"May jowa ka na ba ngayon CJ?,hindi nakucurious ako pero napaka imposible namang sa gwapo mong yan,walang jowa?" aniko habang kumakain ng frie chicken sabay sawsaw sa ketchup, ayoko ng brown,di ko alam kung anong tawag don,mas bet kong ketchup ang sawsawan
"Ah!oo nga pala!kami na ni kate,ipapakilala ko sya sayo bukas,I'm sure na magiging close kayo" pagkasabi nya non parang may parte sakin na nanghihinayang,di ko alam kung saan ko nakuha yun,kung bakit at saan ako nanghihinayang,huminga ako ng malalim para mawala ang mga iniisip KO
"Daisy,are you alright?" alalang tanong nya sakin,syempre para sakin talaga may iba sa pag aalala nya pero iniisip ko nalang na nag aalala sya dahil kaibigan nya ako
"O-oo ,I'm fine... anyway,nagkita na ba kami nyan ng jowa mo?" di ko napansin na naging bitter na pala ang pananalita ko,hays!stop thinking stupid things!
"Hmm...secret KO nalang yun"aniya tapos sumubo
" Ang tanong seryuso ka ba sa kanya?"natigilan sya sa tanong ko, nag angat sya ng tingin sakin at bumuntong hininga
"M-may pinagseselosan lang ako" aniya
tapos bumalik na sa kinakain"huh?,..pinagseselosan?,..huwag mo sanang mamasain ah pero hindi maganda sa tao ang gumagamit ng ibang tao para lang sa mga binabalak,pano kung yung ginamit mo eh masaktan?,hindi madali para sa kanya na umasa sya sayo,na masasaktan pa sya lalo kapag nalaman nya ang totoo na hindi ka pala seryuso" malumanay kung sabi habang nakatitig sa kanya,ganon din sya sakin,hindi sya nakapagsalita dahil tama ako
"Diba kaibigan tayo?" nahihirapan ako kapag sinabi ang kaibigan,parang ayaw ng bibig Kong ilabas ito,tumango sya,,parang kumirot ang dibdib ko sa pangsang ayon nya
"Kung ganon,hindi naman masama na ibahagi mo sakin kung anong problema diba?" tanong ko sa kanya,tumango ulit sya,para bang bata ang kinukonsume ko,tumingin sya sa Mata ko at sumeryuso,may iba sa kanyang pagtitig sakin
"Natatakot kasi akong mabasted lalo nang napagtanto kong mahal ko na sya,natatakot rin akong hindi nya ako mahal gaya ng sakin,gumawa ako ng plano para maconfirm kung may nararamdaman ba sya sakin,ginamit ko si Kate para pagselosin sya" sabi nya ng ganon, parang kumirot yung kalooban ko,may mahal na pala syang iba,parang gusto kong umiyak,parang gusto kong tumakbo pero wala akong rason kung bakit yun ang nararamdaman ko
"Yun yung problema mo?,dapat kung totoong mahal mo sya,handa kang sumugal,handa kang ipaglaban ang nararamdaman mo,lahat gagawin para lang mabawi sya,lahat gagawin para mahalin karin nya,,wag ka dapat magpaalipin sa takot na nararamdaman mo,huwag kang sumuko sa kanya,pwera nalang kung kaya mo pang panghawakan iyan, wala namang mawawala kung susubukan mo"aniko,Ewan ko kung saan ko nakuha yun,parang yun kasi ang nararamdaman ko, kaya KO yun nasabi
" Bakit nain love kana ba?"tanong nya,don ako natigilan,in love?,hindi ako nakaexperience non,pero may iba sakin na depende ang sagot,..Ang alam ko lang na love ay yung pagmamahal na binibigay sakin ng pamilya ko at kapwa
"Hindi ko alam" yun nalang ang nasabi ko,parang nagdadalawang isip kasi ako,Hindi ko alam kung anong meron dyan sa romantic love na iyan...
