Chapter 2

22K 496 86
                                    

Chapter 2

Ginawa naman ni Patricia lahat ng tinuro nila. Nagagawa niyang maglakad ng may sapat na confidence sa sarili at ang positive outlook niya sa buhay ay nagbibigay ng masayang enerhiya na nakakapag-engganyo ng ibang tao na lumapit sa kanya. Kahit nga umuulan ng sobrang lakas ay hindi naaapektuhan ang positive vibes ni Patricia habang matyaga siyang naghihintay mag-isa sa waiting shed pagkatapos ng klase. Wala kasi siyang dalang payong at hindi niya kasama sina Trixie dahil may cheerleading practice pa ang mga ito, maya-maya pa ang tapos nila.

Pinapanuod ni Patricia ang madilim at malungkot na kalangitan, mukhang hindi ito titigil sa pag-iyak anytime soon. Tinignan naman niya ang kapaligiran niya at napansin niyang walang masyadong tao at siya lang mag-isa sa waiting shed until a guy came running towards the shed. Basang basa ito mula sa ulan, tumutulo mula sa kanyang t-shirt ang tubig at napansin niyang may suot ito ng kanilang university I.D. Matangkad ang lalaking ito at nang suklayin nito ng daliri ang magulo at basang buhok ay lumingon ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata. That made her blush kaya agad niyang iniwas ang mga mata niya at inilipat ang tingin sa kalsada. Ang cute niya, sobrang nakaka-attract iyong mahahaba at basa niyang pilik!

“Ang lakas ng ulan, ano? Too bad we don’t have umbrellas.”

Nang magsalita ang lalaki sa shed ay napatingin ulit dito si Patricia at napansin nito ang nahihiyang ngiti na nakapaskil sa mukha habang ang kaliwang kamay nito ay nasa batok. Napangiti siya dito, he’s too cute to ignore.

“Unfortunately we don’t and I don’t see any public vehicles passing.”

“Oo nga, ni pedicab wala. I just saw one but somebody got it already. I just need a ride to the train station.”

“Me too, I guess we’ll just have to wait for the rain to stop.”

“Enebe, kinikilig ako! Ka-sparks ko na ba ito?” palihim na natatawa si Patricia sa kalikutan ng isip niya.

Sobrang friendly kasi ng guy sa waiting shed, pala-salita ito at dahil doon ay mas naging kumportable si Patricia na kausapin ito. Nalaman niyang parehas lang pala sila ng year at course pero taga-ibang block ito. At kapag tinamaan nga naman ng destiny, nasa iisang street lang pala ang bahay nila at na-mention din nito na nakikinig ito sa banda na nagkataong paborito niya naman.

“Uy, hindi ka ba nilalamig?” napansin ni Patricia ang panginginig ng katawan nito lalo na ang pangangatal ng labi ng kausap.

“Medyo.”

“Gusto mo tara dun sa convenience store sa tapat?” itinuro niya ang convenience store sa kabilang kalsada, “Pwede tayong bumili doon ng something na mainit na maiinom or makakain para mainitan ka.”

“Hmm sige, pwede siguro akong mag-cup noodles. Ngayong binanggit mo ang salitang pagkain, nakaramdam tuloy ako ng gutom.”

May sasabihin pa sana si Patricia nang maputol siya ng isang malakas na tunog na nanggagaling sa kanyang tyan, natakpan niya na lang tuloy ang namumula niyang mukha. Narinig niya ang pagtawa ng kausap at naramdaman niya ang pagpatong ng kamay nito sa kanyang ulo, “Ikaw naman, sana sinabi mo na lang sa akin na nagugutom ka na. Idinahilan mo pa ang panlalamig ko para mayaya lang ako sa convenience store.”

“Uy hindi ah, concerned lang talaga ako sa’yo!”

“Weh? Sige na nga, tara na dun. Concerned din ako sa nagwawala mo ng tyan.”

“Naman eh!” hindi na mawala wala ang pamumula ng mukha niya habang mabilis na tinakbo nila ang convenience store, nabasa sila ng kaonti sa pagsugod sa ulan pero nainitan din naman sila ng mga biniling mainit na pagkain. Nagpatuloy sila sa kwentuhan at hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagtawa sa kanyang kumulong tyan.

“Uy tama na! Mag-move on ka na, ‘wag mo nang pagtawanan tyan ko!” nahihiya pa rin talaga siya lalo na’t ayaw siyang tigilan ng lalaki sa pang-aasar.

“Sige na nga, sorry na,” pinigilan ng lalaki na tumawa ulit at iniling iling ang ulo, “Sorry, sobrang nakakatawa kasi talaga para sa akin. Ang cute mo kaya kanina.”

Nang marinig niya iyon, pakiramdam niya ay masusunog na ang mga pisngi niya sa sobrang init. Kinilig siya ng todo todo nang sabihin nitong cute siya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagkakaroon ng crush sa lalaking nakilala.

Ang dami-rami nilang napag-usapan habang kumakain. Nagsimula silang makilala ang isa’t isa at napagtanto nilang marami silang similarities lalo na sa mga preferences nila. Sa sobrang sarap ng usapan nila ay hindi na nila namalayan ang oras, pagtingin na lang nila sa bintana ay madilim na at tumila na ang ulan. Nagdesisyon na silang umalis at magtungo sa istasyon ng tren. Parehas sila ng tren na sinasakyan araw-araw pero akalain mo ‘yun, ni hindi nila napapansin ang isa’t isa until that day. Napaka-gentleman ni Kurt, ang lalaking nakilala niya, habang nasa loob sila ng tren ay pinoprotektahan siya nito gamit ang kanyang mga braso mula sa mga nanunulak na tao.

Bago sila magpaalam sa isa’t isa ay nagpalita sila ng mga numero. Nakarating ng bahay si Patricia na may kilig smile sa mukha, pagkapasok nga niya ng bahay nila ay nahuli siya ng kapatid niya at inaasar asar siya.

Nagtungo siya sa kwarto niya para magpalit nang damit at nang magpunta siya sa bathroom kung saan nakita niya sa salamin ang sarili ay kamuntik na siyang mapasigaw. Hindi niya namalayan na may malaking red bump na pala sa gitna ng ilong niya, kanina namang umaga bago umalis ng school ay wala pa iyon. Naisip niya tuloy na buong oras na kasama niya si Kurt ay may mala-Rudolph The Red Nose Reindeer siyang ilong.

Naghilamos agad siya ng mukha, umaasang mawawala agad mamayang gabi or atleast kinabukasan ang pimple na iyon. Matapos niyang maghilamos ay nakatanggap siya ng text kay Kylie.

Hey girl, let’s go to the mall tomorrow after class. Let’s go pick our dress for the acquaintance party this Saturday!

“Oh no, the acquaintance party is three days from now. Mawawala na siguro itong pimple na ito bago dumating ang gabi ng party, hindi ba? Sana!”

Eskinol Beauty Tip: Relax. Make sure to have some rest & relaxation every now and then. (Stress can cause an imbalance that can cause acne breakouts)

Face the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon