First_Shot

13 1 3
                                    


HEY! STEVEN

Genre:
HORROR|MYSTERY THRILLER| PARANORMAL
Yongmaster_xxx

Isang linggo na ang nakararaan magmula ng lumipat kami ni papa dito sa Quezon. Mahirap. Lalo na at kinakailangan ko ding maitransfer sa bagong paaralan, at si papa naman na dito na nakadestino para sa bago niyang project. Isa siyang engineer, civil.

Ang totoo, talagang taga Manila kami. Siyempre dahil sa trabaho ni papa na siyang tanging bumubuhay sa aming dalawa. Kailangan. Wala na si mom. Apat na taon na din ang lumipas ng kunin siya sa amin, eternally. Katorse pa lang ako pero kahit papaano na kaya kong harapin na wala si mama noon.

Tumutuloy kami ni papa sa isang apartment. Pansamantala lang naman, hanggang humahanap pa kami ng bahay na malilipatan.

Aabutin siguro ng tatlong taon ang ginagawang project ni papa bago ito tuluyang matapos.

Maganda dito sa Quezon. Sariwa ang hangin, ang daming puno at payapa ang paligid. Although maraming naglalakihang gusali, hindi naman nawawalan ng matataas at malulusog na puno na siyang nagbibigay kanlong sa mga daanan, at nagbibigay ng preskong hangin.

Kung tungkol naman sa bago kong school...

"President, pinapatawag po kayo ni Ms. Vasquez."

Tumango ako sa secretary ko.

"Okay."

Isa nga pala akong SUPREME STUDENT GOVERNMENT President.

Nakapagtataka nga eh. Almost in second semester na kasi ng pasukan ako nai-enroll. Ibig sabihin lang noon, dapat sa mga  panahong yun eh meron ng elected President. Ang sabi naman sa akin ni Ynna. SSG Secretary. Last year, nagkaroon na ng SSG ELECTION. Lahat ng posisyon ay pinaglabanan liban sa Presidency Position.

Pwede bang ganun? A council doesn't workout without a head. Without their superior. The President. How come na in almost two and a half month. Gumagalaw sila as students councillors nang sila- sila lang?

Good thing is... I've been in this situation before. Hindi man as SSG member pero naging Homeroom President, gathering a leadership award.

After a week ng pagpasok ko. Kinausap ako ni Ms. Vasquez, SSG Adviser. Na ang pagiging part ng council ay makatutulong sa pagtaas ng performance ko as student and at the same time, hindi ko na kailangan pang magbayad sa mga tuition-fees sa school.

Hindi kami mayaman, at alam kong marami ring pinagkakagastusan si papa. So I took the chance.

There's nothing wrong from being a President.

"What is it about Ms.?" Tanong ko kay kay Ms. Vasquez, we're not that close kahit na adviser namin siya at kahit siya pa ang kauna-unahang teacher na nakilala ko dito sa School.

"Our 50th Founding Anniversary is nearly come, What's your plan?"

"Oh! Sorry I'm not informed. Pero regarding diyan, Council are on cue. Right away, pag-uusapan namin yan."

Tinitigan niya lang ako na parang minememorya niya ang mukha ko. Nagtataka nga rin ako, kasi napansin kong. She's too young to be a teacher. Hindi kasi nagkakalayo ang itsura nila ni Ynna na ka age ko, eighteen. Ang maputi niyang balat, at ang itim na itim niyang straight na buhok at may pagkamalantik at mahabang pilik na bumagay sa maliit at may pagkamasingkit niyang mata. Tanging ang transparent framed eye glasses niya lang ang nag-aangat sa authority niya as teacher.

One-Shot Stories (Random)Where stories live. Discover now