Chapter 2

129 65 59
                                    

Kiera POV

Napa balikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Kahit kailan talaga nakakarinding sumigaw si Ash, ginawa kasi naming pang ringtone alarm yung voice namin.

" Hooyyy! Babaeng tulog mantika bang-"

Dali dali kong inoff ang alarm dahil nakakarindi na talaga.

Today is the day. Unang araw ng pasukan excited ako dahil Im a certified student of  ECU. Crimson Eronant University.

Sa sobrang excited ko nakahanda na lahat ng gamit ko nung isang araw pa. Sa buong  isang linggong paghihintay para sa araw na to, nag advance reading lang ako at inaayos ng paulit ulit ang mga gamit ko.

Masaya kong binati ang mga nadadaanan kong janitor pati narin ang guard sa building na ito habang papalabas.

Napaaga ako ng gising kaya napag isipisip kong maglakad na lang papuntang ECU.

Pero masyado ata akong nalibang sa pag imagine ng unang araw ko sa University eh samantalang hindi ko pa pala alam ang address ng school. Kahit kailan ka talaga kiera oo! Buti na lang at may taxi na dumaan kaya sumakay na lang ako.

"Kuya sa ECU nga po" Agad namang kinabig ng driver ang manibela para umikot.

"Nalagpasan niyo na ho maam eh sa kabilang kanto ho ang unibersite"

"Ganon po ba?  bago lang po kasi ako dito sa Vartouhi hehe" 10 minutos lang naman ang biyahe 8am ang unang klase ko. It's 7:30 already mukhang mahuhuli pa ata ako.

Grabe ang laki at ganda pala sa personal ng University na to. Kahit na mas marami pa ang eskwelahang magaganda sa Seoul ito parin ang  pinaka una sakin.

Lakad takbo ang ginawa ko papasok ng gate pero agad naman akong hinarangan ng guwardiya.

"Where's your pass card?" Aba! Abakada inglesero ang tito niyo. Sosyal nga hehe pero pass card daw ano yun?

"Look like you don't have it" pansin niya yatang hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"What pass card manong guard? Password lang meron ako eh"

"You look new here" pagbabalewala niya. Teka kanina pato english ng english ah. Malelate ako ng di oras dahil kay manong na to eh.

"Manong ano nga po yung card na yun? Malelate na po ako eh. Opo bago lang po ako, transferee. ID po ba yun?

"Im sorry miss. Do you have the files that you'll be needing for your first day?" Inire yata si kuya ng may sama ng loob ng nanay niya. Di manlang ngumiti eh. Parang yung mga guard lang ng mansion namin sa Daegu.

"Opo dala ko po lahat pwede na po ba akong makapasok malelate na po kasi ako. San po ba banda ang Dean's office manong?"

Sa pinaka likod pa ng University ang Dean's office kaya sobrang late na talaga ako. Pagkatapos na pagkatapos kong ipasa ang mga files ko sunod ko namang hinanap ang room ko 'S1Aang naka sulat sa papel na bigay sakin ng dean. Senior1 A daw ibig sabihin lang nito first section ako Aba! Abakada! Syempre naman matalino kaya ako. Self proclaim Kiera.

Naudlot ang pag iisip ko kung aling daan ang dadaanan ko ng mag sitilian ang mga babaeng ito habang naka palibot sa hagdaan. Anong meron? Artista? Psh!

I raised my eyebrow, trying to familiarize the guy that caught my attention. That face i won't forget that Mokong. Kala mo artista kung tilian ng mga babae actually tatlo sila yung is- Teka!

Magka kilala pala tong dalawang to! Hindi ako pwedeng magkamali si malanding Alien yung isa. Wagas naman kung maka kaway to. Psh!

Yung excitement ko biglang naglaho nakakawalang ganang makita ang pagmumukha ng mokong nato.

Turned Into A Cold Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon