Untold part of Choi Yeonjun
Naging highschool na kami at mas madalas ko na itong mamataan sa campus sa kabila noon mas lalo rin naman itong naging busy sa pagiging cheerleader niya. Ito ang kauna-unahang beses naming nagpunta sa gymnasium ng tropahan para manood ng cheerdance practice nila Yua. Syempre sino pa ba ang pasimuno?
"Bakit ba beastmode ka sa mga cheerleaders? Sila kaya nagbibigay ng aliw tuwing sportfest" si Beomgyu na kanina ko pa gustong hambalusin. Aliw? The fck is that? You call that aliw?
"Hindi kamo sa mga cheerleaders. Nilalahat niya lang dahil sa isang tao" sabi ni Taehyun saka ako binigyan ng makahulugang tingin at nagpanggap na akala mo hindi niya ako pinukol ng mga salita niya. Ewan ko ba dyan parang timang.
Tuwing nakakakita ako ng cheerleaders si Yua agad itong pumapasok sa isip ko. Mas lalo akong naiirita sa tuwing nakikita kong kung sinu-sinong lalaki lang ang humahawak sakanya. Tangina required ba talagang hawakan ang mga cheerleaders sa legs? Sa pwetan? At ang brat na 'yon nag-eenjoy pa yata sa costume nilang masyadong exposed ang balat.
"Hindi na naman natin kaklase si Yua this school year" biglaang sabi ni Youie kaya pasimple kong hininaan ang volume ng music sa cellphone ko para marinig nang mabuti ang usapan nung mga babae. Dang Yeonjun why do you care about that brat so much? Ayaw mo sa kanya diba.
"Mas naging busy kasi iyon sa pagiging cheerleader niya lalo na't siya na yung captain ngayon." si Jia habang nakafocus sa binabasa niyang libro. Bakit kaya hindi nalang mag-quit iyong babae na 'yon sa ginagawa niya para mas lalo niyang mabigyan ng atensyon yung acads niya. Makakasama niya pa itong mga kaibigan niyang mukhang sabik narin siyang makasama ulit sa iisang klase.
Friday at P.E namin, tahimik lang akong naglakad papunta sa bleachers para magpahinga nang hindi ko inaasahang mamataan si Yua na kasalukuyang busy sa camera nito. Tahimik lang ito habang abala sa pangunguha ng litrato kaya pasimple narin akong tumingin doon sa direksyon niyo. Napangisi na lamang ako nang makita doon si Soobin na nakatayo at nakikipag-usap sa mga officers ng Student Council. Hindi rin naman ako nagkamali dahil nakita ko ang imahe ni Soobin doon sa camera niya.
Ang unang beses ko siyang mahuling kinukuhanan ng litrato si Soobin ay naulit pa. Madalas ko itong mamataan lalo na't hindi naman ito ilag sa presensya ko. Hindi siya nag-iingat na makita ko ang bawat kagagahan niya. Minsan mahuhuli pa ako nitong nakatingin sa kanya pero bumabalik ulit ito sa ginagawa niya. Lumipas ang araw at mas naging madalas narin ang pagsesend niya ng picture sa chatroom namin.
"Kilala niyo ba yung Mochibins? Grabe di ko alam kung matutuwa ba ako o kikilabutan na lagi niya alam whereabouts ni kuya Bin" sabi ni Hyuka bago magsimula ang gig nila Beomgyu.
"Ang cute nga eh. Part of me wants to meet the person behind Mochibins" wala sa sariling sabi ni Soobin na kinairap ko lang sa loob-loob ko. Bilang kaibigan ni Soobin kilalang-kilala ko ito kaya nasisigurado kong hindi magiging maganda kung malaman niyang si Yua si Mochibins.
"Ano ba ninang! Pull yourself together! Please maawa ka sa sarili mo, o kung hindi mo magawa maawa ka naman kay Rayeon" matigas kong sabi sa Ninang ko nang maabutan itong naglalasing na naman. Simula noong nahuli niyang may kabit si Ninong hindi na ito tumigil sa pag-iinom, tuluyan siyang nagpakalugmok at ang malala hindi na rin niya maasikaso si Rayeon nang maayos na kasalukuyan pang nakaconfine ngayon dahil sa dengue.
BINABASA MO ANG
lost | choi yeonjun (✓)
Short Story[COMPLETED] "baliktarin mo kasi yung damit mo sa susunod para hindi ka na mawala" voltxt five series #1 yeonjun x reader