"CJ,alam mo bang Mali tong ginagawa mo?"
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng masama
"bakit?dahil mahal mo sya at nagsisi kang hinayaan moko ganon ba??"
"H-hindi naman,,may mahal ka at ayokong manira ng feelings mo para sa kanya,,ayokong guluhin ang isipan mo"
Tinitigan nya ako at lumayo ng kunti sakin,bago nagsalita
"Eh pano kung-" di na nya natuloy ng may marinig kaming yapak ng paa,,kaya kunyari naglilinis ako sa bintana,si cj naman pumuntang pintuan para e lock ang pinto,
"Anong ginagawa mo-"
"Shhhh!"
Maya Maya pa narinig namin na nag uusap ang dalawang maid at isang....eh?
"ma'am hope,,ano pong gagawin nyo dito ?" tanong ni aleng kedi --mayordoma ng mansyon
"Gusto ko lang sanang makausap si CJ" isang babae,..pagkasabi non,nagkatinginan kami ni cj,pero ako ang unang umiwas
"Ay mukhang umalis na naman po sya,gusto mo ng maiinom ma'am??, kukuha po ako sa baba"
"Ahh ganon ba??,hindi na..uuwi nalang ako pakisabi nalang sa kanya na gusto ko syang makausap sa bahay KO mismo" infairness ah ang ganda ng boses,,di malayong maganda rin to
"bakit po kayo nandito kung ganon?" nong assistant--si aleng belyn
"Titignan ko lang yung kwarto namin dati....ohw nandito pa pala!,..manang San po yung susi nito?,..di pa pala nya ito pinapalooban hahaha" ahhh now i know..
"Ahh ma'am na kay sir CJ po " mayordoma
"OK lang manang,,tiningnan ko lang kung nandito pa,,well,tapos konang tignan,,uuwi na ako,pakisabi nalang po sa kanya,,sige manang!!bababa napo ako" narining kong humakbang na sya papuntang elevator,,sa taas ba naman nito,,malamang sa malamang nagpagawa si cj ng elevator
"Ay ma'am, hatid na po namin kayo" narinig kong humakbang na sila palayo
Tiningnan ko naman sya na nakatingin din pala sakin"Parang yun siguro yung babaeng mahal mo" paos Kong sabi,,nasaktan ako don,inaamin ko na nagsisimula na talaga akong mahulog sa lalaking ito,,Ewan ko kung ba't nasabi ko ang bagay nayun pero pakiramdam ko yun ang sinasabi ng puso ko,, Now i know
Mariin lang syang nakatitig sakin at nagbuntong hininga
"Oo mahal ko sya--" di na natuloy ang sasabihin nya nang nagmadali akong pumunta sa pinto,at akmang hahawakan ko ang doorknob ng pigilan nya ang kamay ko
"CJ ,pasensya na pero kailangan kong pumunta sa CR,he he you know ahm,,Wiwi?" nakangiwi sya sa sinabi ko at binuksan ang pinto,nagtatakbo ako papunta don ,nang makapasok ako,nilock ko yung pinto,at don kona nilabas ang kanina ko pang pinipigilang hikbi,..sinadya kong hinayan ang hikbi para hindi marinig sa labas
Saka ko lang narealize na nahulog nako sa kanya,,no!!matagal na pala akong nahulog,matagal kona pala syang mahal,,saka kolang narealize nong dumating na yung mahal nya,,Yun palang slow motion na sinasabi ni Leo,,lagi ko yun binabalewala,yung kuryente sa pagitan namin,,Hindi ko pinapansin,yung pagkirot ng dibdib ko ,lagi kong sinasabi na may sakit ako,,yung napapadalas na panginginig ng tuhod ko sa tuwing lumalapit sya sakin,,isa pala yun sa dahilan,pero iniisip ko na kinakabahan lang ako sa presensya nya,,Ang bobo ko nga naman!At ang tanga kopa!!
Narinig kong may kumatok sa pinto,pinunasan ko ang magkabilaang pisnge ko na may luha,,hindi dapat ako umiiyak,hindi dapat ako maging mahina,,kailangan ko nang lakas para pigilan ito,hindi pwede ang ganito sakin,,marami na akong romance na napanood sa TV,baka magaya ako don sa bida na namatay dahil lang sa pagmamahal nya sa babae,ipinaglaban nya hanggang sa kamatayan...