"Hindi mo alam o nasa undenial stage kapa?"ngumisi sya,parang walang problema ito ah!
"H-hoy,bakit napunta sakin ang topic?,Tungkol sa problema mo ang topic!,..sa palagay mo may nakikita kabang pag asa sa kanya?" tanong ko sa kanya,ngumiti sya ng malapad dahilan para tumaas ang kaliwa Kong kilay
"Sa tingin ko parang meron,nasa undenial stage pa siguro yun,kaya susulit sulitin konang pamahalin sya sakin,gagawin ko ang lahat para lang sa ikakasaya ng lahi ko" masaya nyang sabi, ang masasabi ko lang ay sana sumaya na sya ng tuluyan
"May tanong ako,ano bang feeling ng mainlove?" natigilan sya sa tanong ko at ngumiti ng malapad,Sa totoo lang mas gwapo sya kapag masaya ang reaction nya
"well,,masaya,,nakakaramdam ka na para bang nabubuhay muli ang kulay ng mundo mo,masarap sa pakiramdam,para bang sya ang kokompleto sa magulo mong buhay,,pero lahat ng ito ay may katumbas na sakit,,..malalaman mo rin yan kapag in love ka na talaga" nakangiting sabi nya
"Dapat hindi ako ang kasama mo, dapat yung taong mahal mo ang niyaya mo" sabi ko
"Nagdate kami kanina,,..syempre niyaya din kita kasi gusto kong magpasalamat sa mga advice mong nakatulong sakin, nang dahil sayo natuto akong bumangon,so i just say thank you so much"aniya ,ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya sa lamesa,nagulat sya sa ginawa ko,ako din eh ,naramdaman kong may dumaloy na kuryente,pinagsawalang bahala ko nalang iyon, natawa ako sa kacute-tan nya
" Wag kang O.A,,,Gusto ko din sabihin sayo na maraming salamat,syempre kung hindi dahil sayo siguro hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho,kung hindi rin dahil sayo ay Hindi nakapag Aral ang dalawa kong kapatid,kaya maraming salamat, kahit araw arawin ko pang magpasalamat sayo,hindi ako magsasawang gawin yun"malumanay at nakangiti kong sabi,..seryuso ako sa sinabi ko, walang biro yun,,nakita ko syang titig na titig sa nakapatong kong kamay sa kamay nya,inalis ko yun pero kinuha nya yun at hinawakan,taka ko syang tinignan
"Pwede hawakan ko muna sandali,ang lambot kasi ng kamay mo,Hindi ka halatang nagkakayod para tumayong ina at ama sa mga kapatid mo"
"Baka naman iba na yan" biro ko sa kanya,kaya mabilis nyang binitawan ang kamay ko ,natawa nalang ako sa reaksyon nya
"Uy joke lang naman,sige namnamin muna" natatawa kong sabi sabay abot ko ng kamay sa kanya
"T-talaga?"favorite spotted nya ang kamay ko kasi daw malambot,kaya nakasanayan ko nang hawak hawakan nya at ilagay sa pisngi nya tapos hihimas himasin
"Ayaw mo?di wag!" kunwaring tampo ko,
"Aish!I was just kidding, give me your hand" sabay kuha nya sa kamay ko at nilagay sa pisngi,para talagang pusang nanglalambing
"Tama nayan!makita tayo ng mahal mo,sabihin inagaw kita sa kanya" biro ko
"Hindi ko maiwasan eh,ang lambot talaga ng kamay mo"nasa pisngi nya parin ang kamay ko
CONTINUE.......

YOU ARE READING
JUST STAY (Series 1)
RomantizmAng babaeng kayang tumayong ina at ama sa kanilang magkakapatid,na kahit anong pagdaanan nila kasabay ng taong mahal nya ang pagsubok na sasalubong sa kanilang mga matibay na relasyon Abangan ang takbo ng kwento,ni daisy rohelio Manzueto at Clarence...