— Yua —
"Ya, saan kayo pupunta?" tanong ko habang inilalapag yung librong binabasa ko sa center table.
"Ichecheck ko lang yung gate miss kanina pa kasi may nagdodoorbell" sagot nito na agad ko namang ikinailing.
"Can you just please get me an almond milk po and two slices of blackforest cake. Ako nalang po yung magchecheck sa labas"
"Sige po miss yua" sino naman kaya 'tong distorbo nang ganitong oras... kitang nageemote ako. Katanghaliang tapat kaya.
Kaagad rin namang nasagot yung tanong ko nang binuksan ko yung gate. Bakit nandito 'to..
"Yua"
"Y-yeonjun. Anong ginagawa mo dito?" hindi ko narin inintinding nagstutter ako sa harapan niya. Nanatili naman itong tahimik habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
"Huy Yeonjun, sabi ko bakit ka nandito?" ulit ko at doon naman siya napakurap.
"Can we talk?"
"Ha? for what?" tanong ko pabalik pero hindi na siya nag-abalang sagutin yon at agad na hinila yung wrist ko papalabas ng gate namin.
"Teka yeonjun saan mo ba ako dadalhin? baka pagalitan ako sa amin" sabi ko nang marealize kong hinihila na niya ako papunta sa kung saan. Agad naman itong huminto at hinarap ako.
"Natext ko na si nanay doreng" sagot niya na ikinairap ko lang. Paano niya matetext si yaya!!
"Weh? wala ka naman number ni yaya" sabi ko na ikinangisi niya lang. Bakit ba nandito 'to?! Ginigigil niya ako eh. Ang init-init kaya dito sa labas. Hindi ko nakakalimutan yung atraso niya sakin. Akala niya ba okay kami? HA!! Jokes on him.
"Sa tingin mo paano ko nalamang nandito ka sainyo?"
"Hula mo lang?" sagot ko at siya naman itong natawa lang.
"Syempre connections. Ako pa ba?" nakangiti niyang sabi sa akin. Ako naman itong parang nahuhulog na sa kung sa ano mang pain niya gamit 'yang mga ngiting 'yan.
"Eh bakit ka nandito?" tanong ko. Bumuntong hininga naman si Yeonjun saka dahan-dahang inipit yung bumabagsak kong buhok sa gilid ng tenga ko dahil sa hangin.
"Babawi nga. So ano Yua? Tara na? Mainit dito kita mo baka mangitim ka. Huwag mo nang intindihin si Nanay Doreng. Alam niya tong lakad natin." derederetso niyang sabi. Nakaramdam naman ako nang kung anong kakaiba na naman sa loob loob ko. Pure excitement at mas lalo akong naeexcite sa idea na pupunta kami sa kung saan. Na...kaya siya nandito dahil bumabawi siya.
Wala niisa sa amin ang nagsalita, at doon na siya nagkusang hawakan yung wrist ko at nagsimulang maglakad.
Sa gitna ng paglalakad namin papalabas ng subdivision hindi ko na namalayang nakatitig na pala ako doon sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. I just smiled secretly, at hindi narin napigilang magsalita.
"Yeonjun, thank you." Napatingin nalang ako sakanya when he giggled all of a sudden. Panira ng moment! Kelan pa naging nakakatawang magpasalamat? Handa ko na sanang ibuka ulit yung bibig ko dahil sa pagtawa niya nang bigla itong magsalita.
"Ano ka ba. Wala 'to! Syempre magkaibigan kaya tayo."
BINABASA MO ANG
lost | choi yeonjun (✓)
Kısa Hikaye[COMPLETED] "baliktarin mo kasi yung damit mo sa susunod para hindi ka na mawala" voltxt five series #1 yeonjun x reader