106

789 52 42
                                    

—Yua—



"Si Soobin ba?"



"Para kay Soobin yata eh" paulit-ulit na pang-aasar nung mga kaklase namin. Kasalukuyan kaming nakapabilog sa harapan ng bon fire para sa open forum at saktong katatapos ko lang mag-open up, or should I say magconfess. Katabi ko si Soobin habang sa kabilang gilid ko naman ay si Beomgyu at sa harapan naman si Ruie.




Sa bawat pang-aasar nila tanging ngiti nalang ang nagawa ko na maski si Soobin ay walang ibang nagawa kundi ang tawanan sila. Pati iyong mga kaibigan ko ay nakikigatong rin lalo na si Jia at nagawa pang itulak si Soobin papalapit sa akin. Masyado yatang nagiging hyper ang isang 'to pagdating saming dalawa...





Nilalaro ang sarili kong suot-suot na grey na hoodie nagpatuloy ang asaran hanggang sa bigla nalang tumayo si Yeonjun at nagwalk-out na ikinatigil naming lahat. Mabilis akong sinenyasan ni Ruie na kaagad ko rin namang ikinatayo. Sa pagsunod ko kay Yeonjun namataan ko pa sa peripheral vision ko ang pagtayo ni Chelsea na mabilis rin namang napigilan ni Ruie.





Sa bawat paghakbang ramdam ko ang pagwawala ng puso ko sa loob ng aking ribcage, para siyang ipinasok sa loob ng horror house at gusto nang kumawala doon dahil narin sa halo-halong emosyon na bumabalot sa akin. Na sa bawat pag-hakbang, lungkot, kaba, pag-aaalala at takot. Takot sa kung ano ang magiging kalalabasan ng pag-uusap namin. Takot sa kung ano ang lalabas sa bibig niya. Yun ay kung makakausap ko ba siya.






Lumingon ako sa likuran ko at buong buong kinuha ang oportunidad para masundan si Yeonjun nang tahimik nang masigurado kong walang nakasunod sa amin. Patuloy ko lang sinusundan ang bawat yapak niya nang tahimik hanggang sa makarating kami sa pasilyo ng rest house. Marahas kong ikinuyom ang aking magkabilang kamao para doon humugot ng lakas, lakas ng loob para masabi ang pangalan niya.
"Yeonjun" mahinang tawag ko na hindi sigurado kung sapat ba iyon para marinig niya.






Hindi naman ako nabigo dahil nakuha kong patigilin sa paglalakad si Yeonjun. Para narin akong nanalo sa lotto at gusto nalang magbunyi dahil sa ikinilos nito. Maybe... just maybe he still care about me? Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko nang mapagtantong lahat ng binuo kong salita para sa pagkakataon na 'to ay hindi ko na mahagilap pa sa loob ng isipan ko. Para silang nakawala sa pagkakakulong at tuluyang naalis pagkakagrupo.







"Yeonjun" ulit ko pero nanatili lang itong nakatayo ilang hakbang mula sa kinakatayuan ko at mukhang walang balak harapin ako. Atleast huminto siya Yua. Achievement na 'yon. Atleast this time hindi siya umiwas at nagbingi-bingihan.






"Ano? May sasabihin ka ba kasi matutulog na ako. Don't waste my time" sambit nito na mas lalong nagpakaba sa buo kong sistema. May iba...parang hindi siya yung Yeonjun na kilala ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na nagsalita bago pa man niya ako maisipang iwan. Bahagya kong itinaas yung dalawa kong kamay habang hawak-hawak yung magkabilang dulo ng sleeves ng hoodie ko. Doon ko nalang ibinaling yung kaba ko.






"Ah ano, gusto ko lang sanang malaman mo na ikaw yung tinutukoy ko doon sa open forum kanina. Umalis ka kasi agad, y-yun lang naman" medyo may pagaalinlangan kong sabi pero sa kabila noon pinilit kong palabasing puno ng galak ang bawat salitang binitawan ko.





"Okay?" sagot niya. O-okay lang? Sa lahat-lahat ng sinabi ko kanina okay lang?





"Yeonjun naman may nagawa ba ako para maging ganito tayo?" mabagal kong tanong na may halong pagbungisngis habang nakangiti ng hilaw pero bigo akong makakuha ng sagot. Nanatili lang itong nakatayo sa harapan ko at hindi kumikibo.






lost | choi yeonjun (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon