Chapter 7
Sobrang bilis lang lumipas ng oras parang kanina lang nung sinabihan ko si Dean ng 'Yes you're the Dean but I guess you should act like one'
Pero ngayon nasa University na uli ako. Handa na akong ipatawag uli ni Dean kung sakali dahil sa nangyari kahapon.
"Ano?! Kulang ba ng kapal yang lens mo ha! O baka naman bulag kana?!"
"What now?! Pipe kana rin ba at hindi ka maka sagot?! Ang kapal naman ng mukha mong bungguin ako!"
"Jennifer tama na please"
"Hindi pa nga ako nag sisimula pinatitigil mo na agad ako?!"
Hindi ko na pinansin ng maka rinig ako ng babaeng sigaw ng sigaw ngunit ng maka rinig ako ng isang hampas na halatang isang malutong na sampal ay napa lingon agad ako at lumapit. Tatlo sila laban sa isa tsk! Naka suot ng makapal na glasses, mahaba ang skirt, maluwang ang blouse at may dalang mga libro, naka upo siya ngayon sa sahig dahil narin siguro sa pag kaka sampal sa kaniya habang ang tatlong mga babae ay nasa harapan niya.
Ng tangka hihilain ng babaeng nasa gitna ang buhok noong babaeng naka salamin ay agad kong hinawi ang kamay nito na siya namang ikinagulat niya.
"What the heck?!"sabat ng isa na may maikling buhok na kala mo kamay niya naman yung tinapik ko kung maka react siya
"Look who's here ang babeng bago"
"Eh ano naman ngayon sayo kung bago lang ako? Sabagay luma kana kase tsk tsk tsk"
Pang aasar ko sa kaniya kung hindi ako nag kakamali Jennifer ang pangalan niya siya ang sumampal sa babaeng ito.
"Ang kapal rin naman talaga ng face mo!"
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa babaeng naka salamin habang tinulungan itong tumayo.
Mukhang na inis naman si Jennifer sa pagbabalewala ko sa kaniya.
"Look takot yata siya sayo Jennifer hindi maka sagot eh" maarteng sabat na naman nitong babaeng may maiksing buhok.
"You're right Nov ako palang to, papaano pa kaya kung si Angelica na baka manginig na siya sa takot"
At nag tawanan lang sila na animong mga baliw ay male! baliw na pala sila.
"Bakit palaka ba yang si Angelica? Takot kasi ako sa palaka eh" Muli kong pamimilosopo
"Nope. Angelica is our highness" naka ngiting sabi naman ng isa nilang kasama mukha siyang inosente.
"Stacey's right so you must know where to stand newbie girl" maarteng sambit ni Jennifer with matching hand gestures pa.
"Bakit mali ba kinatatayuan ko? So prinsesa pala yang Angelica tapos kayo yung mga alila niya?"
"Excuse me! Were friends!" Napaka arteng singit muli nitong isa with matching paikot pa ng mata tuhugin ko mata neto tignan ko lang.
"Arte niyo! Tsaka andami niyong dada mahuhuli ako ng dahil sa inyo eh. Bakit ba kasi ako nakikipag usap sa mga bangaw." Muli kong pang iinis sa kanila sabay bulong nung huling salitang binanggit.
Tuluyan ko na silang tinalikuran kahit na may kung ano ano pa silang sinasabi, Halatang mga pikon dahil puro pa mimilosopo lang ang sinabi ko sa kanila.
Should I consider my self a philosopher?
"Ahm. Thank you nga pala"
Nag tataka akong lumingon sa tabi ko.
Ay engot! may kasama nga pala ako hehe.
BINABASA MO ANG
Turned Into A Cold Princess (ON GOING)
RandomHow can you continue to live after knowing the truth and reality between your family and HIM. How can you pass through and accept you spend the duration knowing that all your life, everyone was lying. How can you maintain oneself after knowing the t...