"Manunula"
Ang mga kuwento ng Inang Bayan ay minsan nang isinulat sa pamamagitan ng tula.
Mga tulang isinulat ng isang makabayang manunula.
Isang manunula na sa lahat ay kakaiba.
Kakaiba dahil sa kanyang labis na pagsinta sa tinubuang lupa.Araw-araw, papel ay kanyang inihanda.
Makapagsulat lamang ng tula.
Kasabay ng pagkalat ng tinta mula sa kanyang makapangyarihang pluma,
Sa puso niya'y may namuong pag-asa.
Pag-asa na nagsabi sa kaniya na
"Balang araw, lahat tayo ay magiging malaya."Pero may mga tula ring isinulat ang makabayang manunula,
Kung saan doon nakakubli ang kanyang pag-aalala.
Nag-alala siya na baka ang lahat ng isasakripisyo niya para sa kanyang mahal na bansa
Ay mapupunta lang naman pala sa wala.At kasabay ng ating paglimot sa bawat mensaheng ipinadala ng kanyang mga tula,
Ay mga butil ng luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.
Mula sa mga mata ng siyang manunula.
Pagkat sa wakas ay napagtanto niya...
Na ang Inang Bayan na lubos niyang sinisinta...
Ay hindi niya napalaya.
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryMga isinulat kong tula. Sumesentro sa iba't-ibang paksa.