Chapter 11

13 10 0
                                    

Chapter 11

Nakaramdam ako ng yugyog sa kama pero hindi ko ito pinansin ngunit wala na akong nagawa ng nag patuloy ito kasabay ng paulit-ulit na sigaw ni Ash.

"Kiera! Kiera! Wake up!" Yan ang paulit-ulit niyang sigaw habang tumatalon talon pa na animo limang taong gulang pa lang ang nakakainis pa ginagaya niya ang boses ni Anna sa Frozen habang tumatawa. Sa inaakto niyang ito mukha siyang hindi labing walong taong gulang. Psh

Wala na akong nagawa kundi ang mapilitang bumangon. "Eto na babangon na kahit kailan talaga ang ingay mo, isip bata pa!"

Reklamo ko sa kaniyang naka pikit pa ang mga mata habang nakamot sa ulo at humihikab pa halata sa boses ko na hindi pa talaga tuluyang gising ang diwa.

Pero ang lokong Ash hinampas ako ng unan kaya napahiga pa ako dahil medyo may kalakasan ang paghampas niya, na tuluyang nag pagising ng diwa ko.

"Kadiri ka naman Kie! Mag sipilyo ka nga muna. Alis!" Pang tataboy niya pa sakin patungong bathroom.

"Teka sandali lang naman! Anong oras na ba?"

"Dali na! alas sais na kaya dumeretso ka naring maligo" sabi niya habang tinutulak pa ang likod ko.

"Hays! Oo na, eto na nga" siya pa mismo ang nag bukas at sara ng pinto ng tuluyan na nga niya akong napapasok sa bathroom.

"15 minutes is enough right? Ihahanda ko ng ang umagahan dalian mo jan ah!" Rinig ko pang pahabol niyang sigaw na halatang nasa likod pa lang siya ng pintuan dahil sa boses niya.

Ash is always Ash, he really knows me well. Kailangan niya pa talaga akong orasan 15 minutes?

Natawa na lang ako dahil minsan inaabot pa ako ng 30 minutes para maligo lalo na pag nagmamadali si Ash mas lalo ko pang tinatagalan kaya madalas wala sa mood kapag lalarga na haha.

Sigurado niyan pag sumobra ako sa 15 minutes niya naka katok na yan sa pinto. Masasabi kong si Ash na ang pinaka time concious na taong na kilala ko. Kaya wala pa mang 15 minutes ay tapos na akong maligo kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko chini-check kung may kulang ba o baka may naka limutan akong ilagay sa bag pack ko.

If Ash is a time concious person i must say that I'm very tidy person. I always check my things first before going off.

"Are you done?" Tanong ni Ash habang naka dungaw sa pinto pagkatapos kumatok. See? His 15 minutes?

Na ngiti na lang ako sa kaniya ng makitang bagay na bagay sa kaniya ang uniform ng ECU lumapit ako sa kaniya para ayusin ang neck tie niyang tabingi.

"Ayos ba? Bagay ba?" Naka ngisi niyang tanong while wiggling his eyebrows.

"Oo na!" Sagot ko sabay hampas ng mahina gamit ang likod ng kamay ko sa dibdib niya na siya namang ikina-tawa niya sabay tungong kusina.

"What did you cook for breakfast?" Tanong ko habang naka sunod sa likuran niya.

"Your favorite syempre porridge and bacon with hot chococo" pagmamayabang niya habang isinasalin niya sa tasa ko ang hot choco na halatang mainitinit pa dahil sa usok nito.

"Thank you Ash." Sambit ko pagkatapos sumimsim sa ginawa niyang hot choco "Nga pala masyado pang maaga para pumasok 8 naman ang start ng klase natin ah?" Tanong ko habang nilalantakan ang bacon.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo kagabi" bigla niyang sabi sabay inom ng tubig habang kumakampay pa ang kanang kamay niya sa akin na para bang na alala na niya ang pinaka importanteng bagay sa buhay niya.

"May try out para sa soccer ngayong umaga 7:30 ang start nun mag ta-try out ako kaya maaga tayo ngayon" napa tumbs up na lang ako sa kaniya dahil puno ng porridge ang bunganga ko.

Turned Into A Cold Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon