Chapter 3

15.6K 361 68
                                    

"So you met this guy in the waiting shed? Ahh!" napatakip ng tenga si Patricia nang sabay na tumili nang malakas ang dalawang kaibigan.

“Shh guys, calm down,” napatingin kasi ang mga tao sa paligid nila, nasa loob sila ng isang dress shop, namimili sila ng damit na susuotin para sa party. Habang namimili ay kinuwento niya sa mga ito ang encounter niya with Kurt.

“May picture ka ba ng guy na ito? Anong name niya?”

“Kurt ang name niya, wala akong picture niya pero,” inilabas niya ang phone niya at ipinakita sa mga kaibigan, “I have his number!” 

Kinuha ng mga ito ang cellphone sa kamay niya at binasa nila ang mga pinaguusapan nila ni Kurt sa text, kinikilig ang mga kaibigan niya para sa kanya, “Sa wakas magkaka-lovelife ka na girl!” 

Natawa lang si Patricia sa sinabi nila, “Masyado pang maaga para sabihin iyan, we’re just friends right now.” 

“Right now lang daw oh!” pag-uulit ni Kylie sa huling sinabi niya at nagtinginan ang dalawa niyang kaibigan, “Pero bukas more than friends na! Ayee!”

“Ano ba guys!” hindi niya tuloy mapigilan mapangiti sa pang-aasar ng mga kaibigan, kinikilig din kasi siya.

“Tiga-school din natin siya diba? Pupunta ba siya sa party?”

 “Oo, pupunta siya.”

“Alam na! Kylie, kailangan natin ayusan ng maigi itong si Pat! Baka yayain siya ni Kurt sa sayaw!”

Lumungkot nang kaonti si Patricia pagkarinig nun, “Hindi ‘yun, hindi niya ako yayayain.”

“Oh bakit lumungkot ka? Nega ka na naman dyan!”

“Wala. Kasi naman…”

“Anong problema?” nagtataka na sa kanya sina Kylie.

“Ito oh,” itinuro niya ang malaking pimple niya sa ilong, “Nahihiya talaga akong tumuloy sa party dahil dito.” 

“Uy ang OA mo girl, parang pimple lang!” 

“I know, pero sobrang laki kasi. Nadi-distract ako promise, feeling ko kapag may kausap ako sa pimple ko lang sila nakatingin.” 

“Ano ka ba, mawawala din ‘yan!”

“Paano kung hindi siya mawala before the party o kaya madagdagan pa? I’ve been washing my face day and night, I even avoid eating peanuts and foods that may make it worse but it is still here on my nose!" 

"Peanuts? Do you believe that myth? It won't cause you pimples, believe me. The real cause of pimples is dirt," Trixie explained," You know, pollution, dust and stuff like those that clogs our pores."

 “Kung ‘yun nga, bakit ayaw pa rin mawala? Araw-araw naman ako naghihilamos.”

“Sabon lang ata ginagamit mo.”

“Bakit? May iba pa ba akong dapat gamitin?”

“Na-try mo na bang mag-Eskinol?” tanong sa kanya ni Kylie, lumabas na sila sa shop na pinuntahan nila dahil wala silang nagustuhan doon. Naglakad lakad na sila patungo sa ibang tindahan.

“Hindi pa.”

 “Ay nako girl, i-try mo ‘yun! Gamitin mo after you wash your face, sobrang effective! Iyong tipong may dumi pa rin sa cotton kahit naghilamos ka na. Tanggal lahat ng dumi!” pangkukumbinsi ni Kylie.

“Totoo ‘yan Pat, alam mo ba sobrang madami rin akong pimple dati?” kwento ni Trixie, “Pero beauty saver talaga ‘yang Eskinol! Lagi ko ngang dala ‘yan sa bag ko wherever I go. I’m a fan of it since high school!”

Bilang patunay sa sinabi ay inilabas ni Trixie ang Eskinol bottle niya. Na-curious naman si Patricia sa ginagamit nila kaya bumili na rin siya nito at pagka-uwi sa bahay ay ginamit niya ito pagkatapos maghilamos. Nakita niya ngang marumi pa rin talaga ang cotton na ginamit niya na may Eskinol kahit nakapaghilamos na siya. Ginamit niya ito nang ginamit hanggang sa dumating na ang gabi ng party. Sobrang natutuwa siya at sinunod niya ang advice ng mga kaibigan niya dahil pimple free na siya pagdating ng pinakahihintay nilang party! Pakiramdam niya ang ganda niya sa glowing skin niya!

 Eskinol Beauty Tip: Have you ever heard of the T-ZONE? Make sure you keep this area fresh and dirt free with your Eskinol Facial Deep Cleanser

Face the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon