DISE NUEVE

270 14 4
                                    

"Naia?!" Natameme pa rin ako sa bukana nang pintuan nang treatment room nang dahil sa nabungaran ko ngayong umaga.

"Naia, are you okay?" I blinked when i saw the tall figure of Doctor Alfonse, approaching my direction.

Mabilis akong yumuko at dali-daling pinulot ang mga first aid kits na pinukuha sa niya sa akin sa storage. Nanlalamig at nanginginig kong inilagay sa lalagyan ang mga ito kahit na tuloy-tuloy pa rin ang gapang ng kaba sa akin. Am I seeing things now?

"Are you tired, hija?" tanong ni Doctor Alfonse nang makalapit na siya sa akin. Mabilis akong umiling at umiwas nang tingin sa kaniya.

"N-no Doc, erm.. Ayos lang po ako.." Matapos kong malagay ang mga iyon sa lalagyan ay mabilis ko na itong iniabot sa kaniya at humingi ng paumanhin.

Doctor Alfonse stared at me for second then nodded. Bumalik na siya sa puwesto niya kanina, kaharap ang dalawang pamilyar na mukha na nag-bigay sa akin ng isang bangungot.

Hindi ba ito isang panaginip?

Tiim-baga akong humigop nang malalim na hininga bago ko ulit dinaanan nang tingin ang mga bagong pasyente namin dito at para makumpirma na rin ang kutob ko.

Parang tumigil sa pag-tibok ang puso ko nang makumpirma ko na ang hinala ko. Para rin akong pinaliguan nang balde-baldeng yelo.

Those two.. no, no.. Imposible!

Maagap silang tsini-check up ni Doctor Alfonse at nilapatan ang mga sugat nilang pamilyar na pamilyar na sa akin. Wolfsbane cuts.

Sa dalawang buwan ko nang pagtatrabaho rito, hindi na bago sa akin ang makakita nang gano'ng klase nang injury dahil nasabi na sa akin ni Doctor Alfonse na matapos ang kaganapan sa Eden's Garden noon, ipinag-utos nang Alpha Prince na gumawa nang pag-aaral para mapataas ang resistency ng mga Scouts sa wolfsbane. Kaya kasama na sa training regime nito ang Wolfsbane Resistency Research Program, or  code B-Pro.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko sila rito. Ni hindi ko nga naisip na makikita ko pa sila!

Tahimik akong nag-lakad papunta sa drawer na magulo na naman dahil sa hobby na ito ni Doctor Alfonse habang iniisip pa rin kung paano sila nabuhay.

Kunot-noo ko nang inumpisahan ang paga-arrange habang panaka-naka silang sinusulyapan. Paano sila nabuhay?

Paano?

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na buhay sila, o ano pa. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa sitwasyon.

They are real! Binibigyan pa sila nang diagnosis ni Doctor Alfonse patungkol sa B-Pro statistics nila ngayon!

Marahas akong napapikit nang maalala ko na naman ang nangyari noong Full moon. But I've saw them. I left them there.. gasping bloods, I almost tore them up alive. I left them there, helplessly..

Saksi ang dalawang mata ko sa kalunos-lunos na sinapit nang dalawang Scouts na iyon. Imposibleng buhay pa sila..

Kunot-noo akong luminga ulit sa direksyon nila. Nahuli ako nang isa, iyong Scout na unang pumuna sa akin noon. Nginitian niya ako kaya napa-iwas agad ako ng tingin.

What the hell?

Anong nangyayari? Bakit siya ngumiti? Akala ko ba ay ayaw niya sa akin?

I gritted my teeth as I am assembling the records for the morning regime of Scouts.

Hallucinations ko ba lahat iyon? Imposibpe talaga. I remembered everything very well. Kung paano ko pa ipudpod ang mga kamay ko sa lupa at damo para lang mabura ang mga dugo nila.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon