KINSE

244 15 2
                                    

"Naia?"

My head hurts and cloggy. Para may kung ano akong usok na nakikita nang unti-unti kong dinilat ang aking mga mata.

Naka-aninag ako ng isang mukha. Tinatakpan nito ang liwanag na dala ng papasikat na araw.

"Naia? Naririnig mo ba ako?" Gusto ko sana mag-salita kaso sobrang sakit ng lalamunan ko. Parang may nakabara. Nahihirapan rin akong lumunok.

Tinitigan ko na lang ang mukhang naaaninag ko, his voice sounded like Noah's.

Malabo pa rin ang aking paningin. At mukhang hindi pa ito babalik sa tamang linaw. Mahigpit ko na lang hinawakan ang kumot na ibinigay sa akin kagabi ng lalaki. I tried to scanned my surroundings but ended up not finding the guy who've spent his night with me.

"Hija, bubuhatin ka muna ni Noah, okay? Dadalhin ka namin sa infirmary.." Myem?

Gusto kong mapa-kunot-noo pero wala akong lakas. Nang sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kagabi ay gusto kong umiyak. Mag-breakdown. Pero ni hindi nag-init ang mga mata ko. Pero nakakaramdam ako ng kaba, ng takot.

Gusto ko mang sabihin sa kanila na may dalawa silang kailangan tulungan ay hindi ko magawa dahil hirap na hirap akong makagalaw. I feel like I was hit by a truck. Ahh, I am still alive, aren't I?

Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko sa lupa. I was being lifted and carried by Noah, I guess.

Malaya kong sinandal ang ulo ko sa dibdib niya na animo'y batang natatakot sa mga susunod na mangyayari. Paano na ako ngayon? I've survived yet I killed someone.

For sure, mapapatungan na naman ang galit nilang lahat sa akin. Ah, ayoko na lang dumilat. Puwede bang mag-pahinga na lang?

Ano na lang ang magiging reaksyon ni Noah kapag nalaman niyang napatay ko ang dalawang Scouts niya? Ipapatapon na siguro ako ng Elders kay Claudius sa labas. I've committed a graveyard sin. I'm still a rogue, so I don't have any rights to begin with.

Paano na ako ngayon?

"Noah, let's hurry up. She's turning drop dead cold.." rinig kong ani ni Myem sa likuran namin. Ni hindi ko nga naramdaman na hinawakan niya ako.

Bumilis ang pacing ng lakad niya matapos marinig ang sinabi ni Myem. Wala naman akong pakialam.

Gusto ko na lang pumikit. Gusto ko na lang matulog. Whenever I closed my eyes, I feel like I've escaped this. Within the dark, I feel like I was free. That I was protected. That I was more than just what I am now.

Kapag nakapikit ako, pakiramdam ko ay walang makakapanakit sa akin, na ligtas ako.

Gustong-gusto ko umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na patuloy akong nilulunod, kaso wala talaga e. Ayaw na nitong lumabas.

If feeling the pain is really the evidence of one's existence, I guess I'm half there, wishing that I don't exist anymore.

Dahan-dahan kong ipinikit ang nanlalabo kong mga mata. Rest. I want to rest.

I'm so drained about my thoughts, my feelings, my emotions, my physical wounds and bruises. I want a rest. Bawal ba iyon?

"Why is she still alive?"

"Akala ko patay na siya!"

"Buhay pa pala."

"How come she survived the shifting?"

"Tsk. I even wishing that we will see her in pieces."

My heart twinges after hearing their bold, brutal words. Ano ba? Wala na ba akong maayos na maririnig sa inyo bukod sa gusto niyo na akong mawala?

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon