"Ang Susi ng Pagbabago"
Sa kahariang malayo, may dalawang pinuno.
Ang mayamang Malvado, at ang simpleng Cariñoso.
Ang dalawa'y nakatira sa magkahiwalay na palasyo.
Isa, sa hangal.
Isa, sa butihing puso.Ang dalawang panig ay matagal nang magkalaban.
Sa dasal hinihingi, kay buting kapayapaan.
Subalit mahirap, sapagkat 'di napipigilan.
Ang Malvado,
At yaring kasamaan.Mga bulaklak at halaman minsan ay nasusunog.
Ang hangin sa kaharia'y nababalot ng usok.
Halos walang katapusan ang pagputol ng puno.
Tao ang nananakit,
Sa tahanan at kapwa tao.Paano nga ba matatapos ang gulo?
Ang mga sagot ay 'di napagtanto.
Ginawa naman ang lahat!
Nakiusap, nanatiling kalmado!
Ngunit bakit? Bakit ganito?Sa patuloy na pag-ikot ng delikadong panahon,
Tila walang katapusan, ang digmaang may poot.
Ano nga ba ang gagawin?
Paano matatapos?
"Hindi!"
"Hindi ka pwedeng umupo."Ang kabutihan ay pinapakita sa kilos.
Ang simpleng pakikiusap ay 'di makakatulong.
"Magtanim ng bulaklak,"
"Bigyan ng buhay ang puno."
Tulungan ang nahulog,
Nang sila'y makabangon.Ang kasamaan ay kailanma'y 'di mapipigilan.
Ang tanging magagawa'y isabuhay ang kabutihan.
Piliin ang nakabubuti para sa karamihan.
Nang sa wakas ay mabago,
At maiayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryMga isinulat kong tula. Sumesentro sa iba't-ibang paksa.