Kasalukuyan akong nasa bahay namin, magtatatlong linggo narin ako nagtatrabaho, naasign ako maglinis sa loob ng office ni sir,naging close kami ni kyle at CJ,mukhang sinunod ni CJ ang mga sinabi kong mga advice,tinulungan ako nila paaralin ang dalawa kong kapatid kapalit ng pagiging maid ko sa bahay nila CJ
"Mga kapatid!tandaan ,ayuko ng gulo ah!Hindi ako naniniwala sa inyong dalawa pero may tiwala naman ako" bilin ko sa kanila
Nagluluto si Leo ng agahan,si Ella naman tinutulungan ang kuya nya,ako naman naglilinis ng bahay,day off ko ngayon, alas 5:38 na ng umaga,bukas e tatransfer nako sa bahay nila cj bilang maid nila,libre kwarto,pagkain at damit don, ang yaman talaga nila,pero hindi ako ineresado sa pera kundi,,kailangan ko ito para mabuhay kami...
......,.....................
Nang umabot ang hapon,pinuntahan ko si mama at papa sa sementeryo para kamustahin,namimiss ko na sila lalo na sila Leo at Ella,mamaya pa uwi non dahil oras na nila ngayon para magtrabaho
Umupo ako sa harap ng puntod nila papa,inilapag ko sa gilid ang dala kong bulaklak para sa kanila,sinindihan ko yung kandila,hinimas himas ko ang mga puntod nila bago nagsalita
"Ma,pa,we always miss you and we love you,walang oras kaming hindi kayo iniisip, araw araw kaming magmamahal sa inyo,hindi naman kayo nawala,wala lang kayo sa tabi namin pero alam naming binabantayan nyo kami sa kahit anumang oras,pasensya na po kayo dahil ngayon lang ako nakadalaw,wala kasi akong pera pamasahe papunta dito pero nangako naman po ako na dadalawin kopo kayo hanggang sa makakaya ko"pinunasan ko ang aking magkabilang pisngi dahil sa mga bumagsak kong luha
"Oo nga pala ma,pa,diba sabi nyo sakin kapag nag asawa ako mamahalin ko sya ng buo gaya ng pagmamahal nyo sa isa't isa na handang magsakripisyo para lang din sa mahal mo, tutuparin ko po yun,,hindi sa pinarangalan nyo ako kundi para sa sarili ko,sabi nyo din na may kakayahan tayong mag advice?na dapat wag mahiyang magbahagi sa ibang tao?,ma,pa,nakatulong ako!masaya ako kasi ginawa nya yung sinabi ko,kita ko sa kanyang mga Mata na nag eenjoy din sya ,sana nga magtuloy tuloy na,...mahal na mahal ka namin ma,pa,tatandaan namin ang mga bilin nyo" naramdaman Kong humangin at lumamig kaya napapikit ako.at tumingala.alam kong sila yan ,susulit sulitin kona...
"Mahal na mahal rin kayo namin anak" bulong nila,,bigla nalang bumalik sa normal ang paligid,,napahagulgol nalang ako at hinimas ang dalawang puntod,pinunasan ko na ang aking mga mata at nagpaalam
.........,.........................
Pagdating ko sa bahay ,nagulat ako nang makita ko ang kotse ni cj sa labas ng bahay..buti wala nang tao dahil ganitong oras may pinagkakaabalahan na mga yun,pumasok ako sa loob ,nakita ako ng mga kapatid ko,nagmamadaling tumakbo at niyakap ako
"Ate saan ka ba galing?,kanina pa kami hanap ng hanap sayo" nag aalalang sabi ni Leo,tumango si Ella bilang sang ayon
"bumisita lang ako sa sementeryo,nagabihan ako dahil traffic" sabi ko, napadapo ang Mata ko sa nakangiting nakaupo sa sofa
"Ahh ate ,kakausapin ka daw ni kuya cj,kaya sya nandito" sabi ni Ella ,tumango ako
"Pinaghandaan nyo ba sya ng maiinom?...saka nakakahiya naman sa kanya---" Hindi kona naituloy dahil nagsalita si CJ at tumayo
"Sinabi ko sa kanila na kakakain ko lang" aniya,napadapo naman ang tingin ko sa maraming karton
"ohw!that!,..pinamilihan ko kayo ng groceries para makabawi man lang ako sayo Daisy" dugtong nya,tumango ako,..tumingin ako kila Ella
"Kayo nang bahala dito ha?,mag uusap lang kami ng kuya nyo", tumango sila,..nanunukso ang bawat tingin nila samin,inambahan ko sila ng suntok,ayon!nagmamadaling umalis,lumingon ako Kay CJ na napailing nalang
" Hahaha don't mind them,..Tara!don tayo sa labas"iginaya ko sya sa labas,sa walang tao
"Bakit ka nga pala naparito?" tanong ko sa kanya
"Free ka ba ngayon?"
