"Daisy,ako si kyle venondo,assistant ni CJ at bestfriend ko,alam kong nakilala mo na sya pero ang pangalan lang hindi lahat,oo nga pala!,sya ang may Ari nitong building na pagtatrabahuan mo,sya naman si aleng Merci" turo nya don sa matandang babae,kumaway ako sa kanya,nginitian nya naman ako
"sya ang magbibigay sayo ng task kung saan ka dapat magtrabaho,hindi sya as in amo mo na talaga sya,si sir CJ parin ang boss natin,maliwanag ba yun sayo?" aniya at tumango naman ako
"Good!sige!aleng merci kayo na pong bahala sa kanya" aniya ,tumango si aleng Merci at iginaya nya ako sa puder ng mga janitress,ipinaliwanag nya sakin kung ano ang gagawin,parte nitong building at opisina nila kagaya Kay sir CJ,mabait naman si aleng Merci pati yung mga kasamahan kong mga babae,iba rin kasi ang puder ng mga janitor
Nasa sixth floor ako ng building naglilinis malapit sa bandang elevator,nakita kong may lumabas dong magandang babae..maputi sya at parang model ang katawan,lumapit sya sakin at ngumiti
"Hi I'm Francisca de Los Santos,I'm his Gf,can i ask where's CJ?" nakangiti nyang ani, bukod sa malamodel na sya,ang tamis pa ng ngiti nya na para bang juice ng mangga
"Hello,Nasa opisina po nya" nakangiti ko ring sabi
"Ohw!I'm lucky nandon pa sya,by the way,thank you" tumango ako ,umalis na sya ,ako naman pinagpatuloy ang pagmamop
.........................
Gabi na nang mapagpasyahan KOng umuwi pero nakita kong nakabukas ang opisina ni sir kyle,kumatok ako na baka sakaling may tao pa
"Hello sir kyle?,nandyan po ba kayo?" ani ko,pero bigla nalang ako nagulat nang may marinig akong ungol galing sa loob
"A-ah sir kyle?Gabi na ho!baka gusto nyo na pong umuwi!" isinigaw ko nalang para marinig nila habang kumakatok
Napaigtad ako bang may marahas na bumukas ng pinto,tumambad sakin ang isang babae,..maganda sya ah
"Ano ba?isturbo ka naman eh!ano bang kailangan mo?" masungit ,nakacross arm nyang ani habang nakaangat ang kaliwang kilay
"A-ah nandyan po ba si sir kyle,tumawag kasi ang magulang nya sabi daw po umuwi na daw sya"ani ko,sa totoo lang gawa gawa ko lang yun para makaligtas dito sa masungit,at kaligtasan narin ni sir lalo na ,alas unse na nang Gabi
" Oo!dahil istorbo ka ayon!nakatulog!Nabitin ako dahil sayo!,..at tsaka pakisabi nalang kung magising yan umalis na ako!"saad nya ,kinuha ang mga gamit at nagmadaling umalis..
Pumasok ako sa loob,kinapa ko yung ilaw dahil madilim dito,pagkabukas ko non,nakita ko si sir na naka topless,nakaboxer lang,nilapitan ko sya at binuhat,nakahiga kasi sa sahig,ano kayang ginawa ng babaeng yun?
Tinapik tapik ko ang pisngi nya nang mailagay ko sya sa sofa
"Sir!sir!gising ho,alas unse kwarentay bukog na ho!" Salita ko habang tapik ng tapik
"Hmmmmm" Umungol lang sya,Wala akong magawa kaya naghanap ako ng kumot at inilagay ko yun sa ibabaw nya para di sya lamigin,at saka lasing pa naman,baka kapag ginising ko, magdrive pa sya at mabangga,karga de konsensya ko pa
Pumunta akong lababo para magbasa ng towel at lagyan ng tubig ang maliit na planggana,,bumalik ako sa loob at ipinunas yun sa noo,buong mukha,leeg,kamay,at paa,balik na naman ako sa sink para linisin ang towel,para narin mapalitan ng tubig ang planggana,balik na naman sa loob, nilagay ko sa noo nya ang towel para bumaba ang lagnat..niligpit ko ang mga ginamit ko at umuwi na samin
....,,.............
"Sir!Pinatatawag nyo raw ako?" ani ko kay sir kyle
Nandito ako ngayon sa office nya,alas otso na nang umaga ,7:45-10:00 ang start ng trabaho ko dito sa De carpio company,puyat ako ngayon dahil nagbabasa ng libro,first time kong mapuyat eh kaya eyebag ang ending
"Daisy,i would like to thank you for caring me last night, i really appreciate it,,,i just say thank you" nakangiti pero seryuso nyang sabi,tumango naman ako habang nakangiti
"He he pano nyo po nalaman na inalagaan ko kayo?"imposibleng may nakakita non,eh kaming dalawa lang naman ang nandon,at sa kasamaang palad,hindi nya yun maalala dahil lasing sya non
" Haha may CCTV sa loob,maliban nga lang sa CR"aniya..gulat akong napatingin sa kanya
"Seryuso ka sir?" tumango sya
"Pero ako lang nakakaalam non,No!tayong dalawa na pala, ako naman nagkabit non"sabi nya kaya napatango ako
" hehehe walang anuman sir,lahat naman po gagawin yun, titingnan ko lang po ba kayong lagnatin?syempre Hindi po"ani ko
"Your so kind,Anyway,wag mo na akong tawaging sir kyle nalang,and also drop that po"
"Pero--"
"No buts" putol nya sa sasabihin KO
"E-eh si-i mean k-kyle,unfair naman sa ibang tao dito,..ganito nalang,tawagin kita sa pangalan mo kapag tayong dalawa nalang" Ani KO
"ok good!,saan ka na ba maglilinis?" nakangiting aniya
"Sabi po- ehem!sabi ni aleng Merci ,sa office daw ni sir CJ" tumango naman sya,napansin kong parang nag igting ang panga
"Ah kyle ok ka lang?"
"Yeah yeah,don't mind me"
"Ah ganon ba?,sige kyle ,alis na ako, oras na kasi para maglinis" tumango naman sya habang nakangiti
Sumakay ako ng elevator, magsasara na sana pero may kamay ang pumigil,tinulungan ko syang buksan ang elevator, nagulat ako nang makita ko si sir CJ na gulo gulo ang buhok,nag angat sya ng tingin, ngumiti sya nang makita nya ako at pumasok dito,pinindot nya yung sa 12th floor
"Daisy how are you?,long time no see!" ani sir cj na nakangiti
"hehehe I'm fine naman po,kayo po kamusta?long time no see din po!" binalik ko lang yung tanong
"Hahaha same here!,oo nga pala!ako ang nagsabi kay aleng merci na ikaw ang maglinis sa office ko,you won't mind if it's OK to you?"tumango ako,saktong bumukas ang elevator ,sabay kami ni sir pumuntang office
Continue.....
YOU ARE READING
JUST STAY (Series 1)
Roman d'amourAng babaeng kayang tumayong ina at ama sa kanilang magkakapatid,na kahit anong pagdaanan nila kasabay ng taong mahal nya ang pagsubok na sasalubong sa kanilang mga matibay na relasyon Abangan ang takbo ng kwento,ni daisy rohelio Manzueto at Clarence...