"Daisy,,mukhang gripo yang ihi mo ah!tagal mong umihi" Anak ng tinikling naman oh!,..it's CJ
Bumuntong hininga muna ako,,nag inhale,exhale pa ang ginawa ko bago magsalita"Palabas na!!" sigaw ko,tiningnan ko muna sa salamin ang Mata ko,,naghilamos ako para Hindi nya makita na namumula ito, pagkalabas ko bumungad sakin si CJ,mukhang sinusuri nya ang mukha ko,, iniwas ko nalang ito para di mahalata
"Maglilinis na pala ako,sige!,aakyat na ako sa 2nd floor" aniko tsaka humakbang,,hinawakan nya ako sa braso dahilan para taka ko syang nilingon
"Bakit?"umiling lang sya at tinanggal ang kamay nya sa braso KO
" Wala,,,maglinis kana,,don muna ako sa sofa"aniya at lumakad na papunta don
..................
Natapos konang linisin ang mga kwarto dito sa 2nd floor,,aakyat naman ako sa 3rd floor para maglinis ng kwarto na naman,,pag akyat ko,,iniisa isa ko ang mga yun,mukhang malinis naman,nilinisan siguro nila Nilda--maid din dito,,mukhang wala na akong lilinisan,,tapos na lahat ,,bigla kong naramdaman ang bagay sa likod ng bulsa nitong pantalon ko,,naalala kong susi pala to,,dinukot ko yun at umakyat sa 4th floor,,Nang makatungtong ako sa harap ng kwartong nakalock,,naghanap ako ng maaaring susi nito,,nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba o Hindi,,curios lang ako pero hindi naman pwede na nangingialam ako ng mga bagay -bagay dito,,nanaig parin ang kuryusidad sa buong katawan ko,,nilagay ko ang susi sa key hole,,hindi yun nagkasya kaya inisa isa ko lahat yun,,nong saktong kumasya yun,,agad kong binuksan ang kwarto at nagmadaling pumasok sa loob,,sinarado ko yun,,binuksan ko ang ilaw,bumungad sakin ang maraming picture,,nakapalibot ito sa buong kwarto,,napadako ang paningin ko sa dalawang taong naglips to lips sa pagkakuha ng larawan,lumapit ako don,tumulo ang luha ko at humikbi,,bakit ang sakit!!sa tuwing nakikita ko syang may mahal nang iba,parang gusto kong magpakamatay,,Sa buong kwarto mga larawan lang nila ang nakapalibot dito,,Ang sweet nilang dalawa,napahawak nalang ako saking dibdib na parang sinaksak ng paulit ulit sa mga nakikita ko,,,Inilibot ko ang aking paningin sa loob nito,,kitang kita ko sa kanilang dalawa na in love sila sa isa't isa,,,sa paglipat ko nang paningin,,may nakasulat sa gilid nito pangalan ng dalawang tao,...Ang sakit!!Walangya ka Kupido!!Bakit ako pa pinana mo?pwede namang sa iba nalang!!humikbi ako ng humikbi,,parang ang hirap na nitong pigilan,,magmamahal na talaga ako ng patago at masasaktan din ako ng palihim
Clarence Javier de carpio love hope encaliado
Continue.........
A/N:
GORABELLS!!may story akong isusulat pagkatapos nitong JUST STAY,,ang title nong story DEVIL UNIVERSITY,,Ewan ko lang kung maganda ang takbo nong story ko,Hindi kasi ako marunong manuri ng mga bagay bagay like Halimbawa para sa inyo eh marami tapos sakin di ko alam kong marami ba o konti hehehehe bawal spoiler Gorabells,,kung iniispoil nyo yung magbabasa palang,,kukutusan ko kayo ng 100000000000+ di joke lang,,syempre dahil mabait ako sisipain ko nalang kayo hahahhaha ang cute at magaganda talaga sila wahahaha
Asshhhh!! Tama na!!Lumalaki na ulo nyo!!anyway,thanks for reading... enjoy!!
![](https://img.wattpad.com/cover/186629834-288-k18865.jpg)
YOU ARE READING
JUST STAY (Series 1)
RomanceAng babaeng kayang tumayong ina at ama sa kanilang magkakapatid,na kahit anong pagdaanan nila kasabay ng taong mahal nya ang pagsubok na sasalubong sa kanilang mga matibay na relasyon Abangan ang takbo ng kwento,ni daisy rohelio Manzueto at Clarence...