Y|N: Play "When I Was Older" by Billie Eilish while reading this final shot of the story.
***
Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang dapat kong ilabas. Takot, kaba, lungkot o saya dahil alam ko sa sarili kong may paraan para makatakas sa sumpang ito.
BUKAS na ang foundation ng School at alam kong bukas na rin ako maaaring hatakin pailalim ng promotor ng sumpang ito.
Natatakot ako.
Kinakabahan.
Naiiyak.
F*ck this curse and that guy.
"PA! Papasok na po ako."
Sinagot lang ako nito ng tango habang nag-aayos ng ilan sa kanyang mga papeles.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang ako sa kanya.
Sorry Pa!
Naisip ko ring marami na kaming pinagdaanang dalawa magmula ng mawala si mama. Kinakaya niyang nagpakatatag para sa aming dalawa kaya dapat ganun din ako.
Lumapit ako sa likod niya at niyakap ko ito mula sa likod.
"Oh Steve may problema ba?" Inosente nitong tanong. "May masakit ba sa 'yo." Giit pa nito habang humigop sa kanyang kape.
"Wala po." Pinipigilan ko ang pagpatak ng aking emosyon. Tumalikod ako sa kanya at tuluyan nang humarap sa daan palabas.
"Tiyaka nga pala. Kumain ka na ba?"
Kasabay ng mga salitang iyon ang marahang pagtulo ng Isang butil ng luha sa aking mata."Ayos lang po ako. Hindi nga pala ako makakauwi mamaya."
Dala ang mga pinrepara kong mga gamit. Lumabas na ako ng silid dala ang bigat sa aking dibdib.
Mahal kita Dad.
"Steve!"
Narinig ko pang tawag ni papa sa pangalan ko subalit patuloy lang akong naglakad palayo. Papasok ng elevator. Kailangan ko itong pigilan. Kailangan kong makaligtas.
Hindi para sa akin.
Kundi para sa kanya. Para po ito sa inyo.
Wala na si mama at hindi ko hahayaang mawala din ako sa kanya.
From the day today.
I'll put an end to this Curse.
***
MAINGAY , makulay, at tawanan ang bumugad sa akin sa pagtapak ng aking paa sa entrada ng paaralang ito.
Subalit TAKOT, kaba at nginig ang hatid nito sa akin.
Ang lahat ay naka-ayos na. Wala na akong papel dito. Ngayon kailangan ko ng tapusin ang bagay na hindi dapat nagsimula.
"MR. PRESIDENT, STEVEN LACSON."
Kasabay ng pagtawag sa aking pangalan ng emcee ay ang pagsalubong sa akin ng isang masigabong palakpakan at hiyawan habang papalapit sa gitna ng entablado.
"WE'VE COULDN'T DO IT WITHOUT YOU."
Matapos ang ilang pananalita mabilis na akong lumabas at tinahak ang daan pababa ng Stadium.
Malamig at parang ibinulong bigla sa akin ng hangin ang ilang salita.
Pssst
Halos mahimatay ako sa mga matang nakatitig sa akin mula sa gilid ng isang classroom.
YOU ARE READING
One-Shot Stories (Random)
De TodoNothing else to do? have it. Thanks..Yongmaster_xxx ..