Chapter 9

64 13 5
                                    


Chapter 9

Napaka bilis umusad ng araw parang kahapon lang nung nag lakwatsa at perya kami ni Alien pero Monday na naman agad ngayon.

Boring ang Sunday ko dahil nagkulong lang ako sa unit ko buong mag hapon hindi din naman ako makapag lakwatsa dahil boring ang mag-isa, si Aem na mimiss ko na kahit one week palang kaming magka-kilala buti nga at Monday na dahil hindi na ako ma bobored sa unit ko baka kasi maisip kong isabit yung sarili ko sa kisame ng unit ko tsk tsk! mahirap na.

Hindi ako maaga ngayon pero hindi rin naman ako late sakto lang. Sabi ni Aem ngayon na daw siya papasok dahil okay na raw siya.

"Waaahhhh! My First!"

"I miss you! First"

"Waaahhh! Third the goodboy!"

"Ethan! Be mine!"

The usual day. Hiyawan ng mga kababaihan sa tatlong nilalang uhg! Sakit sa tenga dapat na akong masanay dahil dalawang taon kong maririnig ang mga tiliang yan tsk! Napa irap na lang ako ng makitang may dalawang higad naka lingkis sa braso ng Mokong.

Tama nga si Aem Playboy siya siguradong iba na namang higad ang nakapalupot sa kaniya sa susunod na linggo tsk! Nakakaasiwa talaga ang presensiya ng Mokong na to. Bad shot na agad ang Monday ko dahil sa kaniya.

Ng marating ko ang room pumasok na ako at nag basabasa muna habang hinihintay ang Prof. namin.

"Psst! Kiera!" rinig kong tawag sakin ni Mila classmate ko.

Tinignan ko lang siya ng 'ano yun?' look.

"Papasok na raw yung dalawang transferee" nagtataka ko naman siyang tinignan.

A great philosopher said.

"Tinanong ba kita? At isa pa ano namang pake ko dun kilala ko ba sila?"

"Pilosopo ka talaga kahit kailan Kiera! Sabi nila gwapo daw tapos maganda, mga galing ibang bansa"

"Eh ano ngang pake ko? Nag aral ako hindi para sa gwapo isa pa bakit kinakausap niyo ako hindi ba't mga tuta kayo ni Mokong?" Natigilan nga sa sinabi ko sabay irap sa akin kaya inirapan ko din siya kala niya.

It's 8:15 already, pero wala parin ang Prof. namin tsk! Nagbabayad ang mga estudyante ng maayos tapos simpleng pagpasok sa tamang oras di magawa ng mga Prof. dito tsk! Pero syempre joke lang. Okay nga yung laging late ang Prof. pabor yun saming mga estudyante sinong hinde diba? Nerd's? Probably?

Binababa ko ang librong walang kwenta dahil hindi ko rin naman naiintindihan ang binabasa ko.

Bumukas ang pinto at pumasok na si Prof. kasunod ni Aem.

Oo nga pala papasok na siya ngayon, ang lakas talaga maka badtrip ng mokong nayun nakalimutan ko si Aem.

Agad kong tinaas ang kamay ko para kumaway sa kaniya na agad naman niyang napansin at kumaway siya pabalik habang naglalakad pa punta sa upuan niya na naka puwesto sa harap ko.

"Bakit late ka?" Tanong ko habang naka dungaw sa kaniya.

"Sinabay ko kasi si Sha yung kinuwento ko sayo" tugon niya habang naka lingon sa akin.

Tumango na lang ako sakaniya at umayos ng pagkakaupo ng mapansin ko ang mestisang babae na nakatayo sa harapan, she's beautiful and she looks familiar i think i saw her somewhere?

"Listen students she's your classmate enrolled narin siya rito last week pa ngayon lang siya naka pasok. Please introduce yourself Ms. Gabriel"

"Shana Gabriel, I'ma BITCH" napa 'woohh' nalang ang mga kalalakihan sa paraan niya ng pag papakilala.

Turned Into A Cold Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon