Days passed and Patricia just let the rumors spread kasi hindi rin naman nila mahuli si Claire, ini-ignore niya na lang ito habang iniisip na lang na mawawala rin ang mga usap usapan tungkol sa kanya kapag nagsawa na ang mga tao at ang mahalaga naman ay pinaniniwalaan pa rin siya ng mga kaibigan niya, hindi siya nag-iisa. Wala naman ng ginawa pang ibang bagay si Claire dahil hindi na lumalapit pa si Patricia kay Kurt ni nakikipag-usap dito at ganun din naman ang lalaki sa kanya. Minsan nakikita niyang magkasama sina Claire at Kurt sa hallway, kahit galit siya sa lalaki ay nainggit pa rin siya kay Claire kaya iniiwas niya ang sarili niya na makasalubong sila. May gusto pa rin talaga siya kay Kurt matapos nang lahat ng sinabi nito sa kanya.
Pero isang araw, habang nagsi-cr siya ay narinig niya ang boses ni Claire na papasok ng cr.
“Haay, kailangan kong magpaganda magkikita pa kami ni Kurt. Buti na lang talaga naalis ko sa landas iyong Patricia na iyon,” pagkarinig niya ng pangalan niya ay maingat at tahimik na inilabas niya ang cellphone niya sa bulsa at nirecord ang mga sinasabi ni Claire, sumilip siya sa ilalim ng cubicle at nakitang nag-iisa lang ito habang nag-aayos ng sarili sa salamin, mas minabuti niyang videohan ito para mas maging malinaw ang pruweba niya kay Claire.
“Bwisit talaga iyong babaeng iyon, akala niya hindi ko seseryosohin ang threat ko sa kanya? Hmp! Buti nga sa kanya, effective talaga pagpapakalat ko ng rumors about her and more than what I expected pa ang result na nakuha ko. Nagkaroon pa ako ng chance na mapalapit kay Kurt! Haha! Buti madali siyang mauto. Galing ko talaga umarte! Ngayon, sirang sira na siya sa school pati na rin kay Kurt. She shouldn’t have messed with me.”
Nang mai-save na niya ang nirerecord ay saka na siya lumabas upang magpakita kay Claire, napatingn ito sa kanya at nabigla.
“Aba akalain mo, the thief is here pala.”
“I’m not a thief. Meron na akong proof sa’yo!” itinaas niya ang cellphone niya, “Na-record ko lahat ng sinabi mo, kung hindi ka ba naman baliw na nagsasalita mag-isa eh.”
“Ano?” Nagalit si Claire sa sinabi niya, “How dare you call me baliw?”
“I’ll send this to the disciplinary office, ire-report kita sa pambubully mo. May proof na ako. But I will not do it and I can forgive you if you just sincerely apologize to me at kung babawain mo sa lahat ng tao ang mga rumors na ipinakalat mo tungkol sa akin.”
“What? I will not apologize to someone like you! Give that to me!” Biglang sinugod siya ni Claire para kunin sa kamay niya ang cellphone pero buti mahigpit ang hawak niya dito kaya hindi ito agad nakuha. Pero desidido naman si Claire na kunin ang cellphone sa kanya kaya nagtutulakan at nagkakalmutan na sila habang nag-aagawan sa cellphone. Habang nag-aagawan ay natulak ni Claire nang malakas si Patricia, nadulas tuloy ito sa sahig at sa kasamaang palad ay hindi niya naprotektahan ang ulo niya at nabagok sa sahig. She lost her consciousness and Claire didn’t know what to do, biglang may pumasok sa cr na dalawang babae at napasigaw silang parehas nang makita ang walang malay na katawan ni Patricia. It caught a lot of people’s attention, a lot of students went to the toilet to check what happened and when they saw Patricia, they immediately brought her to the clinic habang paulit-ulit sinasabi ni Claire na hindi niya sinasadyang mabagok ang ulo ni Patricia sa sahig.
Nagising si Patricia nang bandang alas sais na, uwian na ng mga tao. When she opened her eyes, nakita niya sa harap niya ang mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan. Tuwang tuwa ang mga ito nang magising siya, napatanong tuloy siya kung ano ang nangyari. The last thing she can remember was her fight with Claire. Ipinaliwanag sa kanya ng mga kaibigan na safe na siya, hindi naman ganon kasama ang pagtama ng ulo niya sa sahig at si Claire ay ipinadala sa dean’s office upang mabigyan ito ng punishment. Alam na ng mga head sa school nila ang mga ginawa ni Claire hindi lang sa kanya kundi sa iba pang mga estudyante, nahuli na ang pambu-bully nito at hindi na ito makakatakas o makakalusot pa sa mga acting nito dahil sapat nang pruweba ang ginawa niya kay Patricia.
“Expelled?” nabigla siya sa punishment para kay Claire kahit na expected niya na ‘yun.
“Oo, buti nga sa kanya. Ang sama sama niyang tao,” naiinis talaga si Kylie sa tuwing name-mention ang pangalan ni Claire.
Nang maka-usap niya na ang nurse sa clinic at pinayagan na siyang makalabas ay umalis na sila ng mga kaibigan niya. Tinulungan siya ng mga ito sa paglalakad at pagdala ng mga gamit niya. Pagkalabas niya ng clinic ay nakasalubong niya sa hallway si Claire, kalalabas lang nito ng dean’s office at kasama nito ang mga magulang nito. Umiiyak si Claire at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay humingi agad ng tawad si Claire kay Patricia.
“Patricia, sorry. Sorry talaga, I didn’t really mean any harm to you. I was so afraid when you lost consciousness before. Believe me, I didn’t really mean harm, I was just really jealous of you and I just want to bully you a little.”
Kahit na inis pa rin si Patricia kay Claire ay nagdesisyon na rin siyang patawarin ito, mukha naman atang sincere ito, “I can forgive you pero alam mong whether I forgive you or not it will still not change the school’s decision to expel you.”
Tumangu-tango si Claire habang umiiyak pa rin, “I know, I know. I just really want to apologize.”
Nag-sorry na rin sa kanya ang mga parents ni Claire bago sila tuluyang umalis. The news about it spread in their campus and Patricia’s name will soon be cleared from all the false rumors. Of course, ang balitang ito ay makakarating din kay Kurt. After knowing the truth, he regrets saying mean things to Patricia and for not believing her. He will immediately search for her to apologize but Patricia, still hurt from all the things he has said before, will just ignore him.
Eskinol Beauty Tip: What to do when a new pimple first appears: Take a clean cotton bud and dip it in your Eskinol Facial Deep Cleanser. Gently apply the Eskinol solution on your pimple for 5 seconds and then let your skin rest. This procedure can help dry up your pimple.
BINABASA MO ANG
Face the Day
RomanceBago lang si Patricia sa kanyang school at sobrang kinakabahan siya kung magkakaroon ba sya ng kaibigan. Makikilala niya sina Trixie at Kylie na siyang magiging mga kaibigan niya, she'll also meet Kurt, ang lalaking magpapatibok ng puso niya. Pero p...