" Hwang Yua naman, I never knew na ganyan ka pala karupok!

lost | choi yeonjun (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon