Chapter 1

38.4K 773 120
                                    

“Good morning everyone, my name is Patricia de la Cruz,” nilaru-laro niya ang mga daliri niya habang ipinapakilala ang sarili sa harapan, hindi niya magawang makatingin sa mga bagong kaklase. She doesn’t really like introducing herself and she hates standing in front of the crowd, sobrang mahiyain siya at wala siyang ganoong confidence sa sarili. Mayroon kasi siyang hindi napakagandang experience sa dati niyang paaralan na nakapagpawala ng tiwala niya sarili at iyon din ang dahilan kung bakit lumipat siya ng unibersidad.

“Ok Ms. De la Cruz, you may take your seat now,” tumango siya sa sinabi ng kanilang professor at naglakad na siya patungo sa pinakadulong upuan sa may sulok habang nakatingin lang sa sahig at nakahawak nang mahigpit sa strap ng kanyang bag the whole time.

Nagsimula na ang klase at napansin niyang may mga nakatingin pa rin sa direksyon niya, kinakabahan talaga siya. Ayaw niyang mag-iwan sa kanila ng masamang impresyon. Hindi niya alam kung magkakaroon ba siya ng kaibigan o kung may lalapit ba sa kanya, ang tingin niya kasi sa sarili niya ay hindi kagandahan, walang special at boring na tao.

Gusto niya sanang magkaroon ng kaibigan sa bagong paaraan kahit isa o dalawa lang, hindi niya kailangan ng marami basta may makilala lang talaga siyang mga totoong tao na magiging kaibigan niya. Narinig ang hiling niya at dininig dahil nang dumating ang vacant period nila ay may lumapit sa kanya na dalawang babae. Ang isa sa kanila ay matangkad at may mahaba at kulot na buhok, girly na girly ang dating nito sa malaking red ribbon sa ulo, pinakilala nito ang sarili bilang Kylie Mendez. Si Trixie Salvador naman ang kasama niya, mas maliit ito sa kanya, malawak ang ngiti nito at halatang napaka-friendly, maigsi lang ang buhok nito at may taling sa ibabaw ng labi. Niyaya nilang kumain si Patricia kasama nila sa canteen at kahit medyo nahihiya si Patricia ay tinanggap niya ang kanilang paanyaya.

“You can relax with us, you know,” nginitian siya ni Kylie nang alukin siya nito ng kaniyang fries. Kumuha siya dito at nagpasalamat, “Ang tense mong tignan kanina sa harapan! Parang nagpapakilala ka sa harap ng mga leon, relax ka lang hindi kami nangangain.”

“Pasensya na pero I was really shy, natatakot kasi ako na baka hindi niyo ako magustuhan at wala akong maging kaibigan,” pag-amin niya sa mga kasama.

“What are you so shy about?” tanong ni Trixie habang sumisipsip sa kanyang apple juice, “Just be yourself and you will absolutely make friends.”

“Actually, we are friends already. Well of course, it’s up to you kung gusto mo kaming kaibigan,” pinakitaan siya ni Kylie ng pinakamabait at pinakamagaang ngiti para sa araw na iyon. Hindi niya tuloy napigilang mahawa sa mga ngiti nito at pati siya ay napangiti na rin.

Iyon ang araw na naging kaibigan niya na sina Kylie at Trixie, she also got along with the whole class with their help. Sobrang naging kumportable na siya kina Kylie, hindi niya kailanman naramdamang ma-out of place sa kanila. Ang sarap nilang kasama, umaapaw sila ng positive energy at ang mga umapaw ay nasambot niya kaya naman punong puno ng positivity ang buhay niya. Ang saya saya niyang nakilala niya sina Kylie at Trixie.

Isang gabi, ininvite siya ni Kylie sa bahay nito upang mag-sleepover silang tatlo. Sa malaking kwarto nito doon sila nagkwentuhan ng mga bagay bagay at nang mapadako sila sa topic na “boys”, doon nila kinorner si Patricia at ininterrogate ito tungkol sa kanyang love life pero walang kwentong naibigay si Patricia sa kanila dahil kailanman ay hindi pa siya nakakapasok sa isang relasyon.

“You never had a boyfriend yet?” sabay pang tanong nina Kylie at Trixie.

Napa-iling si Patricia at natatawa sa kanilang reaksyon, “Hindi pa.”

“Why?” hindi maitatago ang disbelief sa mukha ni Trixie.

“I don’t know, I guess I’m just not that pretty to get a guy’s attention.”

“What are you saying!” hinagisan siya ng unan ni Kylie at ibinalik niya naman ito sa kanya, “You are pretty!”

“Yeah, as long as I don’t show my face,” pina-ikot niya lang ang mata niya at hindi naniwala sa compliment na ibinigay ng kaibigan.

“Kylie is right, you are pretty, and you just don’t stand out that much because you are too plain.”

“Hey, hey,” tumingin si Kylie kay Trixie na may excitement sa mga mata nito, “What about we give this plain Jane a make over?”

“Anong make over!”

Hindi makapaniwala si Patricia na tinotohanan talaga ng mga kaibigan niya ang sinabi nilang make over. Pinilit talaga nilang dalhin siya sa parlor para baguhin ang hairstyle niya, kinalkal pa nila ang mga cabinet niya at pinapalit ang wardrobe niya, wala raw kasi siyang fashion sense. At higit sa lahat, tinuruan nila siyang maglakad na nakataas ang noo at kung papaano makipag-usap sa mga tao na may dala dalang confidence sa sarili.

“Do not forget to smile,” sabi nila, “Because a smile is beautiful and it transmits its beauty to others as well.”

Eskinol Beauty Tip: Never ever sleep with your make up on. (This can clog your pores and cause pimples)

Face the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon