"Para Kay Kasaysayan: Mensahe ko sa Kabataan"
O, kay sarap namang pag-masdan.
Ang koleksyon ng mga lumang larawan.
Di makulay, mga ngiti ay may kakulangan.
Ngunit alam nating lahat, ang yaong mga larawan ay labis na makabuluhan.Iyan ang tinatawag nating kasaysayan.
Ang siyang naghubog sa ating Inang Bayan.
Ang kasaysayan na siyang naging gabay ng mamamayan.
Ang kasaysayan... na unti-unting kinakalimutan.Pagmasdan mo ang kabataan sa loob ng silid aralan.
Tanungin mo nga "Nakikinig ba kayo tuwing oras ng Aral Pan?"
Iba'y magsasabing "Opo. At sa pag-sagot kami ay nag-uunahan."
Pero ang iba diyan? Wala. Tulog nanaman.Pumanta ka sa labas, tanungin ang ilan.
"Kilala niyo ba kung sino ang unang naging Supremo ng Katipunan?"
Mayroon talagang iiling, 'tas magtatawanan.
"Pasensya na po. Di kami nakikinig kay Sir Rolan."Ano ba ang nakakatawa, ha kabataan?
Ang unti-unting paglaho ng kasaysayan sa inyong mga puso't isipan?
Ang sabi ninyo "Kalimutan na't noong una pa 'yan."
Ngunit hindi ba't sinabi rin ni Rizal na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makakarating sa paroroonan?
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryMga isinulat kong tula. Sumesentro sa iba't-ibang paksa.