Sa party, lahat ay naka-ayos na, meron ng music, may mga dekorasyon na ang mga lamesa at upuan, naka-handa na rin ang buffet at ang mga tao ay nakasuot ng mga eleganteng damit. Kinamusta nila Patricia ang mga taong kilala na nila at nakipagkaibigan naman sila sa mga hindi pa nila kilala. Masaya ang gabi at excited ang lahat. Nagsimula ang event kung saan may dalawang host na nag-lead sa program. Pagkatapos nilang kumain ay may mga sinabi muna ang mga hosts pati na rin ang mga guests nila. Matapos ang ilang seremonyas ay saka inimbitahan ang lahat na sumayaw sa gitna.
Sa umpisa, masaya at punung-puno ng enerhiya ang tugtugin. Sadyang pam-barkada muna ang kanta. Sina Patricia ay masayang masayang sumasayaw sa gitna. Hindi rin naman nagtagal ay nagbago ang kanta sa isang mabagal at romantikong tugtugin. Unti-unting naglalakad pabalik sa mga upuan nila ang mga walang partner at ang mga meron naman ay nanatili sa gitna, isa na doon sina Kylie at Trixie na kasayaw ang mga boyfriend nila. Dahil walang partner si Patricia ay napag-isipan na rin niyang bumalik sa table pero nang palayo na siya ay naramdaman niyang may kamay na humawak sa kanyang pulso at pagtingin niya sa nagmamay-ari ng kamay na ito ay nakita niya ang mukha ng lalaking madalas pumapasok sa isip niya nitong mga nakaraang araw.
"Hi Patricia."
Ang ngiti niya ay halos nagdala ng sobrang kilig sa katawan niya at pakiramdam niya ay nanghina bigla ang mga tuhod niya. Nauutal na binati niya ito, "H-hi Kurt."
“Kanina pa kita hinahanap simula nang makarating ako dito, nakita kita kanina na kasayaw ang mga kaibigan mo pero masyado akong nahihiyang lapitan ka. But now that you’re alone, na-gather ko na lahat ng tapang ko para malapitan ka. Pat, do you want to dance with me?”
Hindi siya makasagot, she's been looking forward to this moment, for him to ask her but now that he did, she just couldn't believe it. It feels as if she's just dreaming, as she looks at him, everyone in the scene faded away.
"Well?" napansin niya ang pamumula ng pisngi nito habang hinihintay ang sagot niya. Ayaw niya nang paghintayin ito kaya tumango na siya at hinila naman siya nito pabalik sa dance floor.
Ang isang kamay niya sa balikat nito at ang isang kamay nito sa beywang niya, sabay sa romantiko at mabagal na tugtog ang paggalaw ng mga paa at katawan nila. Nararamdaman ni Patricia ang init ng kamay nito at ang mga mata nito ay tila isang magnet na ayaw pakawalan ang kanyang mga tingin.
"You look beautiful tonight."
Naisip ni Patricia na hindi na pala niya kinailangan pang mag-blush on para sa gabing iyon dahil kaya naman pala ng natural blush na lagyan ng kulay ang mga pisngi niya, para takpan ang hiya at kilig ay tinukso niya na lang ito, “Ngayong gabi lang?”
“Hindi lang ngayong gabi, parati kang maganda. Actually, when I first saw you in the waiting shed I already felt attracted to you. Sa tingin ko kasi noon na ang ganda mo at merong something sa’yo na nakakapagpagaan ng loob ko. Sobrang nahihiya talaga ako noon na i-approach ka pero nang tumingin ako sa’yo at nakita kitang nakatingin din sa akin, I grabbed the chance to talk to you and fortunately you were friendly enough to talk to me too. Masaya ako kasi kinausap mo rin ako noon at nagkaroon ako ng tyansang makilala ka, gusto talaga kitang makilala pa Patricia.”
