"Sayawan"
Makikisig ang kalalakihan.
Magaganda ang kababaihan.
May tulaan, kainan at kantahan.
At higit sa lahat... sayawan.Napatingin ako sa may hagdanan.
Nakaramdam ng kaunting kalungkutan.
Ngunit biglang bumungad sa aking harapan,
Ang naiiba mong taglay na kagandahan.
Na siyang napangiti saakin nang marahan.At doon nga kita unang nakilala.
Ang hiling na hinintay kong matupad sa loob ng ilang dekada.
Walang iba kundi ikaw, aking sinta.
Oo, sa sayawan nagsimula.
Ang pag-iibigan na ipaglalaban hanggang sa pagtanda.
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryMga isinulat kong tula. Sumesentro sa iba't-ibang paksa.