"Oo naman,..wala na akong gagawin pwera nalang bukas,bakit ?"
"Pwedi kabang yayain magdate?" nanatili akong nakatitig sa kanya at tumawa
"Hahaha seryuso ka?" sabay tingin sa orasan sa loob,nasa pintuan lang kasi yun,,..Alas otso na pala.
"mukha ba akong nagbibiro?" seryuso nyang tugon,..naku!seryuso nga!!..umiling nalang ako
"Good,Tara!date tayo,whether you like it or not" hinila nya ako ,ako naman ay tawa ng tawa
"Magpapaalam muna ako" natatawa kong sabi
"Nah-ah!huli kana,nakapagpaalam na ako" nakangiti nyang ani
"Yung totoo?,buti pumayag?" sabi ko sa kanya
"Hahaha sinong hindi papayag sa kagwapuhan ko?,syempre wala pang nag reject sakin" pagmamayabang nya,napailing nalang ako, kung hindi ko lang to kilala matagal ko natong binato ng sapatos para matauhan
Pumasok kami sa kotse nya at pinandar yun, habang nasa byahe kami puno kami ng tawanan,kwentuhan,minsan pinapatugtog yung radyo tapos kakanta kami, eh sa hindi ako marunong kumanta,palagi syang tawa ng tawa dahil para daw'ng namamaos,hanggang sa nakarating kami sa ....restaurant?
nilingon ko sya,nagkibit balikat lang ang sagot nya,hinawakan nya ako sa kamay ,don ako napaigtad,tiningnan ko sya ng nagtataka..nagkibit balikat na naman sya,sabay kaming pumasok don at naupo,di nya parin binibitawan kamay ko
"Cj,may bakante naman don sa kabila,don nalang kaya ako?" tanong ko sa kanya
"Huwag dito ka nalang......susulit sulitin KO na" sabi nya ,yung huli lang ang di ko naintindihan kasi binulong nya eh.
"Huh?may sinasabi ka?"
"Wala wala,sabi ko mag oorder na ako" nakangiti nyang sabi at umorder na ng makakain
"Cj,Hindi kaba nadidiri sakin?kasi kanina galing akong sementeryo tapos hindi ako nagbihis" sabi ko
"bakit naman ako madidiri sayo?kung tutuusin ako ang humila sayo?,OK na yan,nahiya kapa,ako lang naman kasama mo" aniya
Saktong dating naman ng inorder namin pero nagpaalam muna ako sa kanyang maghuhugas ng kamay,..
Nasa banyo ako nagsasabon ng kamay,para walang bacteriang humalo sa kakainin ko, napag isip isip kong bakit ganon nalang ang trato sakin ni CJ?..maybe we're friends or something i can't explain..
Pagkatapos maghugas ay lumabas na ako ng banyo,at bumalik don sa lamesa namin"Sorry kung pinaghintay kita,kumain na tayo" ngumiti sya at tumango
continue...........
YOU ARE READING
JUST STAY (Series 1)
RomanceAng babaeng kayang tumayong ina at ama sa kanilang magkakapatid,na kahit anong pagdaanan nila kasabay ng taong mahal nya ang pagsubok na sasalubong sa kanilang mga matibay na relasyon Abangan ang takbo ng kwento,ni daisy rohelio Manzueto at Clarence...