While the two of them are busy creating their own worlds, Trixie and Kylie had their jaws almost dropped to the floor, they didn't expect that the Kurt she was talking about was Kurt Sandoval who happens to be one of their school's hottest guys. Nangamba rin sila ng kaonti para sa kaibigan nila kasi nakita nila si Claire Pedrosa na ang sama ng tingin kay Patricia, Claire is popular for being mean and a big bully in their school and she happens to like Kurt for a long time already. She's the kind of girl will get everything she wants in whatever way she wants.
“Bakit tayo pumunta dito?” Tanong ni Patricia habang naghahabol ng hiningainakyat at tinakbo kasi nila ang napakaraming hagdan papunta sa rooftop. Tinanggal na nga niya ang high heels niya para lang makatakbo. Si Kurt kasi bigla na lang siya hinila palabas ng party at inaya na sumama sa kanya, may sorpresa raw kasi ito para sa kanya.
Humiga si Kurt sa semento at niyaya rin siya nitong mahiga doon, "Come here, I will show you something great."
Dahil curious sa gusto nitong ipakita sa kaya ay humiga na rin siya sa tabi nito, hindi na iniintindi pa kung marurumihan ang suot.
"What now?" binaling niya ang tingin dito at ito naman ay sa kalangitan nakatingin. Itinuro ng kaharap niya ang kalangitan gamit ang hintuturo, "Look at the sky."
She looked at the sky and it was filled with stars, "Ang ganda naman."
In her peripheral vision she saw him smile and shook his head, "Not yet, wait for it."
"For what?" nagtataka siya, may mas gaganda pa ba sa mga bituing kumikinang sa ibabaw nila?
"In less than 10 minutes you should see something more beautiful than what you're seeing now."
She waited for what he's talking about and after 10 minutes she realized how true his statement was, there was a shower of meteors and it was the first time she has ever seen one. She couldn't say a word while watching them, she held her breath the whole time and she didn't want to blink because she didn't want to miss a second of that moment.
Nakabalik lang siya sa mundo at na-realize niya lang na tapos na ang meteor shower nang maramdaman niya ang pagpatong ng kamay nito sa kamay niya, tumingin siya dito at nakita niya ang sarili sa mga mata nito, “Napakaganda nun, Kurt. Sobra.”
“That was Perseids meteor shower.”
“How did you know its name?”
“I saw it in the internet, I have a passion for these stuff. I regularly check a website about events like these and fortunately there’s a meteor shower today and I had the opportunity to show it to you.”
“Thank you Kurt, I really loved it. First time kong makasaksi ng tulad nun. Kung hilig mo pala ang mga bagay na ito bakit hindi ka kumuha ng course na related sa astronomy?”
“Hilig ko rin kasi ang course natin ngayon, hobby na lang talaga ito. Nakita mo na ba ang planetang Saturn?”
“Sa pictures lang,” ngumiti siya dito, nakahiga pa rin sila sa sahig at hawak hawak ang kamay ng bawat isa. Ang gabi, na tila ba nakikinig sa kanilang usapan, ay napakatahimik at pati na rin ang hangin ay nakikisayaw sa tinig ng kanilang mga boses at tibok ng mga puso.
Ibinalik ni Kurt ang ngiting ipinapakita niya, inimbitahan siya nito na sumama sa kanya next week upang makita ang tinutukoy na planeta, “There’s a laboratory offering people to have a peek of Saturn with their gigantic telescope, the entrance fee is very cheap.”
“That’s cool! Gusto kong makita ang Saturn!”
“Ok, so it’s a date then?”
When she realized that they just set a date she blushed once again for the nth time that night.
Sobrang unforgettable ng gabing iyon para kay Patricia, simula nun ay parati na silang nagkakausap. Palaki na nang palaki ang nararamdaman niya para sa lalaki.
Eskinol Beauty Tip: Identify your skin type first to determine the perfect Eskinol variant for you. (Whether your skin is oily, dry, or sensitive, having blackheads)
BINABASA MO ANG
Face the Day
RomanceBago lang si Patricia sa kanyang school at sobrang kinakabahan siya kung magkakaroon ba sya ng kaibigan. Makikilala niya sina Trixie at Kylie na siyang magiging mga kaibigan niya, she'll also meet Kurt, ang lalaking magpapatibok ng puso niya. Pero p...