TRES

351 22 1
                                    

I walked. And I walked. And I walked until I can finally see what I am looking for. At gaya nga ng hula ko kanina, mahigit isang oras at kalahati din ang nilakad ko para lang marating itong Eden's Garden.

Mga dalawapu't isa rin ang bilang ng paghihinto ko sa paglalakad upang magpahinga sa lilim ng mga puno kaya inabot na ako ng dalawang oras at kalahati.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Mabuti na lang pala at lagi kong dala-dala iyong maliit na relo na iniregalo sa akin dati ni Magdalene.

Nang makaipon na ako ng tamang enerhiyang kailangan ng katawan ko ay saka ko na dahan-dahang nilakad ang entrance ng Eden's Garden na puro puno.

Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti akong ginagapangan ng kaba.

Sa bawat laglag ng beads ko sa daan at sa nalalagpasan kong naglalakihang puno ay pinagpapawisan ko ng malamig.

Na para bang may mangyayaring hindi maganda.

Ayoko ng ganitong pakiramdam ko dahil kagaya ito ng naramdaaman ko noon bago pa atakihin si Magdalene.

"Susme, Naia. Huwag kang paranoid..!" gigil kong bulong sa hangin habang dahan-dahan akong naglalakad.

May kung ano akong ilaw na naaaninag sa dulo. Mga limang metro na lang ang layo sa akin.

At habang papalapit ako nang papalapit ay lumalakas ito at nasisilaw ako nang dahan-dahan hanggang sa marating ko na ang huling hanay ng mga puno na siyang nagbibigay ng lilim sa gilid ng Eden's garden.

Ang Eden's Garden ay parang temple without roofing. Napapalibutin ito ng naglalakihang corinthian columns. At sa pagitan ng mga ito ay may maliliit na monolith.

I looked at it with an awe. Sa tanang-buhay ko, ngayon pa lang ako nakakita ng ganito kaganda at well-preserved na structure.

Lalabas na sana ako sa lilim ng puno para tingnan ang kabuuan nito nang bigla akong makarinig ng tawanan sa tagong bahagi ng Eden's Garden.

Nanlalaki ang mga mata na nagtago ako sa likod ng isang puno.

May tao! May mga tao dito! Naku!

Rinig na rinig ko na ang dagundong ng puso ko habang pigil-hininga akong sumisilip upang alamin kung sino-sino ang mga iyong.

Agad akong napakagat labi sa nerbyos nang makita ko ang bruskong tindig ng aking ama habang kasabay niyang naglalakad si Osvald at ang mgatauhan nila.

Ang mga tauhan nila ay may hawak-hawak na parang bote ng spray paint pagkatapos ay inispray ito sa hangin.

Para sa iyon?

"Natapos na bang iset-up nina Jordan ang mga trap sa south, Bruno?" natatawang tanong ni Osvald kay Bruno habang iniinspeksyon nila ang kabuuan ng Eden's Garden.

Bakit ngayon ko pa sila nakita!?

"Yes, sir! Checking nalang ang ginagawa ng team nina Jordan doon."

"Good.." maikling apruba naman ng aking ama pagkatapos ay saglit na napahinto sa paglalakad.

"Uillean?"

Takang-taka sila dahil sa biglaan niyang paghinto. Oh goodness. Huwag naman sana iyong iniisip ko!

"Cruze.." tawag nito sa isa nitong tauhan.

"Don Malthe?"

"I smelled a fainted scent of something. Go and check the woods in north."

Holy guacamole! Kilos, Naia! Kilos!

Mabilis pero maingat akong gumapang para mapuntahan iyong parte ng entrance na mapuno pagkatapos ay mabilis na umakyat nang makahanap ako ng magandang puwesto na malago ang dahon, may malalaking sanga at kita pa rin ang Eden's Garden sa itaas nito.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon