CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

"Ah!ma'am ,nakita ko po ito sa labas nakapaskil sa poste,sabi rito naghahanap daw po kayo ng magbabantay ng bata" ani ko sa kanya

Nasa pabahay ako ng kamaynilaan naghahanap ng trabaho para saming magkakapatid,maaga kaming iniwanan ng aming mga magulang,hindi namin lubos matanggap na kami kami nalang tatlong magkakapatid ang bumubuhay saming mga sarili

"Pasensya kana iha pero may nauna na kasi sayo,nakalimutan kong tanggalin yan dahil naging abala ako sa pagpapatakbo  ng negosyo "pagpapaumanhing sabi nya

" Ganon po ba?,sige po maghahanap nalang ho ako ng ibang trabaho"aniko  tumango naman sya at pumasok sa loob

Sa karamihan kong natagpuang trabaho pero wala na talagang bakante,ito ang huling pag asa ko pero wala ring bakante

Napagpasyahan kong pumunta ng coffee shop para magkape at magpahinga narin,pagpasok ko namangha ako sa desinyo ng paligid,may aircon at mabangong simoy nitong loob,sa kakalakad ko may nabangga ako kaya nahulog ang mga papelis ko..

Nagmamadali akong pulutin yon,tinulungan nya rin ako at sabay na tumayo

"I'm so sorry miss,are you hurt?" tanong nya,iniangat ko ang paningin ko sa kanya

"No,it's ok,I'm fine" Aniko at kinuha ang mga papel na nasa kamay nya

Nakita kong sinundan ng Mata nya ang mga papel ko bago magsalita

"Miss,naghahanap ka ng trabaho?" tanong nya kaya don ako naexcite

"Oo!oo!kuya may alam kaba?,sige naman oh!kahit ano gagawin ko basta ba may trabaho!,para sa mga kapatid ko kuya sige na paki usap!" Saad ko habang inuuyog ang magkabilang balikat nya,nakita ko sa gilid ng aking Mata na may security ang lumapit dito at hinawakan ako sa braso

"Miss hindi ka pwede mag eskandalo dito,lumabas na po kayo" Ani security guard, hindi ko sya pinansin ,kailangan ko na talaga ng trabaho eh

"OK!OK!miss tama na,nagugusot na yung suot ko,guard ako nang bahala sa kanya" ani kuya ,tumango naman sa kanya ang guard at bumalik na sa kaninang pwesto

Binitawan ko sya at tinignan ng may pagmamakaawa

"Miss,wala nang bak-" di na nya natuloy dahil nagsalita ako

"Kuya!paki usap!gagawin ko ang lahat makatrabaho lang,please kuya!kahit anong trabaho gagawin ko "nakita kong nagbuntong hininga sya bago nagsalita

"Wala ka bang arte?" sabi nya,nagtaka akong tumingin sa kanya,..ako maarte?

"Kuya,kaya nga kahit ano gagawin diba?naghanap pa ako ng trabaho kung aarte Arte naman ang gagawin ko"

"hindi ka kasi halatang mahirap ,..anyway,Janitress OK ba yun sayo?yun lang ang may bakante eh"aniya at tumango ako habang nakangiti ng malapad

" Ok magsisimula ka bukas"nakangiting sabi nya at umalis pero natigil din ng may maalala

"Oo nga pala,I'm Clarence jed Javier De Carpio,cj for short,,and you are?"

"Ahm Daisy Rohelio Manzueto" masiglang ani ko

"Happy to meet you Daisy,I'll explain everything you to do tomorrow,I'll go now" paalam nya at tumango akong nakangiti

"Yesssss!!!" Sigaw ko dahilan para makuha ko ang attention nilang nag kakape

"Hehehe pasensya na po" ani ko habang nagpeace ako sa kanila at nagmamadaling lumabas

.................

"Mga kapatid kong magaganda at maalaga,nandito na si ateng mapagmahal!!" sigaw ko sa loob ng bahay,maliit lang ito pero kasya naman kaming tatlo rito total kami kami lang naman ang nakatira dito,

Nadinig kong bumukas ang kwarto , nagmamadali silang tumakbo sakin at yumakap

"Ate natanggap ka na ba?" sabi ni ella,

Ella rohelio MANZUETO ang bunso kong kapatid  ,babaeng maganda,matalino at maalaga,19 years of existence, mas matangkad ito sakin ,akala nga ng mga kapitbahay ,sya daw ang panganay samantalang ako parang bunso,,sa aming magkakapatid ako ang pinakamaliit,5'5 ang height ko,5'7 naman sa kanya,trabaho nyan tagahugas ng plato sa karenderya ,250 ang sahod isang araw..

"Oo!tanggap nako!" masayang sabi ko

"Anong trabaho naman yun?" tanong naman ni Leo,tumango si Ella bilang sang ayon

Si Leo rohelio MANZUETO ang pangalawa talaga namin,parehas silang matangkad ni Ella,may pagkamasungit din ito minsan pero maparaan at mapagmahal yan,21 years old na yan,trabaho nyan nagseserve sa bakery ng tinapay,300 isang araw ,Ewan ko ba sa height ko kung bakit nakulangan pero sumobra sa kagandahan ,di charot!!ayoko maging maganda,dahil sabi ng mga kaibigan ko mahirap daw maging maganda lalo na pag iinteresan ka sa mga lalaki,..suot ko ngayon?OK naman sya,ayoko ng mga sexy'ng kasuotan,gusto ko yung pang boyish palagi,at pinaresan KO ito ng malaking salamin

"Janitress"

"JANITRESS?" gulat nilang sigaw,napatakip nalang ako ng tenga,nagtataka akong tumingin sa kanila

"bakit?anong Mali don?"

"Wala nagulat lang,saan ka naman magjajanitress aber?" Masungit na ani Leo

"Ewan ko, basta ipapaliwanag daw ni kuya CJ,wag na kayong magtanong,pagod ako eh!kumain na ba kayo?" tumango naman sila

"Oo,ateng may ulam sa kusina" Ella

"It's super delicious ate,it's adobo" nakangiting ani Leo

"Wow!masarap nga!Adobong baboy yun no?!ayieeee!"

"Hahaha adobong kangkong ateng!" ani Ella habang natatawa ,napasimangot nalang ako

.........,...............

Nagbabasa ako ng libro,alas dyes na nang gabi ,lahat kami ay huminto sa pag aaral,dahil narin sa kailangan ng pera sa tuition fees namin,nagtatrabaho kami para mabuhay,at para narin sa pangarap naming makapag Aral ulit kami,pangarap ko kasing maging guro,,lahat kami guro talaga ang kukuhaning kurso,,At nagbabasa ako ng libro para madagdagan ng kaalaman ko sa mundo

"Ma,pa,miss na namin kayo,Sana kung nasan man kayo,Sana binabantayan nyo kami ngayon"

Namatay ang mga magulang namin nong nakaraang taon,dahil sa tama ng baril,isang construction worker si papa ,si mama naman ay isang midwife...nadamay lang sila sa mga hinuhuling addict ng mga pulis kaya nabaril ang mga magulang namin,kami nalang nagkakapatid ang nagtutulungan sa hirap man at ginhawa

Ako si Daisy rohelio MANZUETO pangànay saming magkakapatid,23 years old nang nangungulila na magkaroon ng magulang,pero kaya Kong tumayong Ina at ama ng aking dalawang kapatid.....

Continue......

A/N:

Gorabells  subaybayan lang takbo ng kwentong ito

Yun lang masasabi ko hehehe enjoy reading nalang

JUST STAY (Series 1)Where stories live. Discover now