TRESE

226 17 2
                                    

Boses agad ni Noah ang bumungad sa akin nang bumalik na ang malay sa akin.

Halatang-halata sa boses niya ang pag-aalala. Sobrang sakit ng katawan ko. For the nth time, nawalan na naman ako ng malay ngayon. Mag-mula nang matapos ang Council meeting, naging ganito na siya sa akin.

Hindi namin pinag-uusapan ang mga nangyari noong nakaraan. Mas gusto ko na lang iyon ibaon sa limot. My dignity was stripped in a minute, because of that.

Si Noah pa ang nag-assist sa akin noon pabalik sa kuwarto ko. Kahit ilang re-assuring words pa noon ang matanggap ko sa kaniya, hindi iyon pumapasok sa tainga ko. I was shocked. I was hurt. I was in shame.

Para akong tinapunan ng balde-baldeng tubig noong mga oras na iyon. Iyak lang ako ng iyak. Ni hindi ko nga siya napasalamatan noong umagang iyon. Ni hindi ko rin siya matingnan noon. Si Myem naman ay hindi ako inistorbo, nagha-hatid lang siya sa akin ng pagkain.

Sobrang nalunod ako noon sa panlulumo. Parang isang daang beses ako sinampal ng katotohanan. Doon ko na nasabi na mas masaklap pala ang consequences ng ginawa ko kaysa sa naunang estado ng buhay ko noong hindi ko pa binalak ang plano.

Alam ko namang boring ang routine ko dati at humiling ako nang kaonting pagbabago, pero hindi naman iyong ganito.

Iyong thrill na hanap ko, ibang thrill sa nararanasan ko ngayon.

Na parang anytime, kailangan kong mag-ingat. Kaysa noong nasa Surface pa ako, protektado pa ako ng mga under ng aking ama mula sa iba.

Pero dito? Sarili ko lang ang aasahan ko. Hindi ako pupuwedeng masanay, at dumipende kina Noah kasi alam ko, na kahit na anong oras ay puwede silang mawala sa akin. Pinatunayan na ni Claudius sa akin na kaya niyang kunin lahat ng mayroon ako ngayon.

Umiling ako para mailayo na doon ang isip ko.

Sikreto ako ngayong tinutulungan ni Noah na mag-training para sa darating na full moon, dalawang linggo na lang mula ngayon.

Si Myem naman ay todo ang bigay ng pagkain sa akin. Mahigit isang linggo nang ganito. Sobrang daming kailangan kong i-enhance sabi ni Noah. From stamina up to my senses, kailangan kong mapalakas dahil gaya nga ng sabi ni Claudius, either live or die. Literal raw akong mamamatay kapag hindi ko pinaghandaan ang full moon.

Sabi sa akin ni Myem, coming age iyon ng mga bagong wolves. Kapag hindi raw nakayanan ng katawan ko ang shifiting, either ako mismo ang pumatay sa sarili ko, o huhuntingin ako ng mga bagong shifted werewolves dahil magiging wild rogue ako. Sa Full moon din ang magiging basehan kung anong ranggo ang ibibigay sa mga newly-shifted werewolves, in-training Scouts ba, in-training Gammas, Norms, at iba pa.

"Naia? Kaya mo bang umupo?" Napamura ako nang pinilit kong tumayo. Aalalayan na sana ako ni Noah nang pigilan ko siya. This is my battle. I need to stand in my own efforts.

Pinilit kong umupo at nilagok ang iniabot niya sa aking tubig. Sumisigaw na sa pagod ang katawan ko!

Nahagip ng mata ko si Gabriel na naka-cross ang kamay habang pinapanood akong asiksuhin ni Noah.

Nag-iwas ako ng tingin. Nagtataka pa rin ako na hindi pa rin siya nag-susumbong kay Claudius patungkol dito. Well, wala namang sinabi na bawal akong tulungan.

"Sure ka bang kaya mo pa, Ate?" tanong sa akin ni Nymfa nang ibaba ko na ang baso. Nginitian ko siya. Ngayon araw kasi ay schedule ng training ko kay Tita Ophelia. Siya ang nagti-train sa akin para mas lalo ko pang ma-enhance ang senses ko, lalo na at kailangan kong mag-hunting sa full moon.

Noong una ay hindi ko tinanggap ang ideya niya dahil baka lalong uminit lang ang ulo sa kaniya ng mga pack members, pero tinawanan niya lang ako. Pagdadahilan niya, hindi siya kayang saktan ng mga iyon, physically, dahil sa ranggo ni Noah. Kaya ang atake lang na kaya nilang gawin ay verbal